HUKKOK
[Nililok; Isinulat; Inukit].
Isang lunsod ng Neptali sa hanggahan nito. (Jos 19:32, 34) Bagaman itinuturing ng ilan na napakalayo nito sa H at S, ipinapalagay na ang makabagong-panahong Huqoq ang siyang sinaunang Hukkok. Ang lugar na ito ay mga 7 km (4.5 mi) sa K ng hilagaang dulo ng Dagat ng Galilea at matatanaw mula rito ang matabang Kapatagan ng Genesaret.