Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 9/22 p. 24-25
  • Ang Pagmamahal ng Isang Ina sa Kaniyang mga Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagmamahal ng Isang Ina sa Kaniyang mga Anak
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • “Ngayon Lang May Nagmahal sa Akin Nang Ganito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Natupad Ko Na ang Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Isang Tunay na Anak ni Sara
    2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 9/22 p. 24-25

Ang Pagmamahal ng Isang Ina sa Kaniyang mga Anak

SIYA’Y isa lamang ligaw, maikli ang balahibo, walang pangalang pusa na may limang kuting, na nagsisikap mabuhay sa maruruming lansangan sa East New York. Nakatira siya sa giba-gibang abandonadong garahe na nakahantad sa maraming kahina-hinalang sunog. Ginalugad niya ang purok para sa mga tira-tira sa basura na posibleng maipakakain niya sa kaniyang lumalaking mga kuting.

Nabago halos ang lahat ng ito noong 6:06 ng umaga ng Marso 29, 1996. Isang kahina-hinalang sunog ang mabilis na lumamon sa garahe. Ang bahay ng pamilya ng pusa ay nagliliyab. Kumilos ang Ladder Company 175 at hindi nagtagal ay naapula ang sunog. Narinig ng isa sa mga bombero, si David Giannelli, ang iyak ng mga kuting. Natagpuan niya ang tatlo sa kanila sa labas lamang ng gusali, ang isa ay halos nasa dulo na ng daan sa kabilang lansangan, at ang ikalima ay nasa bangketa. Napakabata pa ng mga kuting upang makatakas sa ganang sarili nila. Napansin ni Giannelli na ang sunog ng bawat isang kuting ay palala nang palala, yamang ang ilan ay kailangang maghintay nang mas matagal para iligtas habang isa-isa silang inilalabas ng inang pusa.

Ang pangyayari na nasa Daily News ng New York noong Abril 7, 1996, ay nag-ulat nang ganito tungkol sa kinaroroonan ng ina at sa pangangalaga nito: “Natuklasan ni Giannelli ang ina na namimilipit dahil sa kirot sa kalapit na bakanteng lote, at nadurog ang puso niya sa kaniyang nakita. Ang talukap ng mata nito ay nakapikit sa pamamaga dahil sa usok. Ang sapin ng kaniyang mga paa ay nasunog nang husto. May nakapangingilabot na mga sunog sa kaniyang mukha, tainga, at binti. Nakasumpong si Giannelli ng isang kahon. Dahan-dahan niyang inilagay ang inang pusa at ang mga kuting sa loob. ‘Hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata,’ sabi ni Giannelli. ‘Subalit hinipo niya ang mga kuting nang isa-isa sa pamamagitan ng paa nito, binibilang sila.’”

Nang sila’y makarating sa North Shore Animal League, walang katiyakan ang kalagayan. Ganito ang pagpapatuloy ng ulat: “Ginamitan ng mga gamot upang labanan ang shock. Ikinabit ang tubong pang-ugat na may lamang antibayotik sa matapang na pusa. Ang mga kremang antibayotik ay dahan-dahang ikinalat sa kaniyang sunog. Pagkatapos ay inilagay siya sa isang kulungang tangke ng oksiheno upang matulungan siya sa paghinga habang pigil-hininga ang buong tauhan sa animal league . . . Sa loob ng 48 oras, ang magiting na babaing pusa ay nakauupo na. Nabuksan na ang namamagang mga mata nito at walang nasumpungang pinsala ang mga doktor.”

Huminto ka at mag-isip. Saglit na ilarawan mo sa iyong isip ang magiting na inang ito, na may likas na pagkatakot sa apoy, ngunit sinuong ang gusaling makapal ang usok at nasusunog upang iligtas ang kaniyang nag-iiyakang mga anak. Ang pumasok nang minsan upang bitbitin ang kaniyang maliliit na walang kakayahang mga kuting ay hindi kapani-paniwala; ang gawin ito nang limang ulit, sa bawat pagkakatao’y taglay ang kirot ng karagdagang mga sunog sa mga paa at mukha nito, ay kay hirap isipin! Ang matapang na hayop ay binansagang Scarlett dahil ang ipinakitang mga sunog sa balat ay scarlet, o pula.

Nang maibalita agad ang makabagbag-damdaming salaysay na ito tungkol sa pagmamahal ng ina sa kaniyang mga anak sa buong mundo mula sa North Shore Animal League, walang tigil ang tawag sa telepono. Mahigit na 6,000 katao mula sa kasinlayo ng Hapon, Netherlands, at Timog Aprika ang tumawag upang magtanong tungkol sa kalagayan ni Scarlett. Halos 1,500 ang nag-alok na ampunin si Scarlett at ang kaniyang mga kuting. Isang kuting sa dakong huli ang namatay.

Naantig ni Scarlett ang puso ng mga tao sa buong mundo. Mapag-iisip ka nito kung ang mga puso ng milyun-milyong ina sa ngayon na nagpalaglag ng kanilang mga anak habang nasa sinapupunan pa ang mga ito o pinatay karaka-raka pagkasilang, dahil sa pag-abuso, ay hindi kaya nabagbag ng halimbawa ng buklod sa pagitan ng ina at ng kaniyang mga anak na ipinakita ni Scarlett.

[Picture Credit Line sa pahina 24]

North Shore Animal League

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share