Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/08 p. 8-9
  • Malapit Nang Mawala ang Krimen

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malapit Nang Mawala ang Krimen
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nabubuhay Na Tayo sa mga Huling Araw
  • “Ang mga Matuwid ang Magmamay-ari ng Lupa”
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Posible ba ang Tunay na Pagbabago?
    Gumising!—2001
  • Ang Lunas ba ay Nakadaragdag sa Problema?
    Gumising!—2001
  • Malapit Nang Matupad ang Layunin ng Diyos
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
Iba Pa
Gumising!—2008
g 2/08 p. 8-9

Malapit Nang Mawala ang Krimen

“Kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na.”​—AWIT 37:10.

LUBHANG interesado ang ating Maylikha, ang Diyos na Jehova, sa kaniyang nilalang na mga tao; hindi siya manhid tulad ng inaakala ng ilan. (Awit 11:4, 5) Bukod diyan, nakikita niya ang lahat ng krimen at kawalang-katarungan, kasama na ang mga hindi napapansin ng tao. “Ang mga mata ni Jehova ay nasa lahat ng dako, nagbabantay sa masasama at sa mabubuti.” (Kawikaan 15:3) Kaya makatitiyak kang ang masasama ay nasa “madulas na dako.”​—Awit 73:12, 18.

Sa kabilang banda, may magandang pag-asa ang mga matuwid at walang kapintasan, bagaman ang ilan sa kanila ay nagdarahop at pinagmamalupitan pa nga ng iba. “Masdan mo ang walang kapintasan at tingnan mo ang matuwid,” ang isinulat ng salmistang si David, “sapagkat ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging mapayapa.” (Awit 37:37) Tunay na nakaaaliw ang mga salitang ito sa atin sa ngayon, yamang may pag-asa tayong masaksihan ang pambuong-daigdig na katuparan nito sa malapit na hinaharap.

Nabubuhay Na Tayo sa mga Huling Araw

Mga 2,000 taon na ang nakalilipas, tinanong si Jesu-Kristo ng kaniyang mga alagad hinggil sa isang napakahalagang pangyayari sa hinaharap. “Sabihin mo sa amin,” ang sabi nila, “ano ang magiging tanda ng . . . katapusan ng sistema ng mga bagay?” (Mateo 24:3) Detalyadong nakasulat ang sagot ni Jesus sa Bibliya sa Mateo kabanata 24, Marcos kabanata 13, at Lucas kabanata 21. Binabanggit ng magkakaugnay na mga ulat na ito ng mga Ebanghelyo na magkakaroon ng mga digmaan, taggutom, salot, malalakas na lindol, at mabilis na paglago ng katampalasanan sa mga huling araw ng kasalukuyang daigdig na ito.

Nagsimulang maganap noong 1914 ang mapanganib na mga kalagayang inihula ni Jesus. Gaya ng sinabi ng istoryador na si Eric Hobsbawm sa kaniyang aklat na Age of Extremes, “tiyak na [ang ika-20 siglo] ang pinakamadugong siglo sa kasaysayan.”

Ganito ang sabi ng Bibliya hinggil sa kasalukuyang paglago ng kasamaan: “Kapag sumisibol ang mga balakyot na gaya ng pananim at namumukadkad ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit, iyon ay upang malipol sila magpakailanman.” (Awit 92:7) Tunay na malinaw ang ebidensiya: Ang paglago ng katampalasanan sa ngayon​—gaya ng pamumunga ng mga pananim sa kanilang kapanahunan​—ay, sa katunayan, isang palatandaan na malapit nang lipulin ang mga balakyot, ang masasama! Hindi ba magandang balita iyan?​—2 Pedro 3:7.

“Ang mga Matuwid ang Magmamay-ari ng Lupa”

“Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman,” ang sabi ng Awit 37:29. Mawawala na ang lahat ng uri ng krimen at kawalang-katarungan. Kaya mawawala na rin ang lahat ng may kinalaman sa krimen: mga alarmang panseguridad, kandado, hukuman, abogado, pulis, at bilangguan. Nangangako ang Bibliya: “Ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon.”​—Isaias 65:17.

Oo, mararanasan ng lupa at ng mga tao ang isang pagbabago na hindi pa nangyayari kailanman. (Isaias 11:9; 2 Pedro 3:13) Iyan ang mapananaligang pag-asang hinihintay ng mga Saksi ni Jehova, at inaanyayahan ka nilang suriin mo mismo ang ebidensiya na malapit na itong magkatotoo. Tandaan, ang Awtor ng Banal na Kasulatan ay “hindi makapagsisinungaling.”​—Tito 1:2.

[Kahon/Larawan sa pahina 9]

PAGTULONG SA MGA BILANGGO NA MAKILALA ANG DIYOS

Sa nakalipas na mga taon, nakatanggap ang mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos ng mga sulat mula sa mga bilanggo at pasyente ng 4,169 na bilangguan, ospital para sa mga bilanggo, at mga pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga naging sugapa sa droga. Humihiling ang ilan sa kanila ng mga literaturang salig sa Bibliya; ang iba naman, ng walang-bayad na pag-aaral sa Bibliya. Tinutugunan ng mga kuwalipikadong Saksi ang mga kahilingang ito. Sa katunayan, regular na dumadalaw ang mga Saksi sa mga bilangguan sa buong daigdig para magdaos ng pag-aaral ng Bibliya sa mga lalaki at babaing bilanggo na nagnanais na makilala ang Diyos. Marami na rin sa mga presong ito ang nakagawa na ng malaking pagbabago sa kanilang personalidad, nagpabautismo bilang mga Kristiyano, at naging mga mamamayang masunurin sa batas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share