Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 6/8 p. 16-17
  • Talaga Bang Masama ang Paninigarilyo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang Masama ang Paninigarilyo?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ano ang Ginagawa Nito sa Iyong Buhay
  • Ang Espirituwal na Pinsala ng Pagkasugapa
  • Ang Masamang Panig ng Parmasiya
  • Ano ang Tingin ng Diyos sa Paninigarilyo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kasalanan Ba ang Paninigarilyo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ano ang Tingin ng Diyos sa Paggamit Ko ng Tabako?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 6/8 p. 16-17

Ang Pangmalas ng Bibliya

Talaga Bang Masama ang Paninigarilyo?

“BAKIT hindi ako dapat manigarilyo kung nasisiyahan ako rito? Kung isapanganib ko ang aking kalusugan, problema ko na iyan.” Sa angaw-angaw na nakasusumpong ng kasiyahan sa paninigarilyo, ang gayong “katuwiran” ay nakakukumbinsi.

Gayunman, isinisi ng mga balita noong 1985 sa paninigarilyo ang 100,000 mga kamatayan sa isang taon sa Britaniya, 350,000 isang taon sa Estados Unidos, at sangkatlo ng lahat ng kamatayan sa Gresya. Ipinahihiwatig ng sentido kumon na hindi dapat ipagwalang-bahala ng lipunan ang moral na mga implikasyon ng mga bilang na ito. Subalit pinagwawalang-bahala ito ng lipunan. Bakit?

Sa isang bagay, maraming relihiyosong lider ang tumatangging magbigay ng anumang moral na panggigipit sa kanilang kawan na huminto ng paninigarilyo. Ang pangmalas na kinukuha nila ay ipinahayag ng awtor ng isang aklat na tinatawag na The Christian Moral Vision. Siya ay “walang nakikitang matuwid sa pagbibigay ng moral na panggigipit” sa isa na, “pagkatapos isaalang-alang ang mga panganib . . . ay [patuloy] sa paninigarilyo dahilan sa kasiyahan na inilalaan nito.” Subalit ganito ba ang pangmalas ng Bibliya? Binibigyan-matuwid ba ng “kasiyahan” ang pagkuha ng di kinakailangang panganib?

Hindi, hindi ito binibigyang-matuwid ng Bibliya. Hindi ba higit na mabuti na sikaping manatiling malusog sa pisikal at mental na paraan? Para sa ating kabutihan at paggalang sa ating mga mahal sa buhay at sa ating Maylikha, ang Bibliya ay nagsasabi na dapat tayong “magsipaglinis sa lahat ng karumihan [polusyon] ng laman at ng espiritu.” (2 Corinto 7:1; Kingdom Interlinear) Ang pisikal na katawan ba lamang ang pinipinsala ng tabako?

Kung Ano ang Ginagawa Nito sa Iyong Buhay

Ang bisyo ng tabako ay maaaring pumiga sa iyo hindi lamang sa pisikal na paraan kundi gayundin sa mental na paraan. Bukod sa nagpaparumi sa katawan, naaapektuhan ng tabako ang buong “espiritu” na ginagamit ng mga maninigarilyo sa pag-iisip, paggawa, at paglaro​—ang kalagayan mismo ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Inamin ng isang peryudista sa Reader’s Digest: “Kung wala ang pang-araw-araw na rasyon ko ng sigarilyo, hindi ako makasulat, makakain, makatulog, makapagromansa o makipaglaro pa nga sa aking mga anak.”

Bakit nga ang tabako ay lubhang malalim na napaugat sa buhay ng mga tao, sa punto pa nga na ipagwalang-bahala nila ang pangwakas na pinsala nito​—ang kamatayan? Tungkol sa Britaniya, ang saykayatris na si Judy Greenwood ay sumulat sa Glasgow Herald noong Enero 3, 1985: “Kung 100,000 mga tao ang namatay dahilan sa anumang iba pang maiiwasang sanhi, . . . maaari sana itong pumukaw ng pambansang pagkabahala. . . . Subalit ang paninigarilyo ay iba . . . Ang partikular na sosyal na pagkasugapang ito ay napatanim na nang husto sa ating lipunan at komersiyo . . . anupa’t para tayong nabulagan sa ating pambansang sentido kumon.”

Ang Espirituwal na Pinsala ng Pagkasugapa

Oo, ang pagkasugapa, hindi ang kasiyahan lamang, ang lumilikha ng moral na pagkabulag sa “espiritu” ng publiko ngayon. At iginigiit ni Dr. Richard Pollin, direktor ng National Institute on Drug Abuse (E.U.A.), na ang paninigarilyo ngayon ang pinakamalubha at pinakamalaganap na pagkasugapa sa daigdig​—masahol pa kaysa heroin.

Ang pangmalas ng Bibliya ay maliwanag kung tungkol sa nakasusugapang mga bagay na gagawa sa atin na alipin kapuwa ng isang bisyo at ng mga taong ilegal na nangangalakal ng bisyo: “Sa halaga kayo’y binili; huwag maging mga alipin ng mga tao,” sabi ng 1 Corinto 7:23.

Karaniwan ba ang nakasusugapang mga droga at damong-gamot noong kapanahunan ng Bibliya? Oo, sabi ng Tobacco and Kentucky, na binabanggit “ang katibayan ng nahukay na mga pipa noong panahong wala pang kasaysayan sa . . . Dagat Mediteraneo at sa Asia Minor [na ginamit sa paghitit ng] . . . cannabis (marijuana) at iba pang mga damong-gamot.” Sa katunayan, sabi pa ng aklat, “ang pagpapausok, o ang paglanghap ng, usok ng iba’t ibang sustansiya ay naging isang sagrado, nakapagpapagaling, o kasiya-siyang gawain . . . mula pa noong unang panahon. . . . Kung ano ang ginagawa sa cannabis at opyo, ganoon din ang ginagawa sa tabako.”

Sang-ayon sa Cyclopedia nina McClintock at Strong, ang terminong “parmasiya” ay ginamit “sa sinaunang mga panahon ng Iglesya Kristiyana” para sa “sining ng pag-imbento at paghahanda ng mga gamot na nakapipinsala.” Ano ang pangmalas ng Bibliya sa gayong mga sustansiya at doon sa mga nagbibili nito?

Ang Masamang Panig ng Parmasiya

Hinahatulan ng Bibliya ang pag-abuso sa droga, hindi ang wastong gamit ng droga sa paggagamot; at bagaman ang “parmasiya” sa modernong gamit ay nangangahulugan ng mga drogang ginagamit nang wasto, ang mas matandang kahulugan ay pag-abuso sa droga​—na nakapipinsala, hindi nakagagaling. Sa Bibliya ang gayong parmasiya ay iniuugnay sa masamang bagay​—“mga gawa ng laman,” na ang mga nagsisigawa “ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” (Galacia 5:19-21) Ganito ang sabi ng The International Standard Bible Encyclopædia: “Inuuri ni Pablo sa Gal 5 20 Gal 5:20ang karumihan, idolatriya, atb., sa tinatawag niyang pharmakeía . . . mga drogang ginagamit sa pagsasagawa ng sining ng magic.” Pansinin, kung gayon, ang malaking espirituwal na pinsala ng nakasusugapang mga sustansiya na ginagamit sa kasiyahan: Inaalis nito ang isa sa pagsang-ayon ng Diyos​—at sa bayan ng Diyos.

Dahilan sa gamit sa magic ng mga droga noong panahon ng Bibliya, isinasalin ng Galacia 5:20, 21 ang phar·makiʹa na “pagsasagawa ng espiritismo.” Subalit ipinakikita ng Kingdom Interlinear na salin ang “pagdodroga” bilang literal na kahulugan, at ang salin ni Ferrar Fenton ay gumagamit ng “paglalason.” Tiyakang tinukoy ng iskolar ng Bibliya na si Adam Clarke na ang mga “droga” at “pagpapausok” (paninigarilyo) ay ginamit “upang gumawa ng sobrenatural na mga epekto.”

Idiniriin ang hindi kaaya-ayang panig na ito ng parmasiya, ang Word Pictures in the New Testament ay nagsasabi: “Kung ang isa ay nalilito sa kaugnayan ng medisina at pangkukulam . . . sa pamamagitan ng salitang ito (parmasiya), alalahanin niya lamang ang pangungulam ngayon . . . ang mga doktor kulam, propesyonal na mga faith healer, mga manggagamot sa Aprika.” Oo, maaari rin nating alalahanin “ang pinakabatong-panulok ng relihiyon Amerindian”​—ang shaman, o pari, na humihitit ng tabako sa pamamagitan ng kaniyang “pipang pangkapayapaan.”

Samakatuwid, hindi kataka-taka na sinasabi ng Apocalipsis 22:15 na “sa labas” ng Paraisong Kaharian ng Diyos ang “mga nagdodroga [pharmakoiʹ] at ang mga mapakiapid at ang mga mamamatay-tao.”​—Int.

Oo, ang paggamit ngayon ng tabako para sa kasiyahan ay nag-uugat sa hindi-nagpaparangal-sa-Diyos na mga pamahiin noong sinaunang panahon. At kung paanong inihula ni Jesus ang tungkol sa mga bunga ng huwad na relihiyon, gayundin kung tungkol sa​—pisikal at espirituwal​—na bulok na bunga na pinagmulan ng tabako.​—Mateo 7:15-20.

[Blurb sa pahina 16]

‘Kung 100,000 mga Britano ay namatay dahilan sa anumang iba pang maiiwasang sanhi, maaari sana itong pumukaw ng pambansang pagkabahala’

[Blurb sa pahina 17]

Sa Bibliya ang paggamit ng nakasusugapang mga sustansiya para sa kasiyahan ay iniuugnay sa masamang bagay​—“mga gawa ng laman”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share