Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 2/8 p. 3-4
  • Pag-aanunsiyo—Gaano Kahalaga?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-aanunsiyo—Gaano Kahalaga?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Komersiyal na Pag-aanunsiyo
  • Pag-aanunsiyo—Ang Malakas na Panghikayat
    Gumising!—1988
  • Nadadala sa Sobrang Dami ng Pag-aanunsiyo
    Gumising!—1998
  • Ang Impluwensiya ng Pag-aanunsiyo
    Gumising!—1998
  • Pag-aanunsiyo—Ang Mabisang Sandata ng Kristiyanismo
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 2/8 p. 3-4

Pag-aanunsiyo​—Gaano Kahalaga?

ANG asul na paboreal (peacock) ng India ay nagtatanghal ng isang biglaan, maganda’t matingkad na kulay. Mga balahibo, limang ulit ang haba sa kaniyang katawan, marikit na may tulad-matang mga tatak, ay tumataas sa kaniyang likuran na kumikinang sa liwanag ng araw. Isang maharlikang tanawin, siya ay marahang nagpaparada sa harap ng kaniyang inaasahang kabiyak, isang inahing paboreal. Paano nga matatanggihan ng inahin kung ano ang inilarawan na “ang pinakamagarang . . . anunsiyo sa daigdig”? Ang pag-aanunsiyo ay isang pambuong-daigdig na kababalaghan. Sinusuri ng aming serye ang pangganyak nito at mga epekto nito, gaya ng nakikita ng kabalitaan ng Gumising! sa Britaniya.

Sa pinakasaligan, ano ba ang pag-aanunsiyo? Ito ang pagkilos upang ipakilala ang isang bagay. Ang kalikasan nito ay kadalasang mahalaga sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng buhay.

Ang umáalulóng mga lobo, halimbawa, ay nag-aanunsiyo ng kanilang pagkanaroroon upang maiwasan ang di-kinakailangang mga engkuwentro sa iba pang mga pangkat habang ang bawat isa ay naghahanap ng pagkain. Maaamoy ng isang babaing gamugamó ang ilang molekula ng isang pheromone, isang kemikal na sustansiya, na ibinubuga milya-milya ang layo ng isang lalaking gamugamó na nag-aanunsiyo para sa isang kabiyak. Matalinong iniiwasan ng mga maninila ang higad na cinnabar, na ang matingkad na dilaw at itim na mga guhit ay nag-aanunsiyo na ito ay hindi lamang masama ang lasa kundi nakalalason din.

Kumusta naman sa ating mga tao? Adelantado tayo nang kaunti at kinomersiyo natin ang sining ng pag-aanunsiyo. Isaalang-alang ang ilang mga halimbawa.

Komersiyal na Pag-aanunsiyo

Isang Ehipsiyong pápiró na natuklasan sa Thebes ay marahil siyang pinakamatandang komersiyal na anunsiyo na umiiral. Isinulat mahigit na tatlong libong taon na ang nakalipas, inianunsiyo nito ang isang gantimpala para sa pagbabalik ng isang lumayas na alipin.

Ang mga tagasigaw ng bayan ng sinaunang Gresya, nakakahawig nang dakong huli ng mga tagasigaw ng bayan sa Europeong mga lunsod, ay sa katunayan kumikilos na mga lalaking tagapahayag, tumatawag-pansin sa kanilang mga patalastas.

Sa Inglatera noong Edad Medya, ang simbolo ng tatlong nakabitin na mga bolang ginto, na kinuha sa eskudo ng Italyanong pamilya ng Medici na mga mamumuhunan, ay nag-aanunsiyo sa mga nagpapautang ng pera. Ngayon, ang tanda ring iyon ay nananatili upang ipakilala ang isang sanglaan.

Mahigit na 250 taon ang nakalipas, si Dr. Samuel Johnson ng London ay nagreklamo: “Ang mga anunsiyo ngayon ay napakarami anupa’t ang mga ito ay walang-ingat na binabasa. . . . Ang negosyo ng pag-aanunsiyo ay halos sakdal na ngayon anupa’t hindi madaling magmungkahi ng anumang pagsulong.” Subalit mula noon, anong laki ng ipinagbago ng mga bagay! Sa nakalipas na 50 taon, ang negosyo ay nagsulputan na parang kabuti tungo sa isang industriya.

Ang pag-aanunsiyo ay isang malaking negosyo ngayon, napakalaking negosyo. Ang mga pahayagan, mga paskilan, makintab na mga pahina ng magasin, neon lights, mga komersiyal sa radyo at telebisyon​—ay pawang nagpapaligsahan na ating pag-ukulan ng pansin sa isang paulit-ulit na pagpapaulan ng paghikayat, kung minsan ay bulgar at kung minsan naman ay kagila-gilalas na matalino at tuso.

Ang maingay na ugong ng modernong mga eruplano ay tumatawag ng ating pansin sa napakalaking lumulutang na mga anunsiyo. Hila-hila naman ng mas maliit na mga eruplano ang anunsiyo sa langit. Ang pagkasarisari ay para bang walang katapusan! Subalit talaga bang kailangan ito?

Paano gumagana ang pag-aanunsiyo? Tayo kaya, na mga mámimili, ay magiging mas mabuti​—o mas masahol pa​—kung kaunti lang ang pag-aanunsiyo? Anong bahagi ang maaaring gampanan nito sa ating buhay?

Sa ating pang-araw-araw na mga buhay, tayo ay laging nakalantad sa pag-aanunsiyo. Sa telebisyon at radyo, sa mga magasin at mga pahayagan, gayundin sa iba pang mga paraan, tayo ay inaalok ng mga produkto at ng mga paglilingkod niyaong nagnanais na magbili nito. Ano ang mabubuting punto ng pag-aanunsiyo, at ano ang masasamang punto? Paano ka apektado ng lahat ng ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share