Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwtstg
  • Diocletian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Diocletian
  • Glosari
  • Kaparehong Materyal
  • Inatake ni Diocletian ang Kristiyanismo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Mga Pag-atake sa Bibliya
    Gumising!—2011
  • Ang Naglahong Kaluwalhatian ng Imperyong Byzantine
    Gumising!—2001
  • Ang Ikaanim na Kapangyarihan ng Daigdig—Roma
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Glosari
nwtstg

Diocletian

Romanong emperador na namahala noong 284-305 C.E. Kilala si Diocletian sa malupit na pag-atake sa mga Kristiyano at sa pag-uutos na sirain ang mga kopya ng Banal na Kasulatan. Sa kabila ng pagsisikap niyang sirain ang lahat ng literatura ng mga Kristiyano, libo-libong piraso at manuskrito ang naingatan hanggang sa ngayon.—Tingnan ang Ap. A3, “Kung Paano Naingatan ang Bibliya Hanggang sa Panahon Natin.”

Pinangalanan siyang Diocles nang ipanganak siya sa Romanong lalawigan ng Dalmatia; ang buong pangalan niya ay Gaius Aurelius Valerius Diocletianus. Namuno siya sa imperyo bilang nag-iisang tagapamahala noong 285 C.E., at ang mga reporma niya ay nagpatatag sa Imperyo ng Roma. Ang pamamahala sa imperyo ay hinati niya sa apat, na tinatawag na tetrarkiya. Hinati rin niya ang Imperyo sa dalawang rehiyon, silangan at kanluran, na pinaniniwalaan ng mga istoryador na naging dahilan ng paglakas ng Imperyo ng Byzantine. Bumaba siya sa puwesto noong 305 C.E. at namatay ilang taon pagkatapos nito habang dismayado sa pag-aaway ng mga tagapamahalang sumunod sa kaniya.

Sa huling mga taon ng pamamahala niya, dumanas ng matinding pag-uusig ang mga Kristiyano sa huling pagkakataon. Ang pag-uusig ay sinasabing dahil sa kagustuhang lubusang mapagkaisa ang imperyo, at ang tingin nila sa mga Kristiyano ay isang kulto na gustong bumukod. Ang isa pang dahilan ay ang impluwensiya ng mga pilosopong galít sa mga Kristiyano. Sinasabing ang pag-uusig ay dahil din sa impluwensiya ng isang panatikong tagasunod ng tradisyonal na relihiyong Romano, si Galerius, na nang maglaon ay pumalit kay Diocletian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share