Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 12/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Kailan Madali ang Pagsasaulo
  • Pag-asa Para sa May Sakit sa Isip
  • Pakikipagkasundo sa Isang Kapatid na Lalaki o Babae
  • Mga Artikulo Tungkol sa Papa
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 12/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kung Kailan Madali ang Pagsasaulo

Nais kong patotohanan kung gaano kapaki-pakinabang ang inyong artikulo tungkol sa pagsasaulo. (Hulyo 22, 1987 sa Ingles) Ang aking apat-na-taóng-gulang na anak ay gumugugol ng maraming panahon na kasama ko sa bahay-bahay na pagmiministro. Upang huwag siyang maging malikot, ipinasaulo ko sa kaniya ang Awit 83:18, na ikinatutuwa niyang bigkasin sa aming mga dinadalaw, na ang kaniyang Bibliya ay nakabukas dito. Sa loob ng mga dalawang linggo, nabasa ko sa inyong mga artikulo ang tungkol sa pagsasaulo at naipasiya kong tulungan siyang matuto ng higit pang mga kasulatan. Itong buwan na ito binibigkas niya sa aming mga dinadalaw ang Juan 17:3 kailanma’t ito’y angkop. Itong linggong ito isang lalaki ang tumangging ibahagi ko sa kaniya ang isang talata sa Bibliya, at nang sasarhan na lamang niya ang pinto, ang aking apat-na-taóng-gulang na anak na babae ay nagsabi: “Maaari po bang ibahagi ko sa inyo ang isang kasulatan?” Ang lalaki ay kaagad na sumagot ng oo at muling binuksan ang pinto.

B. C., Estados Unidos

Pag-asa Para sa May Sakit sa Isip

Sa loob ng 12 mga taon ako ay naging biktima ng sakit sa isip, naghihirap nang labis dahil sa kirot, kawalan ng tiwala, at kakulangan ng pang-unawa sa bahagi ng iba, sa kabila ng medikal na pangangalaga at atensiyon mula sa isang maibiging maybahay. Alam ninyo, ayaw kong tanggapin ang bagay na ako ay may sakit sa isip at ipinapasa ko ang aking mga problema sa ibang mga dahilan. Ang inyong mga artikulo na “Pag-asa para sa May Sakit sa Isip” (Pebrero 8, 1987) ay nag-udyok sa akin na harapin ko ang katotohanan. Naunawaan ko na ang aking karamdaman ay hindi naman nagmula sa demonyo, gaya ng inaakala ko, kaya’t tinanggap ko ang mapagpipiliang mga paliwanag at ako’y nagpagamot. Gayon na lamang ang pasasalamat ko sa Gumising! sa tulong na ibinigay nito sa akin tungkol dito at sa marami pang ibang bagay!

A. A. C., Brazil

Pakikipagkasundo sa Isang Kapatid na Lalaki o Babae

Nais ko po kayong pasalamatan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit ba Napakahirap Makasundo ang Aking Kapatid na Lalaki at Babae?” (Hulyo 22, 1987) Ako po ay 16 anyos at mayroon po akong dalawang kapatid na lalaki. Madalas po akong mainis sa kanila, at kung minsan ay nais ko pa nga na sana’y may masamang bagay na mangyari sa kanila. Gayumpaman, batid ko pong sa loob ko ay mahal ko sila. Nangailangan po ng tunay na pagsisikap upang huwag akong magalit tuwing tutuksuin nila ako. Ang huling mga parapo ng artikulo sa ilalim ng mga subtitulong “Ikaw ang Paborito ni Inay!” at “Pagtatagumpay sa Pananaghili” ay nakatulong sa akin nang malaki. Nauunawaan ko na ngayon na ako’y katulad ng mga kapatid ni Jose na nanaghili sa kaniya.

S. L., Guadeloupe

Nais ko po kayong pasalamatan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit ba Napakahirap Makasundo ang Aking Kapatid na Lalaki at Babae?” Mayroon po akong kuya na lagi kong inaaway, subalit ngayon po ay nakakasundo ko na. At simula po nang basahin ko ang inyong artikulo, lalo po akong magsusumikap na makasundo siya. Maraming salamat pong muli.

L. M., Inglatera

Mga Artikulo Tungkol sa Papa

Bilang mga Kristiyanong Katoliko, binabasa namin nang may interes ang inyong mga magasin na nakapagtuturo, at pinasasalamatan namin ang paghaharap ninyo ng makatotohanang impormasyon tungkol sa papa. (“Mga Panalangin ukol sa Kapayapaan​—Sino ang Nakikinig?” Hunyo 8, 1987; “Ang Pagdalaw ng Papa sa Australia​—Isa Lamang Peregrinasyon?” Hulyo 8, 1987) Bagaman ang inyong mga turo ay salungat sa mga turo ng Katolisismo, naliligayahan kaming makita ang makatarungang pakikitungo ninyo sa gayong mga paksa.

P. O., Pederal na Republika ng Alemanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share