Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/22 p. 31
  • Magkakasamang Tagagawa ng Pugad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakasamang Tagagawa ng Pugad
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Pinakamagandang Tagagubat”
    Gumising!—2000
  • Pugad
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagpapalaki ng Anak sa Kagubatan
    Gumising!—2001
  • Sibád ang Pangalan—Sumisibád Kung Lumipad
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/22 p. 31

Magkakasamang Tagagawa ng Pugad

Ang tagpo ay isang magandang kopje (burol) sa kaparangan ng Timog Aprika. Walang anu-ano, apat na ibon, magkakatulad ang hitsura, ay dumapo sa sanga ng kalapit na punungkahoy, humuhuni ng maganda, umaalingawngaw na mga huni. Sa sanga ring iyon ay may isang maayos ngunit hindi pa tapos na pugad na yari sa mga pinilas na balat ng kahoy.

Ang isa sa mga ibon ay lumulukso sa loob ng pugad, namamaluktot, at, gumagawa ng kakatuwang ingay, nagdaragdag ng kapirasong bagay. Sa pamamagitan ng katawan at tuka nito, maingat na inaayos nito ang hugis ng pugad, nilalagyan ng sapot ng gagamba upang bigkisin nitong matibay ang pugad. Pagkatapos ang unang ibon ay aalis, iniiwan ang ikalawa, ikatlo, at ikaapat na ibon upang ulitin ang kahali-halinang pamamaraan. Habang sila ay lumilipad, ang kanilang magandang itim at puting balahibo at magandang huni ay nakadaragdag sa kagandahan ng tanawin.

Pagkalipas ng sampung minuto, babalik na naman sila na dala-dala ng kanilang tuka ang higit na mga materyales para sa paggawa ng pugad. Isip-isipin, apat sa kanila ang gumagawa ng iisang pugad! Anong uri ng ibon ito? Sa halos 900 uri ng ibon sa gawing timog ng Aprika, isinisiwalat ng isang manwal tungkol sa mga ibon na ang mga ito ang tinatawag na white helmet shrikes. Tungkol sa mga ito, ganito ang sulat ng isang ensayklopedia: “Sila ay lubhang nasisiyahan sa pakikisama sa iba at nakikipagtulungan sa paggawa ng mga pugad at sa pagpapakain sa mga inakay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share