Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 2/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Bata ay Pinaalis sa mga Paaralan sa Paraguay
  • Bagong Bibliyang Hapones
  • 48 Milyong mga Sugapa
  • Mga Tumor sa Pagsasalin ng Dugo
  • Ilalim-Dagat na mga “Talon”
  • Mga Birthday Parti​—Kristiyano Ba?
  • Tinaliang Paggawi
  • “Dial-a-Shrink”
  • Pinakahuling Ulat sa Tabako
  • Labis-labis na Kabuhayan
  • Pinakamahusay na Perang Papel sa Daigdig
  • Nagbunsod ng Puro-Hanging Pangangatuwiran ang mga Tagatangkilik ng Sigarilyo
    Gumising!—1995
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
  • Bakit Dapat Huminto sa Paninigarilyo?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 2/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Ang mga Bata ay Pinaalis sa mga Paaralan sa Paraguay

Noong 1984, pinaalis ng mga awtoridad sa paaralan sa Paraguay ang mahigit na 60 mga anak ng mga Saksi ni Jehova dahilan sa ang mga bata ay tumangging makibahagi sa mga seremonya sa watawat bilang paglabag ng kanilang sinanay-Bibliya na mga budhi. Ang pagpapaalis sa paaralan ay nagpatuloy hanggang 1985. Ang ibang mga estudyanteng Saksi ay hindi tinanggap sa eskuwela. Ang isyung natataya ay ang pagkamapananaligan ng garantiya ng konstitusyon ng Paraguay sa “karapatang magpahayag ng paniniwala . . . at magsagawa ng relihiyon [ng isa] . . . kung ito ay hindi labag sa mabuting kaugalian o kaayusan ng madla.”

Noong Abril 15, 1985, ang nakabababang hukuman sa Asuncion ay humatol na pabor sa kahilingan ng limang ulo ng pamilya na ang kanilang sampung mga anak ay tanggapin na muli sa paaralan. Matagumpay na ikinatuwiran ng mga abugado na “ang pananatiling tahimik [kung panahon ng mga seremonyang patriotiko] ng mga estudyante na mga anak ng mga Saksi ni Jehova ay itinuturing na MAGALANG at walang intensiyon na magpagalit.” Subalit noong Mayo 8, binaligtad ng Court of Appeals ang hatol. Karagdagan pa, noong Abril 17 ang Ministri sa Edukasyon at Pagsamba ay naglabas ng Resolusyon No. 1.051, na sinasang-ayunan ang pag-aalis sa paaralan ng mga bata na hindi sumasaludo sa pambansang emblema. Dinala ngayon ng mga ulo ng pamilya ang kanilang kaso sa pinakamataas na hukuman ng Paraguay, ang Korte Suprema ng Katarungan. Samantala, sa isang hiwalay na disisyon ng nakabababang hukuman​—na pabor sa mga Saksi ni Jehova​—na kinasasangkutan ng sampu pang mga bata ay hinahamon ng Ministri. Ang dumarating na mga disisyon ng hukuman ay titiyak kung ang bansang iyon ay naninindigan ayon sa mga garantiya ng konstitusyon nito tungkol sa kalayaan ng relihiyon o hindi.

Bagong Bibliyang Hapones

Inilabas ng Samahang Watch Tower ang bagong Reperensiyang Bibliya sa modernong Hapones. “Ito ang kauna-unahan sa uring ito,” ulat ng Asahi Evening News ng Hapon. Tinawag nito ang Bibliyang ito na “isang malaking tulong sa lahat ng naghahanap ng wastong salin,” sinasabi pa na ito “ay madaling basahin.” Binanggit din ng artikulo na “ang bagong Bibliyang ito ay may 11,400 mga talababa na naglalaman ng mapagpipiliang mga salin ng teksto na gumagawa sa bagong Reperensiyang Bibliya na ito na isang multibersiyon na salin. Mayroon itong 125,000 marginal na mga reperensiya sa ibang mga teksto na nagsisiwalat ng pagkakasuwato ng 66 na mga aklat.” Ang Bibliya ay inilabas sa isang pulutong ng 28,564 na mga Saksi ni Jehova na nagkatipon sa Yokohama Stadium noong Mayo 19. Sa pamamagitan ng mga ugnayan sa telepono sa 30 iba pang mga dako ng kombensiyon sa buong Hapon, ang kabuuang bilang ng dumalo ay umabot ng 174,959.

48 Milyong mga Sugapa

Sa kabila ng mga pagsisikap ng pambansa at internasyonal na mga organisasyon upang sugpuin ang daluyong ng pag-abuso sa droga, ang ika-20 siglong salot na ito ay nagpapatuloy na kumalat sa buong lupa, sabi ng isang komperensiya sa Vienna ng Nagkakaisang mga Bansa laban sa droga. Tinataya na mayroong di-kukulanging 48 milyong mga sugapa sa droga. Sa mga ito, sabi ng Italyanong pahayagang Corriere della Sera, “halos 38 milyon ang gumagamit ng marijuana, mga 2 milyon ang gumagamit ng opyo, at di-tiyak na bilang subalit tiyak na ‘mga ilang milyon’ ay biktima ng cocaine, samantalang halos pitong daang libo ang regular na gumagamit ng heroin.”

Mga Tumor sa Pagsasalin ng Dugo

Ang mga pagsasalin ng dugo ay maaaring pagmulan ng mga tumor sa mga pasyente ng kanser, sabi ng bago ngunit kontrobersiyal na siyentipikong mga pag-aaral. Sang-ayon sa mga report na ipinahayag sa taunang miting ng American Association for the Advancement of Science, pinahihina ng mga pagsasalin ng dugo ang sistema sa imyunidad ng pasyente at samakatuwid ay maaaring pagmulan ng pagdami at pagbabalik ng mga tumor sa mga pasyente na may kanser sa baga, suso, colon, at tumbong. Pinag-aralan ni Dr. Neil Blumberg, isang espesyalista sa pagsasalin ng dugo sa University of Rochester Medical Center sa New York, ang mga pasyente na may kanser sa colon at tumbong. Ipinakikita ng kaniyang mga tuklas, gaya ng inilathala sa British Medical Journal, na ang paglitaw ng kanser pagkaraan ng operasyon ay malamang na mangyari sa mga pasyente na sinalinan ng dugo kaysa sa mga pasyente na hindi nagpasalin ng dugo. “Sa aming partikular na grupo ng mga pasyente, may isang grupo na nagsabi na ang pagsasalin ng dugo ay isa sa pinakamahalagang salik sa panganib,” sabi ni Dr. Blumberg sa pahatid balita ng Associated Press.

Ilalim-Dagat na mga “Talon”

Natuklasan ng mga siyentipiko mula sa laboratoryo sa pananaliksik ng Australian Navy sa baybayin ng Tasmania ang isang ilalim-dagat na “talon” na 12 ulit na mas mataas kaysa Niagara Falls at 6 na ulit na mas mataas kaysa Victoria Falls. Ang “talon” ay 1,970 piye (600 m) ang taas, ulat ng The Evening Post ng Wellington, New Zealand. Sa dako ring iyon, natuklasan ng pangkat ng mananaliksik ang isang 6,560-piye-taas (2,000 m) na ilalim-dagat na bulkan na ang tuktok nito ay mahigit na isa at kalahating milya (2.4 km) sa ilalim ng pang-ibabaw.

Mga Birthday Parti​—Kristiyano Ba?

Sa mga pagano, sang-ayon kay Horst Fuhrmann, propesor ng kasaysayan noong edad medya sa University of Regensburg, “ang selebrasyon ng kompleanyo o birthday ay ipinagdiriwang sa karangalan ng anghel dela guardia o diyos ng isa, na ang altar ay pinalamutian ng mga bulaklak at mga korona; ang mga hain ay inihahandog sa diyos ng kapistahan, ang mga kaibigan ay bumabati at nagdadala ng mga regalo.” Si Propesor Fuhrmann ay nagpapatuloy sa pahayagang Aleman na Süddeutschen Zeitung: “Malaking katanyagan ang ibinibigay sa mga birthday parti na ginaganap para sa emperador, na punô ng mga parada, mga bangkete sa madla, mga palabas na sirko, at pangangaso: mga panoorin na kasuklam-suklam sa mga Kristiyano.” Kaya, sabi ni Fuhrmann, ang mga Kristiyano “ay tumatangging ipagdiwang ang birthday.”

Tinaliang Paggawi

Ang mga bata ay hindi malikot na mga pasahero kapag sila ay tinatalian, sabi ng American Academy of Pediatrics. Binabanggit ng kanilang publikasyon na ipinakikita ng mga pag-aaral sa unibersidad na kapag sila ay hindi natatalian “ang mga bata ay alumpihit sa upuan, tumatayo, nagrireklamo, nanlalaban, at inaagaw ang manibela. Gayunman, nang itali sa upuang pangkaligtasan ng kotse, nagkaroon ng 95% pagbaba sa mga aksidente dahilan sa hindi mabuting gawi.” Karagdagan pa, kapag ang mga bata ay tinatalian, ang mga magulang ay hindi gaanong nagagambala at nayayamot, kaya sila ay nakapagtutuon ng higit na pansin sa kanilang pagmamaneho.

“Dial-a-Shrink”

Idagdag mo ang “‘dial-a-shrink’ sa New York” sa humahabang talaan ng mga paglilingkod na makukuha mo ngayon sa pamamagitan ng telepono, sabi ng The Medical Post ng Canada. [Ang “shrink” ay isang karaniwang Amerikanong katawagan para sa “saykayatris.”] Sa halagang $19 (U.S.) sa bawat sampung minuto, ang isang tao na may mga problema ay maaaring tumanggap ng propesyonal na pagpapayo at bayaran ito sa pamamagitan ng kaniyang credit card. Ang dami ng mga tawag na dumarating ay halos 20 sa isang araw. Ang mga ito ay karaniwan nang mula sa mga babae na nasa kanilang edad 30 at 40 na mga nababalisa at nanlulumo dahilan sa “nanlalamig na mga kaugnayan.” Ang mga indibiduwal na ayaw ng mukhaang panayam ay naaakit sa paglilingkod na ito sapagkat hindi na nito kailangang makilala ka pa at ang kaalwanan na tumawag na lamang sa telepono mula sa iyong sariling tahanan o tanggapan.

Pinakahuling Ulat sa Tabako

NIKOTINA​—MATAPANG NA DROGA. Ano ang isa sa pinakamatandang droga, na pinakamalawak na ginagamit, at, sa katulad na dami, ay mas malakas at mas makasusugapa kaysa cocaine? Ito’y ang nikotina. Sang-ayon kay Jack Henningfield, isang siyentipiko sa National Institute of Drug Abuse Addiction Research Center, Baltimore, Maryland, ang nakalalangong epekto ng nikotina ay katulad ng sa morpina at cocaine. Sa isang labas ng Gannett News Service, sinabi ni Henningfield na ang nikotina “ay biyolohikal na nakakaapekto sa utak.”

NAKAMAMATAY NA MGA PAGBUGA. Ang paglanghap ng usok na ibinuga ng mga maninigarilyo ay pumapatay ng libu-libo sa isang taon, sang-ayon sa malayang mga pag-aaral sa Inglatera at Hilagang Amerika. Ang Daily Telegraph ng London, sa pagbubuod ng isang komperensiya na ipinatawag ng Kagawaran ng Kalusugan ng Britaniya, ay nag-uulat: “Kasindami ng 5,000 hindi maninigarilyo ang namamatay taun-taon bunga ng paglanghap sa usok ng mga sigarilyo ng ibang tao.” At sinabi ni James Repace, isang mananaliksik sa U.S. Environmental Protection Agency, sa isang pederal na paglilitis sa Canada na ang usok ng tabako sa dako ng pagawaan ay pumapatay ng tinatayang 5,000 mga hindi naninigarilyo sa isang taon sa Estados Unidos at halos 500 sa Canada dahil lamang sa kanser sa bagà, sang-ayon sa The Globe and Mail ng Toronto. Sabi pa nito: “Tinataya ng iba pang mga siyentipiko na ang lahat ng mga kamatayan na nauugnay sa usok ng tabako sa kapaligiran ng trabaho ay umaabot ng hanggang 50,000 taun-taon sa Estados Unidos at 5,000 sa Canada.”

PINIPILI ANG MGA HINDI NANINIGARILYO. Isang lumalagong bilang ng malaking mga kompanya sa Estados Unidos​—ang Grumman, Boeing, at Goodyear​—ay nakikisama sa isang kampaniya laban sa paninigarilyo sa mga pagawaan. Bakit? “Ang pag-eempleo ng isang maninigarilyo ay nagkakahalaga ng karagdagang $1,000 [U.S.] sa isang taon kaysa isang hindi naninigarilyo sa maraming kadahilanan,” gayon ang sabi ni Marvin Kristein, isang propesor ng economics sa State University of New York, na sinipi sa The New York Times. Iyan ay maaari ring makaragdag ng malaki-laking halaga sa mga malalaking kompanyang ito. Halimbawa, iniuulat ng The New York Times na “ang Boeing ay makapagtitipid ng $10 milyong [U.S.] sa isang taon minsang maisakatuparan nito ang pagbabawal sa paninigarilyo.” Ang mga ito at iba pang mga salik ay umakay sa chairman ng Goodyear, si Robert Mercer, na humula noong nakaraang taon: “Tayo ay makakarating sa punto na kung saan ang hindi paninigarilyo ang magiging kalagayan ng empleo.”

Labis-labis na Kabuhayan

Mahigit na apatnapung taon pagkatapos matalo sa Digmaang Pandaigdig II, ang Hapon ay malapit nang maging ang pangunahing pinagkakautangan ng daigdig, sabi ng Detroit Free Press. Ang bulwak ng salapi, na kumakatawan sa mga naimpok ng mga mamimiling Hapones at ang mga tubo o pakinabang ng industriyang Hapones, ay dumadagsa sa ekonomiya ng daigdig sa dami na $50 bilyong hanggang $100 bilyong (U.S.) sa bawat taon, halos kalahati nito ang nauuwi sa Estados Unidos. Sang-ayon sa report, ang di-pangkaraniwang bagay ay pangunahin nang dahilan sa kasalukuyang ekonomiyang Amerikano, “ang napakalakas na dolyar nito, ang pederal na mga dipisit nito sa badyet, ang napakataas na mga patubò nito, at ang rekord nito ng mga dipisit sa pangangalakal.” Tinataya ni Mr. C. Fred Bergsten, direktor ng Institute for International Economics, na, sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari, sa loob ng limang taon ang Estados Unidos ay magkakautang sa Hapon at sa iba pa sa daigdig ng isang trilyong dolyar (U.S.), at ang ibang bansa sa daigdig ay magkakautang sa Hapon ng $500 bilyong (U.S.).

Pinakamahusay na Perang Papel sa Daigdig

Ang mga perang papel na gawa sa Brazil ay kabilang sa pinakamahusay sa daigdig, kapuwa sa kalidad at seguridad, sabi ng presidente ng gawaan ng salapi sa Brazil, si Carlos Alberto Direito. Ang mga perang papel ng Brazil, na gawa mula sa mga materyales ng bansa, ay inilimbag sa pantanging papel na yari sa bulak. Ang mga ito ay pinuputol sa pamamaraang elektroniks at maingat na sinusuri ng 120 may kasanayang mga manggagawang babae. Ang Brazil din ang nag-iimprenta ng perang papel para sa mga bansa ng Angola, Bolivia, Peru, at Venezuela.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share