Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/22 p. 25
  • Ang Malakas na “Lammergeier”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Malakas na “Lammergeier”
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Buwitre
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Buto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Bundok ng Dragon—Maganda Ngunit Mapanganib
    Gumising!—1988
  • Mga Inspektor Pangkalinisan sa Himpapawid
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/22 p. 25

Ang Malakas na “Lammergeier”

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

ANG lammergeier ay isang maringal na ibon, na ang sukat ng taas ay sandaan at dalawampung centimetro mula sa tuka hanggang sa buntot. Makikita ito na pumapailanlang na tila walang kapagud-pagod na ang lapad ng mga pakpak nito ay tatlong metro sa mga kabundukan ng Europa at Aprika at, kung minsan, sa taas na hanggang walong kilometro sa mga bundok ng Himalaya. Ang maringal na nilalang na ito, na may kulay dalandan na dibdib at leeg at itim-at-puting ulo, ay may mahahabang balahibo na nakalawit sa ibabang tuka nito. Ito ang pinagmulan ng iba pa nitong pangalan, ang may balbas na buwitre. Dahil sa ito’y nakatira sa liblib at tiwangwang na lugar, anong pagkain ang hinahanap nito upang mapakain ang sarili nito?

Ang ilang reperensiyang aklat ay nagsasabi na ang lammergeier ay naninila ng buháy na mga nilalang​—chamois, tupa, batang kambing, kuneho, at maliliit na hayop na apat ang paa​—subalit hindi sumasang-ayon ang ibang awtoridad. “Walang nagpapatunay na ulat tungkol sa ibon na ito na nandaragit ng buháy na hayop,” sabi ng The World Atlas of Birds, bagaman kilala ito na kumakain ng mabuhok na bilug-bilog na bagay na iniluwa ng ibang ibon, na ang lahat ng laman ay natunaw na. Kung gayon ano ang kinakain nito?

Dinadala ng lammergeier sa pagkatataas na lugar ang mga buto ng hayop na napatay ng mga nakasila o namatay sa ibang paraan at inihuhulog ang mga buto sa mga batuhan sa ibaba. Ipinalalagay lagi na binabasag nito ang mga buto tanging sa ganitong paraan upang makuha ang utak ng buto. Ngayon, kasunod ng masusing pagsusuri sa buháy at patay nang mga ispesimen ng ibon, nagbigay ang mga mananaliksik mula sa Glasgow University sa Scotland ng ibang paliwanag, ulat ng The Economist.

Nilululon ng lammergeier ang mga buto nang pira-piraso na kasinlalaki ng dalawampu’t limang centimetro por apat na centimetro. Subalit, natuklasan ng mga mananaliksik, sa laki ng kanilang pagkagulat, na ang ibon ay walang pantanging sistema ng panunaw, gaya ng balumbalunan, upang makayanan ang mahirap tunawin na pagkain nito. Ang tanging di-pangkaraniwang bahagi ay ang labis na nababanat na lalagukan na nagpapangyari sa mga labí ng buto na dumaan. Gayunman, ang tiyan ng lammergeier ay marami pang ipinakikita.

Nagulat ang mga siyentipiko na matuklasan sa tiyan ang napakaraming selula na naglalabas ng di-pangkaraniwang matapang na asido​—mas matapang pa sa asido ng baterya​—na tumutunaw ng kalsiyum ng buto, sa gayo’y napalalabas ang protina at ang taba ng utak ng buto. Ang pagkaing ito ay naglalaan ng higit na kalori kaysa pagkain na kasintimbang ng laman. Ang higit na nakagugulat pa ay ang bagay na ang mga enzyme sa panunaw ay natuklasan sa gayong maasidong kalagayan. Kaya ngayon ang hiwaga kung paano nabubuhay ang malakas na nilalang na ito sa gayong kakaunting pagkain ng 90 porsiyentong buto ay nalutas na​—isa pang kamangha-manghang bagay ng paglalang.

[Picture Credit Line sa pahina 25]

© Nigel Dennis, Photo Researchers

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share