Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 11/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 11/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Operasyon Kaming mag-asawa ay nagpapasalamat kay Jehova mula sa kaibuturan ng aming puso dahil sa artikulong “Pag-opera Nang Walang Panghiwa.” (Pebrero 22, 1998) Nakaiskedyul na buksan ang bungo ng aking asawa dahil sa pagkakasalabid ng kaniyang arterya sa mga ugat. Parang isang kasagutan sa aming mga panalangin ang artikulo. Naoperahan ang aking asawa ayon sa pamamaraan na binanggit sa artikulo, at maayos naman ang lahat.

L. J., Estados Unidos

Pahayagang Ruso Maraming salamat sa artikulong “Pinuri ng Pahayagang Ruso ang mga Saksi ni Jehova.” (Pebrero 22, 1998) Nais ko lamang ipabatid sa inyo na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na napaluha ako dahil sa pagbabasa ng isa sa magagandang artikulo ninyo. Nakatutuwang malaman na balang araw ang buong mundo ay magiging kasingganda ng bagong mga pasilidad ng sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Solnechnoye.

I. C. S. A., Brazil

Nagbago ang Di-mananampalatayang Ama Naalaala ko ang aking sariling pamilya sa artikulong “Naantig ang Kaniyang Puso.” (Pebrero 22, 1998) Ang aking asawang lalaki ay hindi rin mananampalataya. Nagbigay sa akin ng pag-asa ang artikulo na balang araw ay maaantig din ang kaniyang puso.

S. M., Estados Unidos

Pinaglabanan ng Pamilya ang mga Nazi Wala pa akong nabasang karanasan na mas maganda sa karanasan ni Horst Henschel, sa artikulong “Pinakilos ng Katapatan ng Aking Pamilya sa Diyos.” (Pebrero 22, 1998) Kinailangan kong huminto nang maraming beses sa mga parapo para pigilin ang aking pagluha. Ang ama ni Horst ay walang-alinlangang isang tao na nagtiis sa ilalim ng panggigipit, at ang kaniyang halimbawa ay isang bagay na hindi ko malilimutan.

A. K., Estados Unidos

Ang karanasan ni Horst Henschel ay talagang nakaaantig ng damdamin. Pinakilos ako ng kaniyang lakas ng loob at pag-ibig kay Jehova. Hindi ko kailanman malilimutan ang mga salitang nagpalakas sa kaniya habang siya’y nasa bilangguan: “Huwag katakutan ang mga pumapatay ng katawan.”

J. V. S., Brazil

Ako po’y sampung taóng gulang, at ibig ko pong ipaalam sa inyo na talagang nakapagpapatibay na malaman kung paano namuhay ang mga Saksi ni Jehova noon​—kung paanong sila’y maaaring mamatay kapag hindi sila nagsabi ng “Heil Hitler!” Subalit naging matatag ang mga Saksi at hindi nila sinabi iyon.

R. B., Estados Unidos

Pagmamapuri Dahil sa Lahi Tuwang-tuwa ako nang mabasa ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano ang Masasabi Tungkol sa Pagmamapuri Dahil sa Lahi?” (Pebrero 22, 1998) Maraming beses na akong tinanong ng, “Ano ang iyong nasyonalidad?” Dahil sa hindi ko matalunton ang aking angkang pinagmulan, pabiro akong sumasagot ng, “Mongrel!” Sinabi ng isang naglalakbay na ministro, “Kapag may nagtanong sa iyo kung ano ang iyong lahi, basta sabihin mong, ‘Ako’y isang Saksi ni Jehova.’ ” Ipinagmamalaki kong ako’y kabilang sa isang organisasyon na pantay-pantay ang pagkilala sa lahat ng lahi.

D. H., Estados Unidos

Ako po’y 14 na taong gulang at ibig ko pong pasalamatan kayo dahil sa artikulo. Ang aking pagmamapuri dahil sa aking lahi ay humantong na sa pagtatangi ng lahi. Ipinaunawa sa akin ng artikulo na tayong lahat ay pantay-pantay sa paningin ni Jehova.

I. P., Italya

Noong ako’y bata pa, ipinagmamalaki ng marami sa aking mga kaeskuwela ang kanilang lahi at kulay, anupat sinasabi nilang may dugong Kastila sila, samantalang ako’y kabilang sa isang grupong minorya. Naging mahiyain ako at nawalan ako ng paggalang sa aking sarili. Kung minsa’y nasasabi ko, ‘Ayaw ko ang aking kulay!’ Natulungan ako ng payo sa artikulong ito na mapanauli ang aking paggalang sa sarili at makontento sa ibinigay sa akin ni Jehova.

A. G., Pilipinas

Talagang pilipit ang aking pangmalas, anupat iniisip ko na mas nakahihigit ang mga taong isinilang sa mas nakaririwasang bansa. Natulungan ako ng inyong artikulo na maunawaang may iisang lahi lamang​—ang lahi ng tao.

L. G., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share