Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 10
  • Linggo ng Marso 17
  • Linggo ng Marso 24
  • Linggo ng Marso 31
  • Linggo ng Abril 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 3/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Marso 10

Awit 131

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso ng Gumising! kasama na ang imbitasyon sa Memoryal.

20 min: Bakit Dapat Dumalo sa mga Pulong? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Bantayan ng Mayo 15, 2007, pahina 11-13. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano sila nakinabang sa pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon at kung paano nila napagtagumpayan ang mga hadlang upang regular na makadalo sa mga pulong.

15 min: “May Maibibigay Tayo kay Jehova.”a Kung may oras pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.

Awit 8

Linggo ng Marso 17

Awit 144

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga tagapakinig na dalhin ang Abril 1 ng Bantayan at Abril ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo at maghanda para sa pagtalakay sa angkop na mga presentasyon sa inyong teritoryo. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Tanong.” Gagampanan ng isang elder. Basahin at talakayin ang buong artikulo.

20 min: “Paano Natin Matutulungan ang mga Dadalo sa Memoryal?”b Kapag tinatalakay ang parapo 5, itanghal sa maikli kung paano maaaring pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa isang bisita na dumalo sa Memoryal.

Awit 214

Linggo ng Marso 24

Awit 111

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.

15 min: Maghanda Upang Ialok ang Bagong mga Magasin. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pagkatapos magbigay ng maikling sumaryo ng Abril 1 ng Bantayan at Abril ng Gumising!, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring maging kawili-wili sa mga tao sa teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na banggitin ang espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa Kasulatan na nasa artikulo ang maaaring basahin? Gamit ang mga presentasyon na iminumungkahi para sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Abril 1 ng Bantayan at ang Abril ng Gumising!

20 min: Nagdadala Tayo ng Mabuting Balita Tungkol sa Bagay na Mas Mabuti. Pagkatapos ng introduksiyon na wala pang isang minuto, magbibigay ang isang elder ng pahayag salig sa Bantayan ng Hulyo 1, 2005, pahina 18-19, parapo 10-14. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nagbigay sa kanila ng kaaliwan at pag-asa ang mensahe ng Kaharian noong una nilang marinig ito.

Awit 29

Linggo ng Marso 31

Awit 37

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Marso.

20 min: Gamiting Mabuti ang 2008 Taunang Aklat. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Talakayin ang “Liham Mula sa Lupong Tagapamahala,” sa pahina 3-5. Anyayahan ang dalawa o tatlong tagapakinig na maglahad ng karanasan mula sa Taunang Aklat na partikular nang nakapagpatibay sa kanila. Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang mamamahayag kung paano nila iniiskedyul ang kanilang personal na pagbabasa ng Taunang Aklat. Bilang pagtatapos, pasiglahin ang lahat na basahin ang buong aklat.

15 min: “Patibayin ang Isa’t Isa Habang Nasa Ministeryo.”c

Awit 122

Linggo ng Abril 7

Awit 186

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Bakit Ipagpapaliban ang Pagpapabautismo? Pahayag ng isang elder salig sa Bantayan ng Hulyo 1, 2006, pahina 29-30, parapo 14-17. Ilakip ang maikling panayam sa isa o dalawang mamamahayag na nabautismuhan noong tin-edyer sila. Ano ang nagpakilos sa kanila na gawin ang mahalagang hakbang na ito kahit bata pa sila? Paano nakatulong ang bautismo upang sumulong sila sa espirituwal na pagkamaygulang, na isang proteksiyon sa kanila?

15 min: Nasubukan Mo Na ba ang Tuwirang Paglapit? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002, pahina 6. Talakayin ang mga halimbawang presentasyon at kung paano maaaring ibagay ang mga ito upang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pagkatapos, magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal. Pasiglahin ang mga tagapakinig na sa susunod na linggo, subukan nilang gamitin kahit man lamang minsan ang tuwirang paglapit upang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Itinuturo ng Bibliya.

Awit 225

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share