Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 10/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtuturo—Ang Sakripisyo at mga Panganib
    Gumising!—2002
  • Pagtuturo—Ang Kasiyahan at ang Kagalakan
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Bakit Lubhang May Kinikilingan ang Aking Guro?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 10/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Guro Isa akong guro sa mababang paaralan sa nakalipas na apat na taon, at nalulugod akong mabasa ang seryeng “Mga Guro​—Paano na Kaya Tayo Kung Wala Sila?” (Marso 8, 2002) Napansin ko ang isang nakababalisang kalakaran na hindi nalalaman ng mga bata ang pagkakaiba ng tama at mali. Isa ring hamon sa mga guro kapag lubusang naunawaan ng mga bata ang kanilang mga karapatan bago pa man nila mabatid ang kanilang mga pananagutan. Gayunpaman, ang pagtuturo ay isang kasiya-siyang karera, lalo na kapag ang mga estudyante ay interesadong matuto at sumusulong.

J. K., Estados Unidos

Salamat sa mga artikulong ito. Natulungan ako ng mga ito na maunawaan kung gaano karaming sakripisyo ang ginagawa ng mga guro para sa amin, bagaman madalas na hindi gayon ang ginagawa namin para sa kanila.

S. M., Italya

Ako po ay walong taóng gulang. Natulungan po ako ng inyong mga artikulo hinggil sa mga guro na maunawaang minamahal ng mga guro ang mga estudyante. Ibig nilang magturo sa mga bata, kahit na mahirap ito. Binigyan ko po ng isang maikling sulat ng pasasalamat ang aking guro. Kami ng aking apat-na-taóng-gulang na kapatid na babae ay nag-aaral kung paano tuturuan ang mga tao tungkol kay Jehova​—kahit na mahirap ito kung minsan​—sapagkat iniibig namin ang mga tao.

T. M., Estados Unidos

Apat na taon pagkatapos kong umalis sa pagtuturo, isang estudyante ang sumulat sa akin na nagpapahayag ng kaniyang pagpapahalaga sa mga panahong tinulungan ko siya. Naglakip siya ng isang bookmark na siya mismo ang gumawa. Maguguniguni mo ang aking kaligayahan sa pagtanggap ng sulat na iyon!

A. R., Slovenia

Ibinigay ko ang magasing ito sa prinsipal at sa dalawang guro sa paaralan na pinapasukan ng aking mga anak. Naghintay ako ng dalawang araw at nagbalik ako upang hingin ang kanilang opinyon. Humiling sila ng 20 karagdagang mga magasin sa wikang Kastila at Ingles upang maipamigay sa mga magulang.

M. M., Estados Unidos

Noong nakaraang taon, nagtrabaho ako bilang isang guro sa mababang paaralan sa loob ng apat na buwan. Sinabi ng ibang guro na nakasama ko sa trabaho na pinahihirap ng kawalan ng pagpapahalaga ng mga magulang ang kanilang gawain bilang mga guro. Kaya talagang naliligayahan ako na lubhang pinahahalagahan ng seryeng ito ang trabaho ng dedikadong mga guro. Nang matapos ang itinakdang panahon ko sa pagtuturo, tumanggap ako ng maraming liham ng pasasalamat mula sa aking mga estudyante. Bawat liham ng pasasalamat ay isang kayamanan sa akin!

S. I., Hapon

Pagpapalipad ng Napakalaking Lobo Maraming salamat sa inyong kahanga-hangang artikulo na “Kaalinsabay ng Hangin.” (Marso 8, 2002) Ang pagsakay sa isang napakalaking lobo ay malaon ko nang pinapangarap, bagaman di-natutupad. Gayunman, ang inyong artikulo ay tila pampalubag-loob sa akin sapagkat pakiramdam ko’y para na rin akong sumama sa paglalakbay! “Damang-dama” ko ang pag-angat ng basket at ang pag-ugoy nito sa magkabilang panig. Tiyak na ang daigdig ay waring napakaliit kung titingnan mula sa itaas, gayunman ito at ang sangkatauhan ay mahalaga kay Jehova.

S. A., Alemanya

Pagkadama ng Pagkakasala Talagang kailangan ko ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Pagkadama ng Pagkakasala​—Palagi Bang Masama?” (Marso 8, 2002) Dahil napakataas ng mga inaasahan ko, nasumpungan kong napakahirap supilin ng aking mga damdamin kapag nakikitungo ako sa aking kasama sa buong-panahong pag-eebanghelyo. Subalit binanggit ng artikulong ito na ang palaging pangongonsiyensiya sa iba na para bang sila’y nagkakasala kung hindi nila laging nagagawa ang mga bagay sa paraan na inaakala nating dapat nilang gawin ay di-maibigin at di-mabunga. Natutuwa ako at nabago ko ang aking pangmalas. Pakisuyong patuloy na turuan kami hinggil sa kung paano minamalas ni Jehova ang mga bagay-bagay.

K. K., Hapon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share