Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/22 p. 31
  • “Mangahas Kang Kainin Ako!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mangahas Kang Kainin Ako!”
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Butete—Isang Maliit na Isda na Napabantog Dahil sa Di-mabuting Reputasyon
    Gumising!—1993
  • Paralisis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Iniligtas ng Kaniyang Tiyan!
    Gumising!—2003
  • Malilinamnam na Atleta sa Kalaliman
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 5/22 p. 31

“Mangahas Kang Kainin Ako!”

Kahit na kung mangahas ang isang maninila, ito’y hindi magiging madali. Kapag naiinis, pinapipintog ng mga butete ang kanilang mga katawan na parang bola. Mahirap itong lunukin. Isa pa, kapag pinapipintog nila ang kanilang mga sarili, libu-libong matutulis na tinik ang lumalabas sa mga butas ng kanilang balat. Ang paglulon sa gayong animo’y tusukan ng karayom ay napakasakit sa lalamunan.

Kung ang lahat ng ito ay hindi pa sapat upang hadlangan ang maninila at ito’y magtagumpay sa paglunok sa butete, nagsisimula na ang problema nito. Ang butete ay punô ng tetrodotoxin. Ang tetrodotoxin ay isa sa kilalang lason sa dagat.

Sa kabila nito, ang laman nito ay gustung-gusto ng mga eksperto sa pagkain sa Oryente. Tinatawag na fugu ng mga Haponés, kinakain pa nila itong hilaw bilang sashimi. Pinapatay nito ang maraming tao taun-taon. Ganito ang sabi ng aklat na Undersea Life:

“Sa kabila ng panganib, nagugustuhan pa rin ng mga mahilig sa fugu ang epekto nito na para bang napakagaang ng pakiramdam mo, nag-iinit at nanlalamig ka, at nangingilig dahil sa ‘kontroladong’ dosis ng lason, gayundin ang pambihirang lasa ng laman ng isda. Kung paanong ang hindi gaanong nakalalasong mga sintomas ng grabeng pagkalason dahil sa tetrodotoxin ay kinabibilangan ng pamamawis, sakit ng ulo, pagsusuka, pagkaparalisa ng palahingahan, mga butlig sa balat, pagdurugo, nasa koma nang hindi nawawalan ng malay, at kung minsan ay ganap na pagkaparalisa ng kalamnan, nakapagtataka pa rin na ang mga mahilig sa sashimi ay hindi na lang manatili sa pagkain ng tuna at sea bass.”​—Pahina 180.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share