Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Nagsimula ang Buhay sa Lupa?
  • Karunungang Higit sa Kaniyang Edad
  • Tungkol sa mga Hayop
  • Karunungang Higit sa Kaniyang Edad
    Gumising!—1987
  • Ikaw ba’y Mapagpatawad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Paano Nagsimula ang Buhay sa Lupa?

Nais ko kayong pasalamatan sa inyong ekselenteng artikulong “How Did Life on Earth Begin?” (Enero 22, 1987 sa Ingles) Ito ay kahanga-hangang malinaw, eksakto, at payak. Pagkatapos basahin ang artikulo, wala na akong bahagya mang pag-aalinlangan​—ang ebolusyon ay hindi totoo. Sinagot ng artikulo ang mahahalagang tanong, na gaya ng: Paano tayo napunta rito? May kabuluhan ba ang ating buhay? Maraming-maraming salamat sa paglalathala ng mga artikulo na tumutulong sa aming mga kabataan na iwasan na masilo ng sanlibutang ito at ng mga paniniwala nito.

E. A., Pransiya

Karunungang Higit sa Kaniyang Edad

Ako po’y lubhang napatibay-loob ng artikulong “Karunungang Higit sa Kaniyang Edad.” (Oktubre 22, 1987) Bagaman ako po ay kasing-edad ni Lisa, samantalang binabasa ko ang artikulo ay napag-isip ko po kung baga maipahahayag ko ang aking pananampalataya na kasinghusay ng ginawa niya. Inaakala ko po na ang bawat salitang binigkas niya ay nagpapakita ng lubus-lubusang pagtitiwala kay Jehova. Nais ko pong tularan ang pananampalataya ng batang babaing iyon. Inaasam-asam ko po ang kaniyang pagkabuhay-muli sa hinaharap.

M. S., Hapón

Inaakala ko pong dapat akong sumulat sa inyo. Ako po’y 14 anyos, at ako po’y laging nagrireklamo. Isang araw ay nabasa ko po ang artikulo tungkol kay Lisa. Sa buong artikulo, wala po akong nasumpungang isang salita ng pagrireklamo. Sa lahat ng kabataang gaya ko na laging nagmamaktol, nais kong sabihin na si Jehova ay laging naglalaan ng lahat ng kinakailangan natin, at dapat tayong magpasalamat sa kaniya. Mayroon po akong mga suliranin sa kalusugan, at baka mawala ko po ang aking paningin subalit hindi ang aking buhay. ‘Bravo!’ kay Lisa para sa kahanga-hangang halimbawa ng katapatan na iniwan niya para sa ating lahat!

C. F., Pransiya

Ako po’y nangyaring sumulat sa inyo upang sabihin sa inyo na lubha pong nabagbag ang aking damdamin nang mabasa ko po ang kuwento ni Lisa. Hindi ko po mapigil ang aking luha. Palagay ko po na maraming tao, pati na po ako, ay nasisiraan ng loob kapag kailangan nilang harapin ang mga problema, subalit mula po ngayon ay lagi kong tatandaan ang tibay-loob at determinasyon na ipinakita ni Lisa sa harap ng malaking kahirapan.

V. L., Italya

Tungkol sa mga Hayop

Ito ay isang liham ng pasasalamat sa kawili-wili at nakatatawag-pansing mga artikulo tungkol sa mga hayop! Nagawa nitong basahin ng aking 13-anyos na anak na lalaki ang mga magasin kung wala si Inay. Ang magandang mga larawan at kabigha-bighaning mga bagay ay tumutulong sa aking mga anak at di-sumasampalatayang asawa na maunawaan ang ilan sa di-nakikitang mga katangian ni Jehova. Pakisuyong maglagay kayo ng kahit na isang artikulo tungkol sa hayop sa bawat labas upang patuloy nilang sisilipin ang loob ng magasin at babasahin!

P. M., Estados Unidos

Labis-labis kong pinasasalamatan ang impormasyong inilathala tungkol sa buhay hayop sa Aprika. (Setyembre 22, 1987) Marami akong natutuhang maliliit na bagay na nagpapakita na si Jehova ang pinakadakila sa lahat ng mga tagapagdisenyo. Naiisip ko kung gaano kabuti kung ang mga magulang, sa halip na basta ipakita sa kanilang mga anak ang mga larawan ng mga hayop, ay tulungan sila na malaman ang mga katangian ng mga hayop na ito upang lumaki ang pag-ibig at pagpapahalaga nila sa ating Maylikha.

S. C., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share