Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 7/22 p. 5-8
  • Ang Kilusan ng mga Babae—Ano Na ang Nangyari Rito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kilusan ng mga Babae—Ano Na ang Nangyari Rito?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Krisis sa Pagkakakilanlan
  • Mga Katayuang Pangkabuhayan
  • Magtatagal ba Ito?
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae—Pawang Pagpapala Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang Kilusan ng mga Babae ay Nagdadala ng mga Pagbabago
    Gumising!—1988
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • May Malasakit ba ang Diyos sa mga Babae?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 7/22 p. 5-8

Ang Kilusan ng mga Babae​—Ano Na ang Nangyari Rito?

ANG kilusan para sa pagpapalaya sa kababaihan ay nagbayad ng utang nito, lalo na sa yunit ng pamilya. Ang mga babaing tumugon sa panawagan na takasan ang “pang-aalipin” ng pamilya ay naging dahilan ng dumaraming diborsiyo, na sa ibang lupain ay kasintaas ng 50 porsiyento ng lahat ng bagong pag-aasawa. Nakadaragdag pa sa problema ang dumaraming ina na sumasama sa buong-panahong mga manggagawa, upang masumpungan lamang ang kanilang mga sarili na nagpupunyagi sa ilalim ng pabigat ng dalawang trabaho​—isa sa trabaho at isa sa tahanan.

Sinasabi ng mga feminista (mga tagapagtaguyod ng mga karapatan at mga kapakanan ng kababaihan) na upang maging tunay na malaya ang isang babae ay dapat na magkaroon ng ganap na pagsupil sa kaniya mismong katawan, pati na ang karapatang wakasan ang hindi naiibigang pagbubuntis. Ang pagnanais para sa ‘pantay na pag-aanak’ na gaya ng mga lalaki ang sanhi ng lumalagong bilang ng aborsiyon​—tinatayang 55 milyon sa buong daigdig taun-taon.

Kahit na ang Bibliya ay hindi nakaalpas sa galit ng mga feminista. “Magtiwala ka sa Diyos. Siya (She) ay maglalaan,” sabi ng mga feminista, tinutuya ang Bibliya sa paglalarawan nito sa isang “lalaking” Diyos. Ang ibang [feminista] . . . ay nagpaparatang sa Bibliya na siya pa ring pinakamalakas na sandata upang panatilihin ang mga babae sa ‘kanilang dako’ at kinukuwestiyon kung ang anuman kayang gaya nito ay maaaring maging salita ng Diyos,” ulat ng The United Church Observer ng Canada. Ang ilang mga simbahan ay sumuko sa panggigipit ng mga membro ng feminista upang gamitin ang “malawak na sakop” na wika sa kanilang pagsamba, hinahalinhan ang mga katawagang panlalaki para sa Diyos ng mga pangalang gaya ng Tagasustini at Tagapag-alaga.

Kasabay nito, ang kilusan ng kababaihan mismo ay nakapasok na sa kung ano ang tinatawag ng nagtatag ng samahan ng mga kababaihan na si Betty Friedan na “isang matinding paralisis.” Ang lakas ng feminista at nahahati sa maraming larangan​—ang pakikipagbaka para sa pantay-pantay na mga karapatan sa ilalim ng batas, pare-parehong sahod, mas liberal na mga batas tungkol sa aborsiyon, mga karapatan ng tomboy, sapilitang maternity leave, gayundin ang mas mahusay na day care, at pakikipagbaka laban sa pornograpya.

Krisis sa Pagkakakilanlan

Ang feminismo (organisadong kilusan na nagtataguyod sa mga karapatan at mga kapakanan ng mga babae) ay dumaranas ng isang krisis sa pagkakakilanlan, ulat ng magasing Newsweek. “Ang kahirapan ng pagtatayo ng karera, paglinang ng malapit na kaugnayan at pangangalaga sa mga bata ay napatunayang mas mahirap kaysa anumang maaaring asahan ng sinuman sa unang mga araw ng feminismo.

Sa Woman on a Seesaw, itinala ng awtor na si Hilary Cosell ang panangis ng isang yamot na babaing may karera na sinikap punan ang isang ‘papel ng ‘Superwoman’: “Said na said ako ngayon, inaakala kong wala nang natitira pa sa akin upang italaga sa anumang bagay. Ako’y isang sagad sa trabaho na propesyonal, isang pagod na pagod na ina, isang mabuting-panahong kaibigan, at isang part-time na asawang babae. Superwoman, ha? Babaing tuliro pa marahil.”

Ang mga babaing isinakripisyo ang mga pagkakataon para sa pag-aasawa at pag-aanak upang maitaguyod ang isang karera ay kadalasang pinahihirapan ng pagsisisi. Isang 38-anyos na kasangguni sa pangangasiwa ang nagsabi sa magasing Chatelaine ng Canada: “Mayroong isang salinlahi ng mga babae na katulad ko na magtutungo sa kanilang libingan na walang asawa . . . Sa kabila ng aming tagumpay ang aming buhay ay walang saysay.” Iniulat ng Newsweek ang pagkabalisa ng isang 39-anyos na bise-presidente ng isang pagawaan ng sapatos: “Ang aking trabaho ay nakatutuwa at kasiya-siya subalit ikinatatakot ko sa tuwina na hindi ko naranasan ang pinakamahalagang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng hindi pag-aanak. Kung minsan naiisip ko na kung ako ay mamamatay ngayon ang aking lapida ay kababasahan ng: ‘Dito nakahimlay . . . Mahilig siyang magbasa ng mga magasin.’ ”

Kahit na ang kilalang feminista ay para bang nagkakaroon ng ikalawang kaisipan tungkol sa seksuwal na moralidad ng pagpapalaya. Inilarawan ng Australyanong manunulat na si Germaine Greer, sa kaniyang aklat noong 1970 na The Female Eunuch, ang pag-aasawa bilang “malayang paggawa na inilapat ng karapatan ng isang amo na nagtataglay ng isang kontrata habang-buhay, ginawa na pabor sa kaniya.” Ang pagnanais ng babae na pagbutihin ang kaniyang kalagayan “ay maaaring patibayin ng aktuwal na ‘kahandalapakan’ sa pasimula pa,” sabi niya. Bagaman si Greer ay nakikita ng marami bilang ang nangungunang tagapagtaguyod ng seksuwal na rebolusyon, sa isang aklat noong 1984 ginulat niya ang mga feminista sa pagsang-ayon sa kalinisang asal at sa paghatol sa pagiging maluwag sa disiplina.

Mga Katayuang Pangkabuhayan

Ang kilusang feminista ay nag-iwan sa mga babae na mas masahol pa sa ilang paraan, sabi ng manunulat sa E.U. na si Sylvia Ann Hewlett. Sa pagdiriin sa kalayaan at pagiging pantay-pantay sa halip na pagsikapan ang mga reporma upang tulungan ang nagtatrabahong mga ina, kaunti lamang ang nagawa ng kilusan ng kababaihan upang pagbutihin ang mga katayuang pangkabuhayan ng karamihan sa mga babae, tutol niya. “Ang mayabang na kasarinlan ng pinalaya at diborsiyado ay kalimitang nangangahulugan ng kalungkutan at karukhaan [labis na karalitaan].”

Nasumpungan ng isang pag-aaral sa E.U. na sa mga estado na nagpasa ng walang-pagkakamaling mga kautusan sa diborsiyo, dating itinataguyod ng mga feminista, ang mga babaing diborsiyada at ang kanilang mga anak ay kaagad dumaranas ng 73-porsiyentong pagbaba sa kanilang pamantayan ng kabuhayan, samantalang ang kanilang dating asawa ay nagtatamasa ng isang 42-porsiyentong pagsulong. Tunay na hindi isang kabutihan para sa mga babae!

Sa katunayan, ang kita ng isang babae sa Estados Unidos ay halos 64 na porsiyento lamang ng kita ng isang lalaki​—halos katulad ng halaga ng 50 taon na ang nakalipas. Sa mga bansa sa Europa kung saan ang mga feminista ay nagtuon ng pansin sa pagkakamali ng mas mahusay na maternity leave at mga sistema ng pangangalaga-sa-bata, ang mga kita ng mga babae ay tumaas mula sa 71 porsiyento ng sahod ng mga lalaki noong 1970 tungo sa 81 porsiyento pagkalipas ng sampung taon.

Nasusumpungan ng mga feminista ngayon ang kanilang mga sarili na lubhang nahahati sa isang katanungan: Ano nga ba ang pagiging pantay-pantay? Sabi ni Betty Friedan ang mga babae ay hindi mga lalaking clone. Sabi niya: “Dumating na ang panahon upang kilalanin na ang mga babae ay kakaiba sa mga lalaki. Kailangan ay mayroong isang ideya ng pagkakapantay-pantay na isinasaalang-alang na ang mga babae ang siyang nanganganak.” Ang ibang feminista ay tumututol na kung tatanggapin ng mga babae ang mga batas na nagbibigay sa kanila ng pantanging pakikitungo na hindi nakukuha ng mga lalaki​—gaya ng sapilitang maternity leave—​inaamin nila ngayon na sila ay hindi kapantay ng mga lalaki, at iyan ay maaaring magbukas ng daan para sa pagtatangi-tangi.

“Ang problema ng kapanahong feminismo,” sang-ayon sa isang iskolar, ay kung baga ang mga pagkakaiba sa pangmalas at mga pagnanais sa pagitan ng mga lalaki at mga babae ay katutubo o produkto ng pagkondisyon ng lipunan. Maraming babae ang hindi agresibo o mahilig makipagkompetensiya sa ilang trabahong pagbibenta, sabi ng mga maypatrabaho. “Ang mga babae ay sinasanay na maging walang tutol,” sabi ni Jody, feministang direktor ng isang ahensiya sa pananaliksik panlipunan. “Bahagi ng papel bilang tagapag-alaga ay ilarawan ang iyong sarili may kaugnayan sa iba at huwag humiling para sa iyong sarili,” sabi niya sa Gumising! Maraming feminista ang naniniwala na tanging ang isang pagbabago sa paraan ng pagkondisyon sa mga babae sa pamamagitan ng pagpapalaki sa kanila ay magdudulot ng pantay-pantay na pagkakataon.

Ang iba naman ay nagsasabi na pinakamabuting matatamo ng mga babae ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagkilala na sila ay kakaiba sa mga lalaki. Si Betty Friedan ay nanawagan para sa isang ‘ikalawang yugto’ ng feminismo. “Kinakailangan ang bagong feministang kaisipan kung . . . ang mga babae ay patuloy na susulong sa daigdig ng kalalakihan, . . . at gayunma’y ‘hindi nagiging gaya ng mga lalaki,’ ” sabi niya. Hinahamak ng iba ang malambot na paglapit na ito at nagsasalita tungkol sa pagdadala sa feminismo ‘pabalik sa mga lansangan,’ pagpipiket at pagmamartsa para sa mas liberal na mga batas tungkol sa aborsiyon at iba pang mga reporma.

Magtatagal ba Ito?

Samantala, ang mga feminista ay nagtatanong kung sino ang magdadala ng mga bandila ng kinabukasan. “Ang mga kabataang babae ay nag-aakalang sila ay pinagbabantaan nito [ng feminismo] kaysa naaakit nito,” iniulat ng The Toronto Star. Ikinatatakot ng ilang dalagita ang kalayaan na dala ng mas maraming pagkakapantay-pantay. “Maraming babae ngayon ang nagsasabi na sapat na ang naranasan nila,” sabi ng feministang Pranses na si Benoite Groult. “Nais nilang sila’y kalingain na muli; nais nilang pangalagaan sila ng mga lalaki.”

Sa ibang mga bansa ang mga feminista ay nakalaban ng iba pang pangkat ng mga kababaihan na determinadong salungatin kung ano ang nakikita nila bilang pagsalakay sa pamilya at sa iba pang “tradisyunal” na mga pagpapahalaga. Isa sa gayong pangkat sa Canada, ang REAL Women (Realistic, Equal, Active for Life), ay inilarawan ang sarili nito bilang “organisado at handang makipagbaka.”

Saanmang dako ang kilusan ng kababaihan ay para bang naglalaho. Sa Kanlurang Alemanya, ang manunulat na si Peter H. Merkl ay nagsasabi na tinalikdan na ng mga babae ang feminismo sa pangkalahatan. “Ang opisyal na ipinahihintulot na pagiging ina ay balik na naman sa uso. Ang mga manggagawa at mga empleadong babae ay nagbabalik sa mga buklod ng pamilya . . . , samantalang ang radikal na mga feminista ay umalis tungo sa isang nakabukod na subkultura.”

Ang bagong tuklas ng siyensiya tungkol sa kalikasan ng utak ng tao ay maaaring makaapekto sa pag-iisip sa hinaharap tungkol sa papel ng lalaki at babae. Ang neurologong si Richard Restak ay nagsasabi: “Ipinakikita ng katibayan na ang maraming pagkakaiba sa ugali sa pagitan ng mga lalaki at mga babae ay batay sa mga pagkakaiba sa pagkilos ng utak na biyolohikal na katutubo at malamang na hindi mabago ng mga salik lamang sa kultura.” Hindi, ang mga babae ay hindi mga lalaking clone kundi ginawa para sa kakaibang layunin at kakaibang mga hangarin at mga pangangailangan sa buhay.

Subalit ang mga tuklas bang ito ay dapat pagtakhan? Natuklasan ng siyensiya ang katotohanan na malaon nang binabanggit sa ulat ng Bibliya tungkol sa paglalang sa unang babae, si Eva. Itinatala ng Genesis 2:18 ang layunin ng Maylikha: “Hindi mabuti na ang lalaki ay patuloy na mag-isa. Ako’y gagawa ng isang katulong para sa kaniya, bilang kapupunan niya.” Kaya ang mga lalaki at mga babae ay magtataglay bawat isa ng mga katangian na magiging kapupunan ng isa’t isa. Hindi sila ginawa upang maging magkaribal sa isa’t isa. Ang bawat isa ay magiging angkop sa isang partikular, nakadaragdag na bahagi.

At ang “tuklas” na ang mga babae ay hindi mga clone ng mga lalaki​—na ang mga babae ay talagang ‘naiiba sa mga lalaki,’ na ang mga babae ay ‘nanganganak’​—bago nga ba iyan? Isa pa, nililiwanag ng Bibliya mula sa pasimula na nilikha sila ng Diyos na magkaiba, “nilikha niya sila na lalaki at babae,” at na ang mga babae ay pantanging idinisenyo upang mag-anak.​—Genesis 1:27, 28; 2:21-23.

Subalit ang naiiba ay hindi nangangahulugan ng mas mababa. Hindi iyan nagbibigay-matuwid na tratuhin ang kababaihan sa hamak na paraan. Siya ay “mula sa lalaki,” kaya sa kongregasyong Kristiyano, iniibig ng lalaki ang kaniyang asawa “gaya ng kaniyang sarili.” Sa kapaligirang iyan ang babae ay nakasusumpong ng paggalang, pag-ibig, at katiwasayan.​—Efeso 5:28-33; 1 Timoteo 5:2, 3.

Ang mga lalaki at mga babae ay magkaiba, subalit sila ay hindi magkakompetensiya. Ang isa ay kapupunan ng isa; kinukompleto ng isa ang isa. Sa kaayusan ni Jehova ng pag-aasawa, ang dalawa ay nagiging isa. Angaw-angaw na tunay na mga babaing Kristiyano ngayon ang nakasusumpong ng tunay na pagpapalaya sa pagganap sa kanilang papel na inilalarawan sa Bibliya.

[Mga larawan sa pahina 7]

Ang buhay ng nagtatrabahong babae ay nakapapagod at baha-bahagi

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share