Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 10/8 p. 3-5
  • Kung Paano Nagumon ang Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Nagumon ang Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Digmaan na Pumukaw ng Pangangailangan
  • Gumon!
  • Nadaig ng Bisyo ang Pagsalansang
    Gumising!—1986
  • Bakit Dapat Huminto sa Paninigarilyo?
    Gumising!—2000
  • Nagbunsod ng Puro-Hanging Pangangatuwiran ang mga Tagatangkilik ng Sigarilyo
    Gumising!—1995
  • Naipit sa Nagliliyab na Isyu ang mga Kompanya ng Sigarilyo
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 10/8 p. 3-5

Kung Paano Nagumon ang Daigdig

ANG Amerikanong senador ay naninigarilyo ng dalawang kaha ng sigarilyo araw-araw. “Alam kong paiikliin nito ang aking buhay . . . Malamang na ito ang papatay sa akin,” sabi niya sa kaniyang mga kasamahan sa isang debate tungkol sa halagang panustos para sa mga magsasaka ng tabako. “Ikinalulungkot ko ang araw na ako’y nagumon sa maruming bisyo na ito.”

Ang senador ay hindi nag-iisa sa kaniyang pagsisisi. Ayon sa ilang mga tantiya, 90 porsiyento ng mga maninigarilyo sa kaniyang bansa ang alin sa sumubok na huminto o nais huminto. At noong 1983 lamang, dalawang milyong mga maninigarilyong Haponés ang huminto. Sabi ng isang awtoridad: “Halos lahat ng palasigarilyo ay waring ikinalulungkot na sila ay nanigarilyo, at binabalaan nila ang kanilang mga anak na huwag sundin ang kanilang mga halimbawa.”

Subalit paano lubhang napasangkot dito ang lahat ng nagsisising mga maninigarilyong ito? Sa paano man, gaya ng pagkakasabi rito ng mananaliksik na si Robert Sobel tungkol sa daigdig na ito, “sa anumang mabuti o masamang maaaring idulot nito, tayo bilang isang sibilisasyon ay hindi na maaaring umalpas sa mga binilot na papel na iyon na naglalaman ng kaunting butil-butil na mga damo.” Isa sa anim na pinakamalaking industriya ng sigarilyo ay may sangkapat ng isang milyong mga empleado. Taun-taon ang benta nito sa 78 mga bansa sa anim na mga kontinente ay umaabot ng $10 bilyong (U.S.). Paanong ang gayon kalawak na di-kanais-nais na bisyo ay lumilikha ng pangangailangan na humihiling ng pagkalalaking mga industriya na tumutustos sa bisyo?

Sa katunayan, ang istorya ng sigarilyo ay maaaring isa sa pinakamalaking sorpresa sa nakalipas na sandaang taon. Ang hindi kapani-paniwalang pangangailangang ito ng tinatawag na dantaon ng sigarilyo ay inudyukan ng dalawang digmaan ng ika-19 na siglo. Isang bagong industriya, ang pag-aanunsiyo, ang gumatong dito. At isang nakapagtatakang bagong tabako​—matingkad na dilaw, mas suwabe, at kemikal na naiiba​—ang nagpalakas-loob sa mga maninigarilyo na langhapin ang usok nito. Ang kapansin-pansing pagbabagong iyan sa paninigarilyo, ang paglanghap na pinararaan sa bibig, ay tumitiyak na ang karamihan ng mga maninigarilyo ay mananatiling gumon sa buong buhay nila.

Ang mga Digmaan na Pumukaw ng Pangangailangan

Ang tabako ay nanatiling isang magastos na luho hanggang noong 1856, nang ang mga sigarilyo ay unang maramihang ipagbili. Iyan ay nang magbalik ang mga sundalong Britano at Pranses mula sa Digmaang Crimean na may “mga tabakong papel” at bisyo na natutuhan nila roon. Nauso sa Europa ang sigarilyo, lumilikha ng di-inaasahang pangangailangan sa mga sigarilyong Turko o ang kanilang Ingles na mga imitasyon.

Ang “kausuhang Crimea” ay nagtatag sa sigarilyo bilang isang mumurahing kahalili ng abano o tabako noong panahon ng digmaan. Subalit naglaho ang kausuhan. At, gaya ng sabi ni Robert Sobel, “maaga noong 1860s, parang walang paraan na ang nakaririwasang mga lalaking Amerikano​—ang pangunahing mapagbibilhan ng mga sigarilyo​—ay magkakahilig sa sigarilyo.” Ang usok mula sa naunang mga sigarilyo ay hindi gaanong nakasusugapa gaya niyaong sa makabagong sigarilyo. Gaya ng usok ng tabako, ito ay medyo alkalino, at pinananatili ito ng mga humihitit sa kanilang bibig. Walang maginhawang paraan upang langhapin ito na gaya ng karaniwang ginagawa ngayon ng mga humihitit ng sigarilyo. Panahon ito para sa susunod na di-inaasahang pag-unlad.

Ipinakilala ng Giyera Sibil Amerikano (1861-65) ang isang mas nakasusugapang sigarilyo, ginagawa ang gayon na taglay ang tinatawag ng dalubhasa sa tabako na si Jerome E. Brooks na “sumasabog na lakas.” Minsan pa, dinala ng digmaan ang murang sigarilyo sa mga sundalo​—una’y sa Confederate, pagkatapos ay sa Union. Subalit sa pagkakataong ito hindi ito isang lumilipas na kausuhan.

Ginamit ng mga sigarilyong ito ang tabakong Amerikano, at may ilang kakaibang bagay tungkol dito. Ginamit ng mga magsasakang Amerikano ang bagong mga uri ng tabako na lumalagong mabuti sa kanilang lupa na mahina sa nitroheno. Natuklasan din nila, nang di sinasadya sa isang bukirin sa North Carolina, ang isang pamamaraan sa pagpapatuyo na gumagawa sa kanilang dahon na matingkad-dilaw, suwabe, at masarap. Noong 1860 tinawag ito ng U.S. Census Bureau na “isa sa pinakapambihirang pag-unlad sa agrikultura na kailanma’y nakilala ng daigdig.” Pagkaraan ng mga ilang paghitit ng naiibang tabakong ito, nadarama ng bagong mga maninigarilyo ang pagnanais na muling magsigarilyo.

Gumon!

Hindi nauunawaan nang panahong iyon, ang maliit subalit walang tigil na lumalagong negosyong ito ay naging pisikal na dumidepende, nagumon, sa isang lubhang nakasusugapang sustansiya. “Ang karaniwang paninigarilyo ng mahigit sa dalawa o tatlong sigarilyo sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga” ay halos walang pagbabagong umaakay sa “palagiang pagdepende sa paninigarilyo,” sabi ng mananaliksik sa pagkasugapa na si Dr. Michael A. H. Russell. “Di-gaya ng mga nagbibinata o nagdadalaga na nagtuturok ng heroin minsan o makalawa sa isang linggo sa pasimula, nararanasan ng isang maninigarilyong nagbibinata o nagdadalaga ang mga dalawang daang sunud-sunod na ‘turok’ ng nikotina sa panahon na matapos niya ang kaniyang unang kaha ng sigarilyo.”

Oo, ang paglanghap ang sekreto. Ang nikotina, sa wari, ay tumatagos at niyayamot ang mucous membrane sa ilalim lamang ng mga kalagayang alkalino. Sapagkat ang usok ng sigarilyo ay medyo asido, ito lamang ang usok ng tabako na suwabe sa bibig at lalamunan sa karaniwang paglanghap. Subalit sa mga bagà ang asido ay nanuneutralisa, at ang nikotina ay malayang natatambak sa dugo. Sa loob lamang ng pitong segundo ang dugong mayaman sa nikotina ay dumarating sa utak, anupa’t sa bawat bugá ay umaani ng halos kagyat na gantimpalang nikotina. Ang mga kabataang humihitit ng mahigit sa isang sigarilyo, ulat ng isang pag-aaral ng pamahalaang Britano, ay 15-porsiyento lamang ang tsansa na manatiling hindi naninigarilyo.

Kaya, sa dekada ring iyon ng Digmaang Crimea, ang industriya ng sigarilyo ay lumikha ng isang napakalakas na bagong bisyo. Sa loob ng 20 taon natuklasan ng mga negosyante ng tabako ang ideya ng paggamit ng nakakatawag-pansin na mga anunsiyo sa pahayagan at mga pagpaparangal upang akitin ang bagong mga parokyano. Isang makina na patentado noong 1880 ang gumawang-maramihan ng sigarilyo at pinanatili ang mababang halaga, samantalang ang mga larawan ng mga bayani sa palakasan at nakangiting mga dalaga ang nagbenta ng ideya ng sigarilyo sa mga kalalakihan. Subalit ano ang nagpangyari sa kanila na patuloy na bumalik para sa higit pa? Ang pagkasugapa sa nikotina! Gaya ng pagkakasabi rito ng isang manunulat tungkol sa kalusugan na si William Bennet, M.D.: “Ang paggamit ng makina, matalinong pag-aanunsiyo at mga pamamaraan sa pagbibenta ay nakatulong, subalit [kung walang nikotina] hinding-hindi sila makapagbibenta ng napakaraming tabako.”

Noong 1900 ang makabagong sigarilyo, na internasyonal na, ay handa nang higpitan ang hawak nito sa ating lipunang pandaigdig.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share