Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Mali sa Larawang Ito?
Basahin ang Genesis 24:1-4, 10-23. Anong tatlong bagay ang mali sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot at kulayan ang larawan.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang magagandang katangiang ipinakita ni Rebeka?
CLUE: Basahin ang Kawikaan 31:17, 27, 29-31; 1 Pedro 4:9.
Paano mo matutularan si Rebeka?
CLUE: Basahin ang Kawikaan 11:25; Roma 12:11.
PARA SA PAMILYA:
Isulat ang pangalan ng isang tao na gusto mong tulungan. Pagkatapos, ilista kung anu-ano ang puwede mong gawin para sa kaniya. Ipakita ang listahan sa iyong pamilya. Pag-usapan ninyo kung ano ang gagawin mo para sa taong iyon at kung kailan mo gagawin. Kapag natulungan mo na siya, ikuwento sa iyong pamilya kung ano ang nadama mo dahil sa ginawa mong pagtulong.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 13 JOB
MGA TANONG
A. Si Job ay nagkaroon ng ․․․․․ anak na lalaki at ․․․․․ anak na babae.
B. Anu-ano ang kinuha ni Satanas kay Job?
C. Kumpletuhin ang sinabi ni Job: “Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin . . . ”
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 1600 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Nanirahan sa Uz
LUPANG PANGAKO
EHIPTO
UZ?
JOB
MAIKLING IMPORMASYON
Isang lalaking “walang kapintasan at matuwid” sa paningin ng Diyos. (Job 1:8) Kahit ginipit siya ng kaniyang asawa at ng iba, hindi kailanman tinalikuran ni Job ang paglilingkod sa Diyos. (Job 1:20-22; 2:9, 10) Ang kaniyang pagtitiis at ang magandang resulta nito ay nagpapatibay sa atin na manatiling tapat at tiisin ang mga pagsubok.—Job 42:12-17; Santiago 5:11.
MGA SAGOT
B. Ang kaniyang mga alagang hayop, mga tagapaglingkod, mga anak, at kalusugan.—Job 1:13-19; 2:4-7.
C. “. . . ang aking katapatan!”—Job 27:5.
Mga Tao at mga Lugar
4. Ako si Lukas, pitong taóng gulang. Nakatira ako sa Germany. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Germany? Ito ba ay 60,000, 100,000, o 160,000?
5. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Germany.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org
● Nasa pahina 27 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Ang kamelyo ay dapat na 10, hindi 11.
2. Ang pinunô ni Rebeka ng tubig ay labangan, hindi tatlong bariles.
3. Ang ibinigay ng alipin kay Rebeka ay singsing na pang-ilong at dalawang pulseras, hindi kuwintas.
4. 160,000.
5. C.