Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/8 p. 32
  • Milyun-milyon ang Dadalo—Dadalo Ka Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Milyun-milyon ang Dadalo—Dadalo Ka Ba?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Malugod Kayong Tinatanggap sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!
    Gumising!—2001
  • “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na 1998–1999 Kombensiyon ay Nalalapit Na!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Malugod Kayong Tinatanggap sa “Masisigasig na Tagapaghayag ng Kaharian” na Pandistritong Kombensiyon
    Gumising!—2002
  • Halikayo sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 12/8 p. 32

Milyun-milyon ang Dadalo​—Dadalo Ka Ba?

MAHIGIT sa walong milyong tao sa buong daigdig ang dumadalo sa taunang pandistritong mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa bawat taon. Sa Disyembre, 1999 at Enero, 2000, 52 tatlong-araw na “Makahulang Salita ng Diyos” na Pandistritong mga Kombensiyon ang nakaiskedyul sa Pilipinas. Marahil, isa sa mga ito ang gaganapin sa isang lugar na malapit sa inyo. Pinasisigla ka namin na maging presente kapag nagsimula ang programa sa pamamagitan ng musika ng 8:30 n.u. sa Biyernes.

Kabilang sa programa sa umaga ang isang pahayag ng pagtanggap at gayundin ang pinakatemang pahayag na “Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos.” Ang simposyum sa hapon na “Magkaroon ng Kasiyahan sa Pagbabasa ng Salita ng Diyos” ay maglalaan ng praktikal na mga mungkahi kung paano gagawing kapuwa kapaki-pakinabang at kasiya-siya ang pagbabasa ng Bibliya. Ang pangwakas na pahayag sa araw na iyon na, “Ang mga Lumalaban sa Diyos ay Hindi Mananaig,” ay magbabalik-tanaw sa pakikipaglaban na isinagawa sa modernong panahon laban sa mga tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos.

Ang programa sa umaga ng Sabado ay nagtatampok ng pagtalakay sa bautismo, at ang pagkakataon na mabautismuhan ay ibibigay doon sa mga kuwalipikado. Sa hapon ay ilalahad ang mga nakapagpapatibay na mga ulat hinggil sa kamangha-manghang pagtugon ng mga tao sa katotohanan ng Bibliya sa ilang bansa sa Latin Amerika, Aprika, at Silangang Europa, at maging sa malaking bansa sa Asia na Kazakhstan. Ang bahagi ay pinamagatang “Pinupuno ng ‘mga Kanais-nais na Bagay’ ang Bahay ni Jehova.” Ang programa sa Sabado ay magtatapos sa dalawang pahayag, “Pinupukaw Tayo ng Makahulang Kasulatan na Maging Mapagbantay” at “Ang Makahulang Salita sa Panahon ng Kawakasan.” Ang panghuli ay magtutuon ng pansin sa aklat ng Bibliya na Daniel at maglalaan ng mga dahilan upang bigyang-pansin ang hula nito.

Sa Linggo ng umaga, tatalakayin sa loob ng isang oras na simposyum na may tatlong bahagi na pinamagatang “Makahulang mga Salita Para sa Itinakdang Panahon” ang hula ni Habakuk. Makikita mong tunay na nakapagpapatibay ang maikling aklat na ito ng Bibliya para sa mga Kristiyano sa ngayon. Pagkatapos isang drama na kumpleto sa kostiyum, na nagtatampok sa kuwento ni Jacob at Esau, ang magdiriin sa temang “Pagpapahalaga sa Ating Espirituwal na Pamana.” Ang programa sa Linggo ng umaga ay magtatapos sa pamamagitan ng nakapagpapakilos na pahayag na “Ano ang Kahulugan Para sa Inyo ng Ating Napakahalagang Pamana?” Pagkatapos, sa hapon, masisiyahan ka sa pahayag pangmadla na “Ginagawang Bago ang Lahat ng Bagay​—Gaya ng Inihula.”

Magplano na ngayon upang makadalo. Para sa lugar na pinakamalapit sa inyong tahanan, makipag-ugnayan sa lokal na Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share