Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g00 3/8 p. 31
  • Isang Kakaibang Sementeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kakaibang Sementeryo
  • Gumising!—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Papaano Nag-aabuloy ang Ilan sa Gawaing Pangangaral ng Kaharian
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kung Bakit Napakahalaga ng mga Tract sa Ating Ministeryo Ngayon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Ecuador—Isang Bansang Nakasaklang sa Ekwador
    Gumising!—1998
  • Pag-iimprenta at Pamamahagi ng Sariling Banal na Salita ng Diyos
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—2000
g00 3/8 p. 31

Isang Kakaibang Sementeryo

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA ECUADOR

SA BAYAN ng Ibarra, na nasa hilaga ng kabiserang lunsod ng Ecuador, ang Quito, ay may isang kakaibang sementeryo​—el cementerio de los pobres (ang Sementeryo ng Mahihirap). Ano ang di-pangkaraniwan dito? Ang mga ipinintang larawan sa labas ng pader ay pinalaking bersiyon ng mga ilustrasyon na tuwirang kinuha mula sa mga publikasyon ng Samahang Watch Tower!a Ang larawan sa gitna ay isang paglalarawan kay apostol Juan, na kinuha sa pahina 7 ng aklat na Apocalipsis​—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Nasa ulunan ni Juan, sa wikang Kastila, ang tekstong: “Ang Kaharian ng Diyos ay nangangahulugan ng katuwiran at kapayapaan at kagalakan. Roma 14:17.” Sa kaliwa ay ang mga salita ng Mateo 11:28: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo,” mula sa New World Translation. Walang alinlangan, itinutuon ng pader na ito ng sementeryo ang pansin ng mga tao sa Salita ng Diyos.

[Talababa]

a Upang matugunan ang legal na mga kahilingan, kailangang humingi ng pahintulot bago kumopya ng mga artikulo o gawang-sining mula sa literatura ng Watch Tower, at ang mga ito ay dapat na tukuying pag-aari ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share