Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 3/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • “Gumawi Kayo Ayon sa Asal na Karapatdapat sa Mabuting Balita”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Pagpapaunlad ng Asal Kristiyano sa Daigdig ng mga Pangit ang Asal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Bakit Dapat Akong Magkaroon ng Mabuting Asal?
    Gumising!—1985
  • Mabuting Asal—Isang Katangian ng Makadiyos na mga Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 3/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Masasamang Asal Sa abot ng aking maaalaala, ako’y nagpakita ng masasamang asal. May mga pagkakataon noon na ipinagmayabang ko ang hindi ko pagpapahayag ng paggalang at konsiderasyon, gaya ng “Salamat,” “Patawarin mo ako,” at “Ikinalulungkot ko.” Pagkatapos ay nabasa ko ang artikulong “Ang Pagkabulok ng Magandang Asal” at ang mga bahagi ng Bibliya na sinipi roon. (Hulyo 22, 1994) Natutuhan ko na ang Diyos ay laging may mabuting asal kapag siya’y nakikitungo sa mga nakabababa sa kaniya, kalimitang nagsasabi pa ng “pakisuyo” sa kaniyang mga kahilingan. Talagang nabigla ako na makita ito sa Bibliya. Nagpakilos ito sa akin na tularan ang Diyos. Maraming, maraming salamat sa inyo.

M. E. J., Nigeria

Totoong pinahalagahan ko ang artikulo. May malapit na kaugnayan ang magandang asal sa paggalang sa karapatan at ari-arian ng iba. Kung minsan kapag ikaw ay nag-aanyaya sa iyong mga kaibigan, inaakala ng kanilang mga anak na malaya nilang magagawa ang kanilang naisin​—nagpupunta sa iba’t ibang kuwarto, nagbubukas ng mga drawer at refrigerator, at iba pa.

G. W., Estados Unidos

Ang bawat pangungusap sa artikulo ay mahalaga. Ito talaga ang kailangan ko upang turuan ang aking dalawang tin-edyer na anak na lalaki. Natutuhan ko na napakaraming detalye ang saklaw ng magandang asal na hindi ko naituro sa aking mga anak. Ngayon ay alam ko na ang magandang mga detalyeng ito at kung paano ikakapit ang mga ito.

P. H., Estados Unidos

Mga Subway sa Moscow Kamakailan ay nabasa ko ang tungkol sa “Ang Kaakit-akit na mga Palasyo ng Moscow sa Ilalim ng Lupa.” (Hunyo 22, 1994) Talagang gusto kong maglakbay sa ibang bansa, at nasumpungan ko na ang pagbabasa ng gayong mga artikulo ay para bang nagpadama sa akin na ako’y naroroon.

J. H., New Zealand

Ako’y nakadalaw sa Moscow samantalang dumadalo ako sa kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova kamakailan. Ginugol ko ang maraming oras sa pagsakay sa Metro. Hindi ko nababatid noon na ang nakikita ko pala ay ang pinakamaganda at pinakanangunguna sa mga subway sa daigdig. Kaya talagang nasiyahan ako sa artikulo.

P. M., Finland

Mga Sniper? Sa artikulong “Mga Alaala Ko Bilang Isang Mananalaysay ng Militar,” inilarawan ng manunulat ang pagpasok sa Paris pagkatapos ng paglaya nito sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig II. (Abril 22, 1993) Sinabi niyang siya’y nabaril ng Alemang mga sniper at lumabas siya sa kaniyang jeep nang ilang ulit upang manganlong​—at ito’y naganap sa pinakabantog na kalye sa Paris! Ang Paris ay hindi kailanman “pinalaya” kundi isinuko nang walang laban ng Alemang kumander na si Dietrich von Choltitz, na sumalungat sa kaayusan at katiwasayan.

A. W., Italya

Inilahad ng awtor ang kaniya mismong sariling karanasan, isang paggunita na pinatunayan ng ibang mga nakasaksi at mga mananalaysay. Halimbawa, sa aklat na “Liberation,” kinilala ng mananalaysay ng militar na si Martin Blumenson, na bagaman sinuway ni von Choltitz ang mga kautusan ni Hitler na sunugin nang lubusan ang Paris, matinding labanan ang naganap sa pagitan ng mga sundalong Aleman at ng mga hukbo ng Pransiya at E.U. sa mga panahon bago ng kaniyang pagsuko. Kung tungkol naman sa labanan sa Champs Élysées​—“ang pinakabantog na kalye sa Paris”​—ito rin ay pinatunayan ng ibang mga mananalaysay. Tingnan ang “Six Armies in Normandy​—From D-Day to the Liberation of Paris,” ni John Keegan.​—ED.

Usapin sa Medikal Ako’y 12 taóng gulang. Nabasa ko ang artikulo na “Hindi mga Mahiko ni mga Diyos.” (Mayo 8, 1994) Natutuwa akong makita ang isang Kristiyano na talagang napakabata na gaya ko na nanindigan sa mga doktor at seruhano sa ospital at ‘umiwas sa dugo.’​—Gawa 15:20.

P. M. H., Estados Unidos

Ako’y 19 na taóng gulang. Anong laking pampatibay sa aking pananampalataya na mabasa ko ang karanasan ni Mercy Uwasi! Ipinabatid nito sa akin ang bagay na ang katapatan kay Jehova ay hindi nakasalig sa edad ng isang tao kundi sa malalim na pag-ibig ng isa sa kaniya. Ito’y nagpangyari sa akin na maging mas determinado higit kailanman na panatilihin ang aking katapatan kay Jehova.

S. M., Timog Aprika

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share