Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 9/22 p. 21-23
  • Paano Ako Susulong sa Espirituwal?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ako Susulong sa Espirituwal?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Linangin ang Gana sa Espirituwal
  • Nakayayamot na mga Pag-aalinlangan
  • Pagtatakda ng Espirituwal na mga Tunguhin
  • Pag-abot sa Iyong mga Tunguhin
  • Mga Kabataan—Sumusulong ba Kayo sa Espirituwal?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Kabataan—Abutin ang Kapakipakinabang na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Mga Kabataan—Ano ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Gamitin ang Espirituwal na mga Tunguhin Upang Luwalhatiin ang Iyong Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 9/22 p. 21-23

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ako Susulong sa Espirituwal?

“Nang magsimba ako, ako ay talagang nalito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, kaya huminto na ako ng kasisimba. Sa palagay ko hindi mo kailangang mapabilang sa anumang relihiyon upang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos.”​—Disisiete-anyos na si Carrie.

BAKIT ba napakaraming kabataan ang lumalayo sa simbahan? Sa isang surbey na isinagawa ng tagasurbey na si George Gallup, ibinigay ng mga kabataan ang sumusunod na dahilan: ‘Ang mga sermon ay nakababagot.’ ‘Hindi nila itinuturo ang tungkol sa Diyos o ang Bibliya.’ ‘Lagi silang nanghihingi ng pera.’ ‘Ang mga simbahan at mga nagsisimba ay hindi namumuhay sa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan.’ Maliwanag, hindi napalakas ng simbahan ang espirituwalidad ng mga kabataan.

Ngunit nais mo bang “manghawakang mahigpit sa walang-hanggang buhay”? (1 Timoteo 6:12) Nais mo bang igalang bilang isang maygulang na Kristiyano, isa na mapagkakatiwalaan ng pananagutan? Nais mo ba ang pribilehiyo na maging isa sa “kamanggagawa ng Diyos” sa pagtulong sa iba na magkamit ng buhay na walang-hanggan? (1 Corinto 3:9) Kung gayon dapat kang sumulong sa espirituwal! Sa pakikisama sa mga Saksi ni Jehova, natatamasa mo ang mga pakinabang na hindi taglay ng mga kabataan sa Sangkakristiyanuhan. Ikaw ay dumadalo sa mga pulong sa Kingdom Hall, kung saan ibinibigay ang matatag na mga tagubilin ng Bibliya. Ikaw ay tumatanggap ng personal na atensiyon mula sa iyong mga magulang sa pamamagitan ng isang pampamilyang pag-aaral ng Bibliya. Ikaw ay regular na nakikisama sa mga taong masikap na ikinakapit ang Bibliya sa kanilang buhay. Gayumpaman, kung ikaw ay susulong sa espirituwal, higit pa ang kailangan. Gaya ng pagkakasabi rito ni apostol Pedro, dapat kang gumawa ng “buong pagsisikap.” (2 Pedro 1:5) Tingnan natin kung ano ang nasasangkot sa paggawa ng gayon.

Linangin ang Gana sa Espirituwal

Sabi ni Jesus: “Maligaya yaong palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Sa orihinal na Griego, ang pariralang ito ay literal na tumutukoy “sa mga nagpapalimos ng espiritu.” Tulad ng isang hikahos na pulubi na alam na alam ang kaniyang pangangailangan para sa pisikal na pagkain, ikaw ay dapat na maging palaisip sa iyong pangangailangan sa pagkaing espirituwal. Sabi ni Jesus: “Ito ang buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at kay . . . Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Karamihan ng mga kabataan ay walang gaanong ginagawa upang punan ang kanilang espirituwal na pangangailangan. Ganito ang sabi ng aklat na The Psychology of Adolescence tungkol sa karaniwang kabataan: “Ang kaalaman niya tungkol sa kaniyang relihiyosong paniniwala ay malamang na mababa, bagaman ang kaniyang pagkabahala at interes sa relihiyon ay lubhang mataas.” Sa isang pag-aaral isang pangkat ng mga kabataan ang tinanong ng isang daang tanong tungkol sa Bibliya. Ang karaniwang kabataan ay nakasagot lamang ng 17. Sa isa pang surbey, pito sa sampung tin-edyer ang hindi masabi ang apat na Ebanghelyo.

Kumusta ka naman? Gaano ka kaseryoso sa pag-aaral ng Bibliya? Mapabubulaanan mo ba ang maling mga turo, gaya ng Trinidad at ang pagkawalang kamatayan ng kaluluwa? Mapatutunayan mo ba mula sa Kasulatan na may pag-asang buhay na walang-hanggan kapuwa sa langit at sa lupa? Mapatutunayan mo bang tayo ay nabubuhay na sa “mga huling araw” sapol noong 1914? (2 Timoteo 3:​1-5) O ikaw ba’y “kailangan na namang turuan buhat sa pasimula ng mga panimulang aralin ng banal na salita ng Diyos”?​—Hebreo 5:12.

Kung gayon ang kalagayan, kailangan mong “magnasa nang may pananabik sa gatas na walang daya na ukol sa salita, upang sa pamamagitan nito ay magsilago kayo sa ikaliligtas.” (1 Pedro 2:2) Mangangailangan ng malaking pagsisikap sa umpisa. Subalit mientras seryoso ka sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, lalong lalago ang gana mo sa espirituwal na mga bagay.

Nakayayamot na mga Pag-aalinlangan

Isang 19-anyos na nagngangalang Kevin ay nagsasabi: “Talagang hindi ko alam kung saan ako relihiyosong nakatayo ngayon. Talagang nalilito ako tungkol sa lahat ng bagay.” Ganito ang nadarama ng maraming kabataan sa Sangkakristiyanuhan. Ngunit maaari kayang ang iyong espirituwal na pagsulong ay nahahadlangan ng nakayayamot na mga pag-aalinlangan?

Halimbawa, kumbinsido ka bang ang pamumuhay ayon sa mga pamantayang-asal ng Bibliya ang pinakamagaling na paraan ng pamumuhay? O nasusumpungan mo bang ikaw ay ‘nananaghili sa mga balakyot’? (Awit 73:3) Kumbinsido ka bang tayo’y nabubuhay na sa mga huling araw? O ikaw ba’y balisang nagpaplano ng isang karera sa sistemang ito ng mga bagay? Naniniwala ka bang ang Bibliya ay kinasihang Salita ng Diyos? O ikaw ba kung minsan ay nag-iisip kung baga pinabubulaanan ito ng siyentipikong mga teoriya? Kung ikaw ay pinahihirapan ng mga pag-aalinlangan, tandaan ang sinasabi ng Bibliya sa Santiago 1:6: “Ngunit siya’y patuloy na huminging may pananampalataya, na walang anumang pag-aalinlangan, sapagkat siyang nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinataboy ng hangin at ipinapadpad sa kung saan lamang.” Ang mga pag-aalinlangan may kaugnayan sa pananampalataya ng isa ay maihahambing din sa mga butas sa katawan ng barko. Mientras mas malaki ang butas, mas malamang na lulubog ang barko.

Nangangahulugan ba ito na ang iyong pananampalataya ay “lulubog” kung paminsan-minsan ikaw ay may di-masagot na mga katanungan? Hindi naman. Subalit kung ikaw ay may nakayayamot na mga pag-aalinlangan, dapat kang magpagal upang lutasin ito. Halimbawa, kung may alinlangan ka tungkol sa pagbili ng isang bagong pantalon, hindi mo ba susuriing maingat ang kasuotan, sinusuri ang pagkakagawa nito, ang tela, at ang presyo bago ka magpasiya? Sa gayunding paraan, karamihan ng mga pag-aalinlangan ay maaaring malutas sa paggawa ng maingat na pagsusuri sa Bibliya o sa pamamagitan ng pakikipag-usap nito sa isang maygulang, may kabatirang Kristiyano.a Sabi ng Kawikaan 15:14: “Ang maunawaing puso ay siyang humahanap na kaalaman.”

Pagtatakda ng Espirituwal na mga Tunguhin

Ang apostol Pablo ay nagsabi sa binatang si Timoteo: “Bulaybulayin mo ang mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito, upang ang iyong pagsulong ay mahalata ng lahat ng tao.” Pansinin, gayunman, na hindi pinabigatan ni Pablo si Timoteo ng ilang di-makatotohanang mataas, di-maabot na tunguhin. Binigyan niya si Timoteo ng espisipiko, makatotohanang mga tunguhin na aabutin: “Ikaw ay maging halimbawa sa nagsisisampalataya, sa pananalita, sa ugali, sa pag-ibig, sa pananampalataya, sa kalinisang-puri.”​—1 Timoteo 4:​12-15.

Gaya ni Timoteo, kailangan mong magtakda ng espirituwal na mga tunguhin na makatotohanan, naaabot. Halimbawa, isip-isipin na ikaw ay nagpasiyang mag-aral na magluto. Anong laking kabiguang magsikap na maging dalubhasang kusinero sa loob lamang ng magdamag! Gayunman, maaari ka ring maging dalubhasa sa pagluluto nang unti-unti​—marahil ay sa pag-aaral munang magluto ng mga gulay at pagkatapos ay sa pagluluto ng mga karne, tinapay, casseroles, o masasarap na himagas. Gayundin naman, mas madali mong maabot ang iyong pangmatagalang tunguhin sa espirituwal na pagkamaygulang kung gagawin mo ito sa pamamagitan ng katamtamang mga tunguhin o hakbang. Ang mga ito ay maaaring magsilbing palatandaan ng iyong espirituwal na pagsulong. Tuwing matagumpay na matatapos mo ang isang hakbang, napatitibay mo ang iyong pagtitiwala-sa-sarili. Ito ang maaaring mag-udyok sa iyo na gawin ang susunod na hakbang.

Pag-abot sa Iyong mga Tunguhin

Ngayon tingnan natin ang ilang tunguhin na maaari mong itakda. Halimbawa, nabasa mo na ba ang buong Bibliya? Oo, ang Bibliya ay isang malaking aklat, ngunit bakit hindi mo bahaginin ang pagbasa dito sa maliliit na bahagi? (Ang katamtamang tao sa Estados Unidos ay kumakain ng mahigit na 640 kilo ng pagkain sa bawat taon. Subalit sino ba ang kakain ng lahat ng iyan nang minsanan?) Ang “mararangal” na mga taga-Berea ay ‘maingat na sinusuri ang mga Kasulatan sa araw-araw.’ (Gawa 17:11) Kung susundin mo ang isang pang-araw-araw na iskedyul ng pagbabasa mga 15 minutos lamang isang araw​—halos kasintagal ng pakikinig sa limang popular na awitin sa radyo—​matatapos mo ang pagbabasa sa Bibliya sa loob ng isang taon.

Maaaring magtakda ka rin ng tunguhin na pagbasa sa bawat labas ng mga magasing Bantayan at Gumising! Ang mahusay na impormasyon doon ay tiyak na magpapabilis sa iyong espirituwal na pagsulong. Kung hindi mo pa nagagawa, maaari mo ring gawing tunguhin na katawanin ang isang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova bilang isang di-bautismadong mamamahayag. Ito’y nagsasangkot ng regular na pakikibahagi sa bahay-bahay na gawaing pangangaral at pag-uulat ng gawaing iyon buwan-buwan. Maaari mong ipakipag-usap kung paano magiging kuwalipikado para sa pribilehiyong ito sa iyong mga magulang o sa lokal na mga matatanda sa kongregasyon.

Ang iba pang posibleng espirituwal na mga tunguhin? Ang pagiging maingat at maygulang sa iyong pag-iisip. (Hebreo 5:14) Ang paglinang ng bawat bunga ng espiritu. (Galacia 5:​22, 23) Pagpapahusay sa kalidad ng iyong mga panalangin. (Filipos 4:6) Pagpapakita ng higit na paggalang sa pagkaulo ng iyong mga magulang. (Efeso 6:1) Pagiging mas sanay sa pagtatanggol ng iyong pananampalataya. (1 Pedro 3:15) Ang mga tunguhing ito ay praktikal at naabot!

Gayunman, tandaan na hindi sapat ang magtakda ng mga tunguhin. Dapat mong itaguyod ito! Gaya ng sabi ng dating punong ministrong Britano na si Benjamin Disraeli: “Ang sekreto ng tagumpay ay ang pagiging patuluyan ng layunin.” Oo, linangin ang gana sa espirituwal. Magtakda ng espirituwal na mga tunguhin. Magpakita ng pagkapalagian sa pagtaguyod dito. Ito ay tiyak na magbubunga ng espirituwal na pagsulong.b

[Mga talababa]

a Ang mga aklat na Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao? at Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.) ay makatutulong sa iyo na sagutin ang mga tanong mo tungkol sa pagkasi sa Bibliya.

b Tatalakayin ng mga artikulo sa hinaharap ang iba pang aspekto tungkol sa paksang ito.

[Larawan sa pahina 23]

Ang pag-iiskedyul ng ilang minuto sa pagbabasa ng Bibliya araw-araw ay isang paraan upang pasulungin ang iyong espirituwal na pagsulong

Hindi sapat ang magtakda ng mga tunguhin. Dapat mong itaguyod ito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share