Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Hamon ng Pamumuhay na May Tourette Syndrome
    Gumising!—1995
  • Dapat ba Akong Magpunta sa mga Konsiyertong Rock?
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Konsiyertong Rock Sa palagay ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat ba Akong Magpunta sa mga Konsiyertong Rock?” (Disyembre 22, 1995) ay medyo may kinikilingan. Pumunta ako sa isang konsiyertong rock kasama ng aking ina. Sila’y dati nang banda, at mahusay naman ang ikinilos ng mga manonood. Subalit hindi man lamang itinampok ng artikulo ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang disenteng konsiyerto.

S. A., Estados Unidos

Totoo namang nagtuon ng pansin ang artikulo sa posibleng mga panganib sa mga konsiyertong rock. Gayunman, hindi naman kami gumawa ng panlahatang paghatol sa pagpunta sa gayong okasyon. Sinabi namin sa mga mambabasa: “Kung iniisip mong magpunta sa isang konsiyerto, alamin ang mga totoong bagay.” Kaya ang impormasyon ay ibinigay upang makatulong sa mga kabataan at sa kanilang mga magulang na makapagpasiya nang timbang.​—ED.

Ibig ko kayong pasalamatan sa artikulo. Halos mga linggo lamang bago ko tinanggap ang magasin, marami sa amin ang nagpunta sa isang konsiyerto. Napakagulo niyaon, at marami sa mga naroon ang lasing; hindi iyon ang lugar para sa mga Kristiyano. Talagang nagkaroon ako ng leksiyon at inaasahan ko na gayundin ang iba.

M. E., Estados Unidos

Costa Rica Ibig ko lamang linawin ang may kinalaman sa artikulong “Costa Rica​—Maliit na Bansa, Sagana sa Pagkakasari-sari.” (Hulyo 8, 1995) Sinabi ninyo na “halos 27 porsiyento ng lupain ay iniingatan, ang pinakamalaking bahagi sa anumang bansa sa daigdig.” Gayunman, ayon sa World Almanac, naibukod ng Ecuador ang halos 40 porsiyento ng kabuuang lupain nito para sa konserbasyon.

M. E., Ecuador

Salamat sa pagbibigay-linaw.​—ED.

Mali Napaiyak ako sa kagalakan nang mabasa ko ang artikulong “Unang Pangyayari sa Mali.” (Disyembre 22, 1995) Ang espiritu ng pagtutulungan ng inyong mga miyembro sa Mali ay nakapagpapatibay ng pananampalataya. Nakipag-ugnayan ako sa mga Saksi ni Jehova upang magpasimulang magturo sa akin sa Bibliya. Determinado ako na makisama sa inyong mga miyembro sa pagsamba sa Diyos.

D. C. A., Nigeria

“Tourette Syndrome” Ibig kong ipahayag ang aking pasasalamat sa inyong artikulo na “Ang Hamon ng Pamumuhay na May Tourette Syndrome.” (Disyembre 22, 1995) Ang mga sintomas ko ay nawala pagkatapos ng aking pagbibinata. Subalit hindi lahat ay gayong kapalad. Magiging mahalagang tulong ang artikulong ito para sa gayong mga tao at sa kani-kanilang pamilya.

Y. L., Pransiya

May kilala akong kabataang lalaki na mayroon nito, at hanggang sa ngayon ay iniiwasan ko siya dahil nahihiya akong makasama siya. Hindi ko kailanman natanto na higit niyang ikinahihiya ito kaysa sa akin!

P. M., Italya

May ganito akong sakit sapol nang ako’y limang taon, at talagang nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa akin. Mayroon akong pagkibot ng kalamnan at gulung-gulungan. Hindi maunawaan ng aking mga magulang ni ako man kung bakit nangyari ang mga pagkibot na ito; sila’y nag-aalala na baka may diperensiya ang kanilang pagpapalaki sa akin. Ako’y nanalangin kay Jehova na tulungan akong maunawaan ito, at sinagot niya ang aking panalangin sa pamamagitan ng artikulong ito. Lubos akong napatibay-loob na makabasa ng mga karanasan ng iba sa gitna ng mga Saksi ni Jehova na may ganito ring sakit.

Y. K., Hapón

Ako yata’y namuhay sa ganitong kalagayan halos sa buong buhay ko, pero sapol lamang noong 1983 nang aking napag-alaman kung ano ito. Nang ako’y bata pa, kalimitang pinagtatawanan ako ng iba. Subalit ang mga kapatid na lalaki at babae sa Kingdom Hall ay laging napakamapagmahal at tinanggap ito bilang bahagi ko. Nang maglaon, ako’y umibig sa isang Kristiyanong kabataang lalaki. Alam na alam niya ang aking problema. Bagaman inakala noon ng aking ama na hindi magtatagal ang aming pagsasama, natutuwa akong sabihin na pagkalipas ng 30 taon kami ay maligaya pa ring nagsasama bilang mag-asawa. Lagi akong pinakikitunguhan ng aking asawang lalaki na gaya ng isang ginto at hindi niya kailanman ikinagambala o ikinahiya ang aking problema.

F. H., Canada

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share