Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paggawa ng Rekord
“Laging bigyang-pansin ang iyong sarili at ang iyong turo.” (1 Tim. 4:16) Ipinakikita ng payong iyan ni Pablo kay Timoteo na dapat tayong magsikap na sumulong bilang ebanghelisador, baguhan man tayo o makaranasan. Para matulungan tayo, isang serye ang lalabas sa Ating Ministeryo sa Kaharian, “Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo.” Ang bawat artikulo ay tatalakay sa isang simple pero mahalagang kakayahan sa ministeryo at maglalaan din ng ilang mungkahi. Sa bawat buwan, ang lahat ay pinasisiglang pasulungin ang tinalakay na kakayahan. Pagkatapos ng buwang iyon, isang bahagi sa Pulong sa Paglilingkod ang magbibigay sa atin ng pagkakataong maglahad ng mga karanasan at kung paano tayo nakinabang. Sa buwang ito, pinasisigla tayong gumawa ng rekord tungkol sa interesadong makakausap natin.
Kung Bakit Mahalaga: Para magawa ang atas natin, hindi lang tayo basta mangangaral. Dapat nating balikan ang mga nagpapakita ng interes at turuan sila, anupat dinidilig ang mga binhi ng katotohanang itinanim natin. (Mat. 28:19, 20; 1 Cor. 3:6-9) Kailangang dalawin natin uli ang taong nagpakita ng interes, kausapin siya tungkol sa kaniyang mga ikinababahala, at ituloy ang naiwang paksa o tanong. Kaya kapag nakatagpo ng interesado, mahalagang gumawa ng rekord.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Kapag gumagawa ng rekord, sabihin sa iyong partner ang anumang isinusulat mo.