Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/8 p. 8-9
  • Bahagi 1c—Tinimbang ang Pamamahala ng Tao—Bakit?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 1c—Tinimbang ang Pamamahala ng Tao—Bakit?
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 10—Sakdal na Gobyerno sa Wakas!
    Gumising!—1990
  • Bahagi 1b—Talaga Bang Kailangan Natin ang Gobyerno?
    Gumising!—1990
  • Bahagi 9—Ang Pamamahala ng Tao ay Umaabot Na sa Sukdulan Nito!
    Gumising!—1990
  • Mga Pamahalaan—Bakit Kailangan?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/8 p. 8-9

Tinimbang ang Pamamahala ng Tao

Bahagi 1c​—Tinimbang ang Pamamahala ng Tao​—Bakit?

Malugod na ipinahahayag ng “Gumising!” ang isang serye ng mga artikulo tungkol sa “Tinimbang ang Pamamahala ng Tao”

HINDI maikakaila ng sinuman ang impluwensiya ng mga gobyerno​—upang hanggahan ang ating pagtalakay sa pulitika—​sa kasaysayan ng daigdig at sa bawat isa sa atin. Ang wika na iyong sinasalita, ang pamantayan ng buhay na iyong itinataguyod, ang uri ng trabaho na ginagawa mo, ang sistemang panlipunan na iyong tinatamasa, marahil pati na ang relihiyon na iyong pinaniniwalaan, sa paano man ay idinikta sa iyo ng mga kapritso ng pulitikal na pagbabago.

Yamang kailangan ang gobyerno, sino sa atin ang hindi nagnanais na mamuhay sa ilalim ng isang uri ng gobyerno na makasasapat sa ating mga pangangailangan sa pinakamabuting paraan? Subalit anong uri ng gobyerno ang pinakamabuti? At mayroon ba tayong anumang mapagpipilian kung tungkol sa pamamahala?

Malugod na ipinahahayag ng Gumising! ang isang serye ng mga artikulo tungkol sa “Tinimbang ang Pamamahala ng Tao.” Ito ay magpapatuloy sa darating na mga labas ng magasing ito. Sa nalalabi pa ng 1990, tatalakayin nito ang makasaysayang pinagmulan ng mga monarkiya, aristokrasya, oligarkiya, at plutokrasya. Sasaliksikin nito ang malawak na larawan ng demokrasya, pati na ang maraming iba’t ibang uri ng mga republika. Itututok nito ang pansin sa autokrasya, diktadura, at totalitaryong mga gobyerno gaya ng Fascismo at Nazismo noong panahon ng Digmaang Pandaigdig II. Isasaalang-alang din ang Sosyalismo at Komunismo.

Ang kasalimuutan ng pamamahala ng tao ay marami at masalimuot, kaya hindi lahat ng dapat malaman tungkol sa gobyerno ay maihaharap. Ang mga artikulo ay hindi idinisenyo upang maging isang panlahat na manwal tungkol sa pulitika. Hindi nito sasang-ayunan o itataguyod ang mga kapakanan ng mga gobyerno ng tao sa pangkalahatan o ang alinmang partikular na uri. Ang anumang paghahambing sa pagitan ng iba’t ibang uri ng gobyerno ay hindi sa layuning irekomenda ang isa na nakahihigit sa isa. Ang Gumising! ay mahigpit na manghahawakan sa mga panuntunan nito na inilahad sa pahina 5, kung saan ating mababasa: “Sinusuri nito ang kailalim-ilaliman at ibinibigay ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari, ngunit laging neutral ito sa pulitika.”

Ang mga artikulong “Tinimbang ang Pamamahala ng Tao” ay idinisenyo upang maging bahagi ng prosesong iyon ng pagsusuri sa “kailalim-ilaliman.” Ibibigay nito “ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari,” mga pangyayari na nagpapahiwatig na nakakaharap ng pamamahala ng tao ang isang krisis.

Ganito inilalarawan ng aklat na The Columbia History of the World ang krisis: “Ang kalagayan kung saan nasusumpungan natin ang gobyerno, relihiyon, moralidad, ugnayang panlipunan, wika, ang sining, at ang ultimong saligan ng sibilisadong buhay, pag-asa ng madla, ay nagpapahintulot sa atin na gumawa sa paano man ng isang pansamantalang konklusyon tungkol sa kahalagahan ng kasalukuyang panahon. Ang gobyerno ang una sa listahan at una sa kahalagahan. . . . [Mayroong] pagsuway sa batas, dahil sa Estado na nagpapatupad nito, at dahil sa mga gobernador na naniniwala pa rin dito. . . . Ang kasalukuyang pangmalas ay lubhang kakaiba sa pangmalas noong nakalipas na dantaon . . . Sa maraming bahagi ng daigdig sa isang salita lamang ay handang batuhin ng mga hukbo ang city hall, guluhin ang madlang paglilitis, wasakin ang isang pamantasan, o pasabugin ang isang embahada. . . . Masidhi ang pagkahumaling sa ganap na kalayaan. . . . Sa maikli, ang isang huwarang pampulitika at panlipunan, ang isang motibong kapangyarihan ng panahon ay ang Separatism, anumang iba pang basahan ng mas matandang pilosopya nagkukubli ito. Kung hindi ito Pagkasira, ito ay di maikakailang Paghihiwalay.”

Ang “Paghihiwalay” kaya ay humantong sa “Pagkasira,” at kung gayon nga, ano ang mga kahihinatnan nito sa daigdig na kinabubuhayan natin? Ang totoo, ang pamamahala ng tao ay hinahatulan hindi lamang ng mga tao na tinitimbang ang kani-kanilang mga gobyerno sa loob ng libu-libong taon at paulit-ulit na nasusumpungan ito na kulang. Sa pagkakataong ito ang Maylikha ng sansinukob mismo ang nakikipagtuos. Binibigyan-matuwid ba ng rekord ng pamamahala ng tao sa loob ng mga dantaon ang pagpapahintulot dito na manatili? O ang pagtimbang kaya rito sa timbangang panghatol ng Diyos ay nagpapakita na dapat na itong alisin? Kung gayon, ano ang maihahalili rito?

Daragdagan ng mga serye ng artikulong “Tinimbang ang Pamamahala ng Tao” ang iyong kaalaman tungkol sa gobyerno. At pupunuin ka nito ng pag-asa sapagkat ikaw ay may lahat ng dahilan na maging optimistiko. Parating na ang mas mabuting gobyerno. At higit sa lahat, maaari kang mabuhay upang tamasahin ito!

[Mga larawan sa pahina 9]

Kung ang rekord ng pamamahala ng tao ay hahatulan sa hukuman ng Diyos, maging mabuti kaya ang hatol ng Diyos?

[Credit Line]

WHO photo/PAHO ni J. Vizcarra

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share