Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 6/22 p. 9-10
  • Mabuhay Upang Masaksihan ang Kagalakan ng Kagubatan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabuhay Upang Masaksihan ang Kagalakan ng Kagubatan!
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Makatotohanang Lunas Ay Malapit Na
  • Waldsterben—Problema Mo Rin Ito!
    Gumising!—1987
  • Maililigtas Ba ang Kagubatan?
    Gumising!—1987
  • Kagubatan
    Gumising!—2023
  • May Kinabukasan ba ang Kagubatan?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 6/22 p. 9-10

Mabuhay Upang Masaksihan ang Kagalakan ng Kagubatan!

“I think that I shall never see

A poem lovely as a tree. . . .

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.”

SA KATOTOHANAN na “only God can make a tree” (ang Diyos lamang ang makagagawa ng isang punungkahoy), maaari sanang angkop na naidagdag ng makatang Amerikanong si Joyce Kilmer, na ang matalinong buhay ay pinaikli ng Digmaang Pandaigdig I, ang kaisipang, ‘at tanging ang Diyos lamang ang makapagpapanatiling buháy sa isang punungkahoy.’

Sa kabila ng paghiyaw na “Iligtas ang Ating Kagubatan,” kaunti lamang ang tagumpay ng mga pagsisikap ng tao na mapangalagaan ang kagubatan. Kahit na ang “mabuting balita” na ibinigay ng isang report noong Setyembre 1986 ay may kaunting kaaliwan. Binabanggit nito ang tungkol sa “isang mataas-antas na pagpapanatili,” na sa payak na pananalita ay nangangahulugan na ang Waldsterben ay kumakalat pa rin ngunit mas mabagal nga lamang kaysa noong nakalipas na mga taon.

Sang-ayon sa isang nangungunang pahayagang Aleman, isang lumalagong damdamin ng kawalang-kaya ang masusumpungan sa gitna ng mga siyentipiko. Sinisipi nito si Propesor Peter Schütt ng Institute of Forestry ng Munich, na nagsabi kamakailan sa isang nababahalang tagapakinig: “Huwag nating dayain ang ating mga sarili. Matagal na nating naabot ang hangganan ng ating mga posibilidad.” Siya’y nagbabala na kung mabigo ang kasalukuyang mga pagsisikap upang sugpuin ang polusyon ng hangin, “tayo’y maiiwang ganap na wala nang iba pang masusubukan.”

At paano maaaring ilarawan ang mga pag-asa sa paglutas sa problema ng polusyon sa hangin? Madilim, malungkot, o mapanglaw​—mamili ka. “Ang kalidad ng hangin ay hindi bumuti,” sabi ng pahayagang Suiso na Die Weltwoche. Samantalang ang “mga pisyologo sa halaman ay nasasangkot pa sa kumukunsumo-panahon, detalyadong gawain, na sinisikap matiyak kung aling nagpaparumi ang tumatama sa aling punungkahoy sa anong lawak, . . . minsan pang ang di-mapalagay na mga tsuper ay nagkakaroon ng dati nilang pagtitiwala-sa-sarili at nagmamaneho nang mas mabilis kaysa nararapat. Natulog ang benta ng mga kotseng may catalytic converter . . . Walang gaanong pagbabago, maliban sa bagay na ang magulong pagkabalisa [tungkol sa Waldsterben] ay naglaho na.”

Isang Makatotohanang Lunas Ay Malapit Na

Ang maniwala na ang Waldsterben ay matagumpay na malulutas ng mga tao ay hindi makatotohanan. Bakit? Sapagkat sila ay kulang ng tumpak na kaalaman kapuwa tungkol sa mga sanhi at mabisang mga pamamaraan ng pagsugpo nito. Isa pa, ang mga tao ay kulang ng kapangyarihan o lakas na supilin ang likas ng mga puwersa na gaya ng mga huwaran at ecosystem ng panahon. Bukod pa riyan, ang minanang kasakiman ay humahadlang sa kanila sa pagtakwil ng personal na mga interes alang-alang sa kabutihan ng lahat.

Gayunman, may mga dahilan upang umasa. Ipinakikita ng kronolohiya ng Bibliya at ng pisikal na mga bagay na malapit na ang malaon-nang-ipinagdarasal na Kaharian ng Diyos. Ang pagkatatag ng pamahalaang ito ay inihula halos 1,900 taon na ang nakalipas sa mga pananalitang ito: “Pinasasalamatan ka namin, Jehovang Diyos, Makapangyarihan-sa-lahat, ang Isa na ngayon at nang nakaraan, sapagkat naghawak ka na ng iyong dakilang kapangyarihan at nagsimula kang maghari. Ngunit nagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang takdang panahon . . . upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:17, 18) Hindi na magtatagal, gaya ng ipinangako, “ang takdang panahon” ay darating “upang ipahamak [ng Diyos] ang mga nagpapahamak sa lupa,” pati na ang mga nagpaparumi na nagpapahamak sa kaniyang kagubatan.

Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang masunuring sangkatauhan ay wastong tuturuan kung paano hahadlangan ang polusyon sa hangin at ang kakambal na produkto nitong Waldsterben. Gunigunihin kung paano magagalak ang lupa, sa makasagisag na pananalita, ang pagkakatimbang ng kalikasan ay maisauli na taglay ang positibong mga epekto sa klima, agrikultura, at kalusugan. “Magalak ang lupa, at sabihin [nito] sa gitna ng mga bansa, ‘Si Jehova mismo ay naghahari!’ . . . Kung magkagayo’y aawit ang mga punungkahoy sa gubat dahil sa kagalakan.” (1 Cronica 16:31-33) Naibalik sa isang kalagayan ng higit na kagandahan at kalusugan kaysa dati, “ang mga punungkahoy sa gubat” ay tiyak na may lahat ng dahilan na “umawit sa kagalakan.”

Subalit bago dumating ang panahong iyan, maaaring lumala pa ang Waldsterben. Halimbawa, noong Setyembre 1986 ang nabanggit na pahayagan ay sumulat: “Ang sinasakang mga pananim sa mga kapatagan ay nagsisimulang masira; ang mga puno ng cherry sa hilagang-kanluran ng Switzerland ay humihina, at ang mga magsasaka ay humihingi ng payo mula sa mga opisyal sa pagsasaka.” Isang kahawig na kalagayan sa Alemanya kamakailan ang umakay sa estado ng Baden-Württemberg na simulan ang isang imbestigasyon tungkol sa kaugnayan sa pagitan ng polusyon sa hangin at ng napinsalang mga punong namumunga. Bagaman wala pang makukuhang mga estadistika, iniuulat na inaakala ng mga siyentipiko, ang mga stone fruit lalo na ang nanganganib.

Ang mga ulat na gaya nito ay maaaring magpaalaala sa mga estudyante ng Bibliya sa Habacuc 3:17. Binabanggit ang tungkol sa ating kaarawan, sabi nito: “Bagaman ang puno ng igos ay hindi mamulaklak, ni magkaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; ang bunga ng olibo ay maaari ngang maglikat, at ang mga bukid mismo ay maaaring hindi magbigay ng pagkain.”

Gayunman, kung magtitiwala ka sa Diyos at itataguyod mo ang pamamahala ng kaniyang Kaharian, ikaw, gaya ni Habacuc, ay walang dahilang matakot. (Habacuc 3:18) Sa kabaligtaran, mayroon ka ng lahat ng dahilan na tumingin sa hinaharap na taglay ang pag-asa at magsaya. Ang problema ng Waldsterben ay malapit nang malutas​—nang palagian at nang lubusan. Ikaw, man, ay maaaring mabuhay upang masaksihan ang kagalakan ng kagubatan​—at ng lahat ng sangkatauhan na kasama nila!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share