Mga Saksi ni Jehova—Buháy ang Pananampalataya, Bahagi 2: Pasikatin ang Liwanag
Nang makalaya si Brother Rutherford at ang kaniyang mga kasamahan noong 1919, isang malaking gawain ang pinasimulan ng mga Estudyante ng Bibliya. Gaya ng mapapanood sa video na Mga Saksi ni Jehova—Buháy ang Pananampalataya, Bahagi 2: Pasikatin ang Liwanag, marami ang sumalansang sa kanila, pero patuloy na lumago ang kanilang pagkaunawa sa Kasulatan at tumibay ang kanilang pananampalataya. (Kaw. 4:18; Mal. 3:1-3; Juan 15:20) Pagkatapos panoorin ang video, masasagot mo kaya ang sumusunod na mga tanong?
(1) Anong pamamaraan ang ginamit ng mga Estudyante ng Bibliya para ipangaral ang mabuting balita? (2) Ano ang inianunsiyo sa mga espesyal na kombensiyon noong 1931 at 1935? (3) Anong mahalagang impormasyon ang tinalakay sa Nobyembre 1, 1939, isyu ng The Watchtower? (4) Ilarawan ang nangyari sa Madison Square Garden habang nagpapahayag si Brother Rutherford sa paksang “Pamahalaan at Kapayapaan.” (5) Ano ang kapansin-pansin sa pahayag ni Brother Knorr na “Kapayapaan—Mananatili Kaya?” (6) Noong 1942, ano ang ginawa ng Mga Saksi ni Jehova para mapalawak ang kanilang pangangaral? (7) Ano ang ilan sa mga kasong ipinakipaglaban ng mga Saksi sa Estados Unidos, Canada, at Greece? (8) Ano ang epekto ng paaralang Gilead sa gawaing pangangaral? (9) Anong mahalagang gawain ang pinasimulan noong 1946, at bakit? (10) Anong mga hakbang ang ginawa ng Mga Saksi ni Jehova para maiayon ang kanilang paggawi sa pamantayan ng Bibliya? (11) Anong mga pagbabago ang ginawa ng organisasyon noong dekada ng 1970 para maingat na sundan ang parisan sa Bibliya? (12) Paano nakatulong sa iyo ang video na ito para mas maunawaang kontrolado ni Jehova ang mga bagay-bagay at na ito ang kaniyang organisasyon? (13) Paano napatibay ng video na ito ang iyong determinasyon na patuloy na mangaral nang masigasig sa kabila ng mga hadlang? (14) Paano natin magagamit ang video na ito para matulungan ang ating mga kamag-anak, estudyante sa Bibliya, at iba pa?
Sa bawat araw na lumilipas, nadaragdagan ng kabanata ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova. Uukit din kaya sa kasaysayan ang ating mga pagsisikap sa ministeryo? Gaya ng ginawa noon ng ating mga kapatid, patuloy nawa nating “pasikatin ang liwanag”!—2 Cor. 4:6.