Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwfq artikulo 65
  • Paano Sinasanay ang mga Saksi ni Jehova Para sa Ministeryo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Sinasanay ang mga Saksi ni Jehova Para sa Ministeryo?
  • Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Anong mga pagsasanay ang tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova?
  • Mga Bible school para sa mga Saksi ni Jehova
  • Saan nakabase ang mga pagsasanay na ibinibigay sa mga Saksi?
  • Nagbabayad ba ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsasanay sa kanila?
  • Sinasanay ang mga Ministro ng Kaharian
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Mga Paaralang Teokratiko—Katibayan ng Pag-ibig ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sinasamantala Mo ba ang Pagtuturo at Pagsasanay na Inilalaan ni Jehova?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Isang Paaralang ang mga Nagsipagtapos ay Nagdudulot ng Kapakinabangan sa Buong Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
ijwfq artikulo 65
Dalawang Saksi ni Jehova na nagtatanghal sa pulong nila sa midweek; nasa plataporma sila ng Kingdom Hall.

Paano Sinasanay ang mga Saksi ni Jehova Para sa Ministeryo?

Patuloy na tumatanggap ang mga Saksi ni Jehova ng mga pagsasanay na magagamit nila sa buhay nila bilang Kristiyano. Kasama sa pagsasanay na ito ang ministeryo nila na iniutos ni Jesus na gawin ng kaniyang mga tagasunod—ang pangangaral at pagtuturo ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Tumatanggap kami ng mga pagsasanay sa mga pulong namin linggo-linggo at sa mga kombensiyon at asamblea namin taon-taon. Ang mga Saksi ni Jehova na may responsibilidad sa kongregasyon o sa organisasyon ay tumatanggap din ng karagdagang mga pagsasanay sa mga Bible school.

Sa artikulong ito

  • Anong mga pagsasanay ang tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova?

  • Mga Bible school para sa mga Saksi ni Jehova

  • Saan nakabase ang mga pagsasanay na ibinibigay sa mga Saksi?

  • Nagbabayad ba ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsasanay sa kanila?

  • Paano nakinabang ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsasanay sa kanila?

Anong mga pagsasanay ang tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova?

Mga pulong sa kongregasyon. Linggo-linggo, may dalawang pulong kami sa lugar ng pagsamba namin na tinatawag na Kingdom Hall. Ang isa ay ginaganap ng midweek; ang isa naman ay sa weekend. Puwedeng dumalo sa mga pulong kahit ang mga di-Saksi. Wala ding bayad ang pagdalo.

  • Pulong sa midweek. Dito, tumatanggap kami ng pagsasanay kung paano magbabasa, makikipag-usap, magbibigay ng pahayag, mangangaral, at magtuturo. Sinasanay kami sa pamamagitan ng mga pahayag, pagtalakay, pagtatanghal, at video. Nakakatulong ang mga pagsasanay na ito para maging mas epektibo kami sa pagsasabi sa iba ng mensahe ng Bibliya at pagba-Bible study sa mga taong interesado. Lahat ng dumadalo sa pulong na ito ay nakikinabang sa pagsasanay. Higit pa diyan, nakakatulong ang lahat ng mga pulong para mapatibay ang aming pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kaniya at sa mga kapananampalataya.

  • Pulong sa weekend. May dalawang bahagi ang pulong na ito. Sa unang bahagi, may pahayag sa Bibliya na dinisenyo para sa publiko. Susundan ito ng tanong-sagot na talakayan sa isang artikulong nasa edisyon para sa pag-aaral ng Ang Bantayan.a Tinatalakay at ipinapaliwanag sa mga artikulong ito ang mga paksa at prinsipyo sa Bibliya na tumutulong sa ministeryo namin at personal na buhay.

Mga asamblea at kombensiyon. Taon-taon, may tatlong malalaking pagtitipon na dinadaluhan ng maraming kongregasyon. May espesipikong tema na galing sa Bibliya ang bawat asamblea at kombensiyon. May mga pahayag dito, pagsasadula, interbyu, at mga video. Gaya sa mga pulong sa kongregasyon, tumutulong ang mga asamblea at kombensiyon para lumalim pa ang kaalaman namin sa Bibliya at maging mahusay na ministro ng mabuting balita. Puwedeng dumalo sa masasayang okasyong ito kahit ang mga di-Saksi. Wala ding bayad ang pagdalo.

Mga Bible school para sa mga Saksi ni Jehova

Iniimbitahang dumalo sa iba’t ibang Bible school ang ilan sa mga Saksi ni Jehova para sa karagdagang pagsasanay. Ano ang mga school na ito? Ano ang layunin ng bawat school, at gaano ito katagal? At sino ang mga puwedeng mag-aral?

Pioneer Service School

  • Layunin: Para sanayin ang buong-panahong mga ministro na tinatawag na mga payunir.b Sinasanay sila para maging mas epektibo sa gawaing pangangaral at pagtuturo. May mga pagtalakay, pagsasadula, pahayag, at workshop sa bawat klase.

  • Gaano katagal: Anim na araw.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Iniimbitahang mag-aral dito ang mga isang taon nang payunir. Iniimbitahan din ang matatagal nang payunir na limang taon na mula noong huli silang nag-aral.

Dalawang estudyante sa Pioneer Service School na nagsasadula. Nakikinig nang mabuti ang ibang estudyante.

School for Kingdom Evangelizers

  • Layunin: Para bigyan ng higit pang pagsasanay ang makaranasang mga buong-panahong ministro. Dito, higit pang napapasulong ng mga estudyante ang kakayahan nilang mangaral at magturo. Malalim din nilang pinag-aaralan ang mga paksa sa Bibliya. Marami sa mga nagtapos ang iniimbitahang maglingkod sa mga lugar na may malaking pangangailangan sa mangangaral.

  • Gaano katagal: Dalawang buwan.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Payunir na nakakaabot sa mga kahilingan at nasa kalagayang maglingkod saanman may pangangailangan.

Nagtataas ng kamay ang mga estudyante sa School for Kingdom Evangelizers para magkomento.

School for Congregation Elders

  • Layunin: Para tulungan ang mga elderc na magampanan ang mga responsibilidad nila sa kongregasyon, gaya ng pagtuturo at pagpapastol. Makakatulong din ito para mapalalim nila ang pag-ibig sa Diyos at sa mga kapananampalataya nila.—1 Pedro 5:2, 3.

  • Gaano katagal: Limang araw.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Iniimbitahang mag-aral ang mga bagong elder, pati na ang makaranasang mga elder na limang taon na mula noong huli silang nag-aral.

Estudyante sa School for Congregation Elders na nagkokomento.

School for Circuit Overseers and Their Wives

  • Layunin: Para sanayin ang mga naglalakbay na ministro na tinatawag na mga tagapangasiwa ng sirkito.d Sinasanay sila para magampanan nila nang mas epektibo ang mga responsibilidad nila. (1 Timoteo 5:17) Nakakatulong din sa kanila at sa asawa nila ang pagsasanay na ito para mas mapalalim pa ang unawa nila sa Bibliya.

  • Gaano katagal: Isang buwan.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Iniimbitahan dito ang bagong mga tagapangasiwa ng sirkito at ang asawa nila na isang taon nang naglilingkod sa atas na ito. Pagkatapos, iimbitahan uli sila kada limang taon.

Mga estudyante sa School for Circuit Overseers and Their Wives na nakikinig nang mabuti.

Kingdom Ministry School

  • Layunin: Para matulungan ang mga elder at ministeryal na lingkode na magampanan ang mga responsibilidad nila sa kongregasyon depende sa kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan. (2 Timoteo 3:1) Ginaganap ang school na ito kada ilang taon.

  • Gaano katagal: Iba-iba, madalas isang araw.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Mga tagapangasiwa ng sirkito, elder, at ministeryal na lingkod.

Naghahanda ang mga estudyante sa Kingdom Ministry School para sa class picture nila.

Bethel Service School

  • Layunin: Para tulungan ang mga naglilingkod sa Bethelf na magawa ang mga atas nila at mapalalim ang pag-ibig nila sa Diyos at sa isa’t isa.

  • Gaano katagal: Lima at kalahating araw.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Lahat ng bagong naglilingkod sa Bethel ay pinag-aaral sa school na ito. Iniimbitahan din ang matatagal nang naglilingkod sa Bethel na limang taon na mula noong huli silang nag-aral.

Estudyante sa Bethel Service School na nagbibigay ng pahayag sa harap ng instructor niya at mga kaklase.

Watchtower Bible School of Gilead

  • Layunin: Para tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa nasusulat na Salita ng Diyos at tulungan silang masunod ang mga natututuhan nila. (1 Tesalonica 2:13) Ang mga tapat na Kristiyanong lalaki at babae na nag-aral sa Gilead ay malaking tulong sa organisasyon ni Jehova at sa pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya. Ang mga nagtapos ay puwedeng maatasan bilang misyonero o maglingkod sa tanggapang pansangay sa bansang pinanggalingan nila o sa ibang bansa.

  • Gaano katagal: Limang buwan.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Pumipili ang mga tanggapang pansangay ng mga nasa buong-panahong paglilingkod para mag-apply sa school na ito. Ginaganap ang pag-aaral sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York sa United States.

Instructor sa Watchtower Bible School of Gilead na gumagamit ng modelo ng templo ng Jerusalem para turuan ang klase.

School for Branch Committee Members and Their Wives

  • Layunin: Para sanayin ang mga miyembro ng Komite ng Sangayg na nangangasiwa ng gawain sa isang tanggapang pansangay. Sinasanay din silang pangasiwaan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa bansa o mga bansang nakaatas sa sangay nila.

  • Gaano katagal: Dalawang buwan.

  • Ang mga puwedeng mag-aral: Iniimbitahan ng Pandaigdig na Punong-Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ang ilang miyembro ng Komite ng Sangay at ang asawa nila sa school na ito. Ginaganap ang school sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York sa United States.

Instructor na nagbibigay ng lecture sa mga estudyante sa School for Branch Committee Members and Their Wives.

Saan nakabase ang mga pagsasanay na ibinibigay sa mga Saksi?

Bibliya ang pangunahing ginagamit sa pagsasanay sa mga Saksi ni Jehova. Naniniwala kami na ang Bibliya ay galing sa Diyos at na mababasa dito ang pinakamagandang payo na magagamit ng mga Kristiyano sa buhay nila.—2 Timoteo 3:16, 17.

Nagbabayad ba ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsasanay sa kanila?

Hindi. Libre ang pagsasanay. Ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay sinusuportahan ng boluntaryong mga donasyon.—2 Corinto 9:7.

a Available sa website namin na jw.org ang Bibliya at ang mga pantulong sa pag-aaral sa Bibliya, kasama na ang mga video.

b Ang payunir—lalaki man o babae—ay isang bautisadong Saksi na may magandang halimbawa sa kongregasyon. Boluntaryo silang gumugugol ng espesipikong bilang ng oras bawat buwan sa pangangaral ng mensahe ng Bibliya.

c Ang mga elder ay mga may-gulang na Kristiyanong lalaki na nagtuturo mula sa Bibliya. Pinapastulan din nila ang mga lingkod ni Jehova sa pamamagitan ng pagtulong at pagpapatibay sa kanila. Wala silang suweldo sa paggawa nito.

d Ang tagapangasiwa ng sirkito ay isang buong-panahong ministro na dumadalaw sa iba’t ibang kongregasyon sa sirkito niya linggo-linggo. Nagbibigay siya ng mga pahayag na galing sa Bibliya at sinasamahan niya sa ministeryo ang mga kapananampalataya niya para patibayin sila.

e Maraming nagagawang praktikal na tulong ang mga ministeryal na lingkod para sa mga kapananampalataya nila. Dahil dito, mas maraming panahon ang mga elder sa pagtuturo at pagpapastol.

f Bethel ang tawag sa mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova. Sinusuportahan ng buong-panahong mga ministro na naglilingkod doon ang gawain ng mga Saksi sa mga lugar na nakaatas sa sangay nila.

g Ang Komite ng Sangay ay binubuo ng mga tatlo o higit pang kuwalipikado o may-gulang sa espirituwal na mga lalaki.

Paano nakinabang ang mga Saksi ni Jehova sa mga pagsasanay sa kanila?

  • Si Natasha.

    “Mahiyain ako, kaya nahihirapan akong ipakipag-usap ang Bibliya sa mga hindi ko kilala. Pero dahil sa mga pulong sa midweek, nagkaroon ako ng tiwala sa sarili at gumanda ang paraan ng pagtuturo ko. Nasanay din akong makipag-usap sa iba sa kongregasyon at sa trabaho.”—Natasha, United States.

  • Si Stephen.

    “Nakatulong sa akin ang School for Kingdom Evangelizers na mas matularan ang mga katangian ng Diyos at maging mas mapagmahal, mapagpasensiya, at mabait. Dahil dito, pakiramdam ko, naging mas mabuti akong Kristiyano, kaibigan, at kapuwa. Naturuan din ako ng school na ito kung paano magre-research ng mga paksa sa Bibliya at kung paano ko pa mas maipapaliwanag ang Salita ng Diyos para makilala ng mga tao si Jehova at maglingkod sa kaniya.”—Stephen, Nigeria.

  • Si Luca.

    “Dahil sa School for Congregation Elders, nakita ko na kailangan ko pang maging mas mapagpakumbaba bilang elder. Naidiin sa akin ng mga pahayag dito na napakahalagang tularan ang halimbawa ni Jesus.”—Luca, Italy.

  • Si Samuel.

    “Naturuan ako ng Kingdom Ministry School na maging madaling lapitan. Kailangan ko ding maging mas mabait at mapagmahal kapag nakikitungo sa iba. Nakita ko rin na kapag may ginawa ako para sa iba, dapat na dahil iyon sa pag-ibig, hindi lang dahil sa obligasyon.”—Samuel, United Kingdom.

  • Sina Elnathan at Princess.

    “Dahil sa Gilead school, nakita namin ang sarili namin sa salamin, ang Salita ng Diyos. (Santiago 1:22-25) Nakita namin kung ano ang kailangan naming baguhin sa pagkatao namin at sa paglilingkod namin kay Jehova. Natutuhan din namin na mas isipin ang iba kaysa sa sarili namin. At dapat na may pag-ibig ang lahat ng sasabihin namin at gagawin.”—Elnathan at Princess, Pilipinas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share