Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 12/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panghihinayang sa Pagkawala ng Mabubuting Asal
  • Panganib ng “Cellular Phone”
  • Nag-aaral ng Karate ang mga Madre
  • Nililinis ng Sinag ng Araw ang Tubig
  • Maiigting na mga Bata
  • Pananatiling Matalas ang Isip Nang Mas Matagal
  • Sinalot ang India ng “Buffalo Pox”
  • Isa na Namang Maling Hudyat
  • Bagong Kanal ng Tubig
  • Ang Kahalagahan ng “Pi”
  • Isang Lubhang Mahalaga at Mahirap Ipaliwanag na Numero
    Gumising!—2000
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1987
  • Wado-Kai Karate—Ang Tunay na “Daan ng Pagkakasundo”?
    Gumising!—1985
  • Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 12/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Panghihinayang sa Pagkawala ng Mabubuting Asal

‘Ang kagaspangan, kawalang-galang, kasalaulaan o labis-labis na pananamit, pagmumura, pandaraya, at pagmamalupit ay nagpangyari sa buhay na walang-katiyakan, hindi madali, at hindi kaayaaya,’ ulat ng The Times ng London. Ang nangungunang salik sa kagaspangan ng pag-uugali sa ilang bansa ay ang sadyang pagpapabaya sa personal na hitsura. “Ang balat na mga diyaket, panali sa ulo na ginagamit ng mga gerilya, mga ilong na binutasan, mga balat na bota na punung-puno ng adorno at nakasusuklam na disenyo ng tatu ay mga kapahayagan ng pakikipaglaban,” sabi ni Athena Leoussi, ng Reading University. Ang gayong pananamit ay maliwanag na tanda ng pagkamuhi sa ibang tao, ayon kay Leoussi. Sinasabi ng The Times na ‘ang pagguho ng paggalang, pagpipigil, at kaayusan ay nagsasapanganib sa lipunan na marahil mas malala pa kaysa krimen.’ Ano, kung gayon, ang lunas? Ang mabubuting asal ay dapat na “mahubog sa loob ng pamilya mismo,” sabi ng pahayagan. “Ang mga ito’y hindi basta maipaliliwanag sa mga anak, subalit dapat ituro sa pamamagitan ng halimbawa.”

Panganib ng “Cellular Phone”

Tiniyak ng kamakailang pagsusuri sa Hapon na ang mga radio wave na lumalabas mula sa mga teleponong cellular ay maaaring maging sanhi ng malulubhang suliranin sa medikal na kagamitan sa ospital. “Sa isang pagsusuri, isang makina sa puso at baga ang huminto nang gamitin ang isang cellular phone sa layong 45 centimetro [18 pulgada],” sabi ng Asahi Evening News. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga alarma ng mga pambombang nagsasalin ng likido at mga pambomba na nagtutustos ng mga gamot laban sa kanser ay tumunog nang isang cellular phone ang gamitin sa layong dalawa’t kalahating piye ang layo mula sa kagamitan. Ang mga makina sa x-ray at mga tonometer ay apektado rin. Salig sa mga pagsusuring ito, iminumungkahi ng Posts and Telecommunications Ministry na hindi dapat dalhin ang mga cellular phone sa mga silid ng operasyon at intensive care unit. Ayon sa isang surbey, halos 25 institusyon sa paggamot sa Tokyo ang sumusupil na sa paggamit ng mga cellular phone, na ang 12 sa mga ito ay nagbabawal mismo ng mga cellular phone.

Nag-aaral ng Karate ang mga Madre

Dahil sa napapaharap sa tumitinding panganib sa karahasan laban sa babae, isang grupo ng mga madre sa St. Anne’s Provinciate sa Madhavaram, sa Estado ng Tamil Nadu, Timog India, ang nagpasimulang magkaroon ng pagsasanay sa karate. Si Shihan Hussaini, ang pangulo ng All India Isshinryu Karate Association, ay nagsabi na mas magagaling ang mga madre kaysa ibang mga babae na kaniyang sinanay sa mahigit na 24 na taóng pagtuturo niya bilang isang instruktor ng karate. ‘Sa palagay ko ito’y may kinalaman sa natatagong lakas at disiplina na taglay nila,’ sabi niya. Ang isang kagamitan na itinurong gamitin ng mga madre ay ang tinatawag na sein ko. Ito’y may hugis na tulad ng krusipiho, at sa pamamagitan ng “paggamit ng instrumentong ito, posible pa nga na mapatay ang isang sumasalakay,” ang sabi ni Hussaini.

Nililinis ng Sinag ng Araw ang Tubig

“Natuklasan ng mga siyentipiko sa Canada na sinisira ng karaniwang sinag ng araw ang posibleng nakapipinsalang mga halo ng asoge sa tubig,” ang ulat ng The Globe and Mail, ng Toronto. Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa University of Manitoba at sa Freshwater Institute of Winnipeg na ang paghahantad ng tubig sa lawa na pinarumi ng methylmercury sa sinag ng araw sa loob lamang ng isang linggo ay nagbunga ng pagbaba ng antas ng methylmercury ng 40 hanggang 66 na porsiyento. “Hanggang sa gawin ang eksperimentong ito, naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga mikrobyo lamang ang sumisira ng methylmercury sa tubig ng lawa,” sabi ng Globe. Sinabi rin ng ulat na waring ang sinag ng araw ay “kumikilos ng 350 ulit na mas mabilis kaysa dating kilalang proseso ng mikrobyo.”

Maiigting na mga Bata

Ang dami ng mga bata na may ulser at gastritis ay nadoble sa loob ng sampung taon, ang ulat ng pahayagang O Estado de S. Paulo sa Brazil. Ipinakikita ng mga natuklasang ito, salig sa isang pagsusuri ng São Paulo University, ang emosyonal na kaigtingan bilang ang isa sa pangunahing mga salik. “Ang mga panggigipit sa lipunan ay naipamamalas sa emosyonal na kayarian ng isang bata, . . . hanggang sa ito’y maging sanhi ng sakit,” sabi ng gastroenterologist na si Dorina Barbieri. Binanggit pa ng pahayagan ang bilang ng maraming salik na nagdudulot ng kaigtingan sa pagkabata, kasali na ang mga awayan sa pamilya, mga aksidente o pagkamatay sa pamilya, ugali ng paghahanap ng kasakdalan, di-timbang na pagkain, espiritu ng kompetisyon, at kawalan ng panahon sa paglilibang.

Pananatiling Matalas ang Isip Nang Mas Matagal

Ibig mo bang mapanatili ang katalasan ng iyong isip hanggang sa iyong pagtanda? “Huwag mong pabayaan ang iyong edukasyon, maging aktibo sa pisikal at ingatan ang iyong mga baga,” ang sabi ng magasing American Health. “May mga bagay na magagawa tayo upang madagdagan ang posibilidad na mapanatili ang kakayahan ng isip,” ang sabi ni Marilyn Albert, isang neuropsychologist sa Harvard Medical School. Hininuha ni Dr. Albert na sa paano man ang edukasyon ay “nagpapabago sa kayarian ng utak” upang maingatan ang paghina ng kakayahan ng isip habang tumatanda. Karagdagan pa, ipinalalagay na ang gawaing pisikal ay makapagpapasulong sa sirkulasyon ng dugo sa utak at makatutustos dito ng mas maraming oksiheno. Kaya ganito ang ipinayo ni Albert: “Maglakad araw-araw, magbasa sa paano man ng isang bagong aklat sa isang buwan, at kung ikaw ay naninigarilyo, pagpahingahin ang iyong mga baga (at utak), sa pamamagitan ng paghinto rito.”

Sinalot ang India ng “Buffalo Pox”

Ang buffalo pox, sanhi ng ‘isang virus na kabilang sa grupo ring iyon na gaya ng virus ng bulutong,’ ay natutop sa Beed sa distrito ng kanluraning India, ang ulat ng The Times of India. Bagaman ang pox ay hindi gaanong mapanganib na tulad ng bulutong, ikinababahala pa rin ng mga siyentipiko ang pagkalat nito. “Dapat na maingat na subaybayan ang virus,” sabi ni Dr. Kalyan Banerjee, direktor ng National Institute of Virology. “Hindi namin masabi kung gaano ito kalubha.” Ang pinakaikinababahala ay ang posibilidad na ang pox ay lalaganap sa liblib na mga lugar sa lalawigan kung saan kakaunti ang pasilidad sa paggamot. Ang buffalo pox sa mga tao ay nagdudulot ng mataas na lagnat, pamamaga ng mga kulani, napakaraming uka sa katawan, at pangkaraniwang panghihina.

Isa na Namang Maling Hudyat

“Ang paghahanap ng mga extraterrestrial (taga-ibang planeta) ang pinakamalaking tuklas noong nakaraang taon,” ang ulat ng magasing New Scientist. Ang mga mananaliksik na nagtatrabaho sa SETI Institute, na nakahimpil sa Mountain View, California, “ay nakasasagap ng karaniwang mga hudyat na nagbibigay ng di-mapag-aalinlanganang katibayan ng matatalinong nabubuhay.” Gayunman, pagkatapos ng higit pang imbestigasyon, natuklasan ng pangkat na ang mga hudyat ng radyo “ay hindi nagmumula sa ET [mga extraterrestrial] kundi mula sa microwave oven na nasa ibaba.” Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagkabigo ng SETI Institute, sabi ng New Scientist. Natuklasan ng mga mananaliksik na sumusuring mabuti sa kalangitan sa Australia na “ang karamihan ng maling mga hudyat ay mga hudyat na mula sa mga satelayt.” Inamin kamakailan ng isang tagapagsalita ng SETI Institute sa American Astronomical Society na ang natutop ng SETI na mga hudyat ng radyo noong 1995 ay “nagmumula sa atin mismong teknolohiya.”

Bagong Kanal ng Tubig

Isang bagong kanal ng tubig na umaabot ng mahigit na 3,450 kilometro patimog mula sa lunsod ng Cáceres sa Brazil hanggang sa River Plate ng Argentina ang ipinapanukala. Pag-uugnayin nito ang mga ilog ng Paraná at Paraguay. Ang kanal ng tubig, o hidrovia, ay lalampas sa libu-libong kilometro ng mga pangit na daan, na higit na magpapadali sa paghahatid ng balatong, bulak, butil, iron ore, apog, manganese, at iba pang nilululang produkto patungo sa mga banyagang pamilihan. Ang hidrovia ay pinagsamang proyekto na nagsasangkot sa Argentina, Brazil, Paraguay, Uruguay, at ang napalilibutan ng lupa na Bolivia. Ayon sa The Economist, “nakikini-kinita ito ng mga nagpapaunlad na magiging Mississippi ng Timog Amerika, na naghahatid ng mga produkto paroo’t parito sa sentro ng halos kontinenteng ito na handa na sa pag-unlad.”

Ang Kahalagahan ng “Pi”

Ang pi, gaya ng napag-aralan ng marami sa paaralan, ay ang katumbasan ng sirkumperensiya ng bilog sa diyametro nito. Nasisiyahan na ang karamihan ng tao sa tinatayang katumbas na bilang ng pi, 3.14159, subalit, ang pi ay hindi siyang eksaktong bilang, kaya ang decimal value ng pi ay walang katapusan. Noong ika-18 siglo, isang tumpak na katumbas na bilang sa ika-100 decimal place ang nakuha, at noong 1973 dalawang matematikong Pranses ang nakakalkula sa isang milyong decimal place. Ngayon, si Yasumasa Kanada, ng Tokyo University sa Hapon, ang nakakalkula ng katumbas na bilang nito, sa pamamagitan ng computer, ng hanggang sa anim na bilyong decimal place. Ang bilang ay walang maisasaisip na gamit, kung paanong “ang basta 39 na decimal place ay sapat na upang kalkulahin ang sirkumperensiya ng isang bilog na pumapalibot sa kilalang sansinukob hanggang sa radius mismo ng hydrogen atom,” ang sabi ng The Times ng London. Sinabi ni Propesor Kanada na siya’y nasisiyahan sa pagkalkula ng pi “dahil sa natutuwa siya sa hamon ng pagkalkula rito.” Subalit huwag subuking bigkasin ang kaniyang resulta. “Sa isang bilang sa bawat segundo, nang hindi humihinto, ito’y gugugol ng halos 200 taon,” sabi ng The Times.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share