Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Enero 14
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Enero 1 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising!
15 min: “Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon sa Ministeryo.”a Kapanayamin ang isang brother na huwaran sa pangunguna sa paglilingkod sa larangan. Ano ang ginagawa niyang paghahanda upang pangunahan ang grupo at gamiting mabuti ang panahong ginugugol sa ministeryo?
20 min: “Ang Inyong Pananalita Nawa ay Laging . . . Tinimplahan ng Asin.”b Kapag tinatalakay ang parapo 2, basahin ang Juan 4:7-15, 39.
Linggo ng Enero 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero, at magkaroon ng isang pagtatanghal. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Transfusion-Alternative Health Care—Meeting Patient Needs and Rights bilang paghahanda para sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Pebrero 4.
10 min: Ginagamit Mo ba ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa paunang salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2008. Talakayin ang kahalagahan ng paglalaan ng panahon araw-araw para repasuhin ang teksto at komento sa buklet na ito. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa kanilang rutin sa pagsasaalang-alang ng teksto at kung paano sila nakikinabang dito. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento. Itampok sa maikli ang taunang teksto para sa 2008.
25 min: “Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita.”c (Par. 1-10) Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nag-auxiliary pioneer noong nakaraang taon sa kabila ng abalang iskedyul o mahinang kalusugan. Paano nila ito nagawa? Anu-anong kagalakan ang naranasan nila? Kapag tinatalakay ang parapo 7, banggitin ang iskedyul ng mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan sa Marso, Abril, at Mayo.
Linggo ng Enero 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Enero. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Pebrero 1 ng Bantayan at Pebrero ng Gumising! Pagkatapos banggitin sa maikli ang itinatampok sa bawat isyu, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring kawili-wili sa mga tao sa teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na bumanggit ng espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa artikulo ang maaaring basahin? Paano maiuugnay sa artikulo ang teksto? Gamit ang mga halimbawang presentasyon sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.
20 min: “Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita.”d (Par. 11-17) Kung mayroon nang espesyal na imbitasyon para sa Memoryal, bigyan ng tig-iisang kopya ang lahat ng dumalo kapag tinatalakay ang parapo 14. Banggitin ang lokal na mga kaayusan sa pamamahagi ng imbitasyon sa teritoryo.
15 min: “Tulungan ang mga Estudyante sa Bibliya na Maging mga Mamamahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian.”e Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga teksto.
Linggo ng Pebrero 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang Tanong.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Ipinagpapaliban Mo Ba?” Gagampanan ng isang elder. Talakayin agad sa mga tagapakinig ang video na Patient Needs and Rights, gamit ang mga tanong na nasa artikulo. Sa konklusyon, basahin ang huling parapo at pasiglahin ang lahat na repasuhing maingat ang nabanggit na mga artikulo sa Ang Bantayan at Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaliwanag kung paano maaaring gamitin ng mga hindi pa nakagagawa nito ang inilaang mga work sheet sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2007 upang makapagdesisyon tungkol sa blood fractions at sa paggamot, saka kopyahin sa DPA card ang kanilang mga napili. Sa mga dati nang may DPA card, baka gusto nilang repasuhin ang napili nila noon at, kung kinakailangan, gumawa ng bagong card.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.