Karalitaan, Kayamanan, at Relihiyon
Sa nagdaang mga panahon ang labis-labis na kayamanan ng mga relihiyon na nag-aangking Kristiyano ay nakabalisa sa maraming tao. Ang mga papa, mga obispo, at iba pang mga opisyal ng relihiyon ay namuhay sa karangyaan na itinataguyod ng kanilang mga kawan, na ang karamihan ay nabubuhay sa karalitaan. Ang kalagayang ito ay hindi nagbago sa modernong panahon.
“Si Kristo,” sabi kamakailan ng U.S.News & World Report, “ay isang mapakumbabang tao na iniwasan ang pagkakamal ng materyal na kayamanan.” Inihahambing ang kaniyang halimbawa sa mga istilo sa buhay ng mga ebanghelista sa TV, ang popular na magasing ito ay nagsabi: “Sa kabilang dako, ang mga Bakkers ay nagmamaneho ng isang Mercedes-Benz at isang Rolls-Royce. Si Oral Roberts ay may mga bahay sa Oklahoma, Beverly Hills at Rancho Mirage, Calif. Si Swaggart ay nagsusuot ng isang $5,000 relos na Rolex at nakatira sa isang 8-ektarya, $2.4 milyong tirahan na protektado ng isang pader na ladrilyo at nakatagong mga kamera. Ang silid ng may-ari ay sinasabing mayroong apat-na-haliging Jacuzzi.”—Marso 7, 1988, pahina 63.
Kapag ang nagkukunwang mga lider na Kristiyano ay namumuhay ng mayamang istilo ng buhay, hindi kaya maaaring magtaka ang iba tungkol sa kanilang kredensiyal bilang tunay na mga tagasunod ni Kristo, lalo na yamang sinabi ni apostol Pedro na si Kristo ay nag-iwan sa kaniyang mga tagasunod ng “isang halimbawa upang [sila’y] sumunod nang maingat sa kaniyang mga hakbang”?—1 Pedro 2:21.