Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 10/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Autismo—Pagharap sa mga Hamon ng Isang Nakalilitong Karamdaman
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 10/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pakikipag-usap Salamat sa artikulong “Ang Pakikipag-usap ay Isang Sining.” (Abril 8, 1995) Matagal ko nang pinagpupunyagian ang pagiging mahiyain ko. Subalit nababatid ko na sa ngayon na hindi lamang ako ang tao na may ganitong problema. Sisikapin kong ikapit ang inyong mga mungkahi.

A. L., Estados Unidos

Ang inyong mungkahi na basahin ang mga artikulo ng Ang Bantayan at Gumising! ay talagang mabisa. Talagang magugulat kang malaman kung gaano karami ang mapag-uusapan kapag ginawa mo!

V. M. J., Estados Unidos

Kampong Piitan Isang kasama ko ang nakabasa ng artikulong “Ang Aking Poot ay Nauwi sa Pag-ibig.” (Enero 8, 1995) Sinasabi niya na kabaligtaran sa sinabi ng artikulo, walang karatulang “Arbeit Macht Frei” (Nagpapalaya ang Trabaho) sa kampo ng Buchenwald.

H. J. Z., Alemanya

Ipagpaumanhin ninyo ang pagkakamali. Ang karatula sa pasukan ng Buchenwald ay makikita pa rin hanggang sa ngayon, at ganito ang talagang mababasa “Jedem das Seine” (Bawat Isa’y Tatanggap ng Ayon sa Nararapat sa Kaniya). Ang mga kampo ng Auschwitz at Sachsenhausen ang may taglay ng karatulang “Arbeit Macht Frei.”​—ED.

Autismo Maraming salamat sa artikulong “Autismo​—Pagharap sa Hamon ng Isang Nakalilitong Karamdaman.” (Pebrero 8, 1995) Sa wakas, naunawaan ko ang sakit na nagpapahirap sa aking anak na babae at nabatid ko na hindi ito bunga ng bagay na ginawa ko sa pagpapalaki sa kaniya. Ang aking paglilingkod kay Jehova ang nagbibigay ng lakas sa akin na pakitunguhan ang kaniyang kalagayan.

M. H., Switzerland

Napakaraming pamahiin ang ipinalalagay na bunga ng autismo, gaya ng isang sumpa mula sa mga ninuno o kabayaran ng nakalipas na mga gawa. Ang inyong isinulat ay makatutulong sa paglikha ng mas mabuting pagkaunawa sa sakit na ito. Salamat sa gayong nakapagtuturong mga artikulo.

M. A., Nigeria

Mga Orkid Napakahilig ko sa orkid! Sa katunayan, may mga orkid ako sa aking halamanan at koleksiyon ng mga larawan nito. Salamat sa paglalathala ng artikulong “Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa.” (Enero 22, 1995) Inaasahan ko na hindi ito ang huling artikulo na inyong ilalathala hinggil sa paksang ito.

R. M., Pilipinas

Ligtas na Pagmamaneho Ako’y nasa kalagitnaan ng edad na 40 at hindi ako kailanman pinahintulutan na magmaneho dahil sa epilepsiya. Pagkatapos ng operasyon sa utak, pinahintulutan ako ng aking neurologo na mag-aplay para sa lisensiya sa pagmamaneho! Nakatulong ang artikulong “Ikaw ba’y Isang Maingat na Tsuper?” (Pebrero 8, 1995) na pahalagahan ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang saloobin habang nagmamaneho. Dumating ito sa tamang panahon pagkatapos kong makuha ang aking lisensiya!

G. S., Estados Unidos

Di-mapatatawad na Kasalanan Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ako ba’y Nakagawa ng Di-mapatatawad na Kasalanan?” (Nobyembre 8, 1994) Napaluha ako habang binabasa ko ito sapagkat ako’y nakikipagpunyagi sa di-mabuting ugali ng masturbasyon. Sinunod ko ang mga halimbawa nina Marco at Alberto, binanggit sa artikulo, na kapuwa naglakas-loob na makipag-usap sa isang elder. Malaki ang naitulong nito sa akin.

A. M. C., Brazil

Ang masturbasyon ang pinakamahirap na pinagpupunyagian ng isang kabataang Kristiyano. Maraming ulit akong nakadama ng pagkamiserable at pagkasira ng loob. Hinimok ako ng artikulo na patuloy na magpunyagi upang mapagtagumpayan ito.

F. G. M., Mexico

Ako’y nasangkot sa malaswang paggawi sa kabataang lalaki na inaasahan kong pakakasalan ko; sinira nito ang aming relasyon. Labis akong nanlumo at maraming araw at gabi na ako’y umiiyak. Talagang inakala ko na hindi na ako mapatatawad. Ang pagbabasa ng mga artikulong ito ang nagsauli ng aking pananampalataya kay Jehova at sa kaniyang kakayahan na magpatawad at lumimot.

L. C., Australia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share