Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/09 p. 3
  • Pag-abuso sa Inireresetang Gamot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-abuso sa Inireresetang Gamot
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Inireresetang Gamot—Tamang Paggamit at Pag-abuso
    Gumising!—2009
  • Droga—Sino ba ang Gumagamit ng mga Ito?
    Gumising!—2001
  • Paano Ako Makakaalpas sa mga Droga?
    Gumising!—1986
  • Gamitin ang mga Gamot sa Matalinong Paraan
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2009
g 5/09 p. 3

Pag-abuso sa Inireresetang Gamot

“NOONG 14 anyos ako, niresetahan ako ng doktor namin ng pills na pampapayat,” ang sabi ni Lena.a “Gusto ko kasing pumayat at gumanda. Masaya lang ako kapag may mga lalaking humahanga sa akin. Bandang huli, bawal na gamot na ang ginagamit ko at namuhay ako nang imoral. Gusto kong high na high ako palagi.”

Si Myra, na laging inaatake ng migraine, o matinding pananakit ng ulo, ay niresetahan ng kaniyang doktor ng pain reliever. Nang maglaon, parami nang parami ang iniinom niyang gamot​—hindi lang dahil sa sakit ng ulo kundi dahil sa pagkasugapa niya rito. Hindi lang iyan, iniinom na rin niya ang mga gamot na inireseta ng doktor sa iba pa niyang kapamilya.

Oo, ipinakikita ng mga ulat na parami nang paraming kabataan at napakaraming adulto ang nag-aabuso sa inireresetang mga gamot para kumalma sila, makayanan ang kabalisahan, manatiling alisto, magpapayat, o ma-high. Ang ilan sa pinakakaraniwang gamot na inaabuso ay maaaring nasa loob mismo ng tahanan: pain reliever, sedative, stimulant, at tranquilizer.b Kasama rin sa inaabuso ang mga gamot na mabibili kahit walang reseta, gaya ng pampatulog pati na gamot sa sipon at alerdyi.

Laganap na ang problemang ito at palala nang palala. Halimbawa, sa ilang bansa sa Aprika, Europa, at Timog Asia, mas marami ang umaabuso sa inireresetang gamot kaysa sa bawal na gamot. Sa Estados Unidos, mas marami rin ang umaabuso sa inireresetang gamot kaysa sa halos lahat ng bawal na gamot maliban sa mga cannabis, gaya ng marijuana. Ayon sa isang ulat ng pahayagan kamakailan, mas maraming kabataang edad 12 hanggang 17 ang “nag-aabuso sa inireresetang gamot kaysa sa mga nag-aabuso sa cocaine, heroin, at methamphetamine.” Sa katunayan, napakaraming umaabuso sa inireresetang mga gamot anupat nagkaroon na ngayon ng industriya ng pekeng mga gamot.

Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili at ang iyong mga anak laban sa pag-abuso sa droga​—inireresetang gamot man ito o bawal na gamot? Susuriin ng kasunod na mga artikulo ang mga tanong na ito.

[Mga talababa]

a Binago ang mga pangalan sa seryeng ito.

b Marami sa mga simulaing tinatalakay sa artikulong ito ay kapit din sa pag-abuso sa bawal na gamot at alak.

[Kahon sa pahina 3]

“Ang pagkaadik sa droga ay ang di-makontrol na paggamit ng droga, paggamit nito nang hindi kinakailangan, at patuloy na paggamit sa kabila ng mga panganib o posibleng panganib,” ang sabi ng Physicians’ Desk Reference. Ang isang adik ay walang kontrol at sugapa na sa droga.

Dependent na ang katawan sa gamot kung dumaranas ang isang pasyente ng withdrawal symptoms kapag huminto siya sa paggamit ng inireresetang gamot, gaya ng mga opioid. Normal na reaksiyon ito at hindi nangangahulugang adik na ang isa.

Ang tolerance ay tumutukoy sa pangangailangang taasan ang dosis ng gamot dahil hindi na nawawala ang kirot sa dating dosis.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share