Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 6/22 p. 31
  • Steroids at Football

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Steroids at Football
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Dapat Kong Malaman Hinggil sa Steroid?
    Gumising!—2005
  • Steroids—Kung Ano ang Ginagawa Nito Para sa Iyo at sa Iyo
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Ang Manggagawa ba ay Karapat-dapat sa Kaniyang Sahod?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 6/22 p. 31

Steroids at Football

NOONG 1987 sinimulang subukin ng NFL (National Football League) sa Estados Unidos ang mga manlalaro sa paggamit ng anabolic steroids, na sintetikong materyal ng hormone ng lalaki na testosterone. Bagaman isinisiwalat ng mga pagsubok na halos 100 ng 1,600 mga manlalaro sa liga ay gumagamit ng droga, walang mga pagsuspinde. Ang kalagayan ay gayundin noong 1988 na laro​—ang mga pagsubok sa paggamit ng steroids bago ang laro ay nagsiwalat sa karaniwang paggamit ng droga, at minsan pa walang mga pagsuspinde. Subalit di-nagtagal pagkatapos magsimula ang 1988 na laro, iminungkahi ang mga pagbabago.

Ang paggamit ng steroids noong 1988 Olimpiks, pati na ang mahigpit na mga parusang ipinatupad, ay walang alinlangan na isang salik. Napansin ni Dr. Robert Voy, punong medikal na opisyal ng U.S. Olympic Committee, ang malakas na paggamit ng steroids sa football. “Ang hindi nalalaman ng maraming tao ay na ang mga manlalarong gumagamit ng steroids ay nagiging salbahe at agresibo,” sabi niya. “Masasabi iyan sa inyo ng kani-kanilang kasintahan at asawa.”

Higit pa riyan, ang steroids ay nagbibigay sa mga gumagamit nito ng tunay na bentaha. Isang rookie lineman sa NFL ay nagsabi: “Naglaro ako laban sa maraming lalaki na alam kong gumagamit ng steroids. Nakipaglaro ako sa kanila ng isang taon, nang sumunod na taon sila ay bumalik na 7 kilong mas mabigat, mas malakas at iba na ang kanilang hitsura. Mas mahusay silang maglaro at mas malakas silang tumira. Iyan ay isang salik sa aking pasiya. Gagawin ko ang lahat upang ako ay maging ang pinakamagaling na lineman sa NFL”

Gayunman, ang paggamit ng steroids ay may malubhang masamang mga epekto, kasali na rito ang pinsala sa atay, at sa kalaunan ay nakamamatay. Kaya, simula sa 1989 na laro ng NFL, iminungkahi na ang mga manlalarong lalabas na positibo sa paggamit ng steroids sa ilang sunud-sunod na pagsubok ay paiilalim sa permanenteng pagbabawal mula sa N.F.L. Ang dating komisyunado ng liga na si Pete Rozelle ay nagsabi: “Alam namin ang mga panganib ng steroids sa katawan at nais namin gawin ang lahat ng aming magagawa upang tamasahin ng mga manlalaro ang isang de-kalidad na buhay pagkatapos ng kanilang mga karera sa football.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share