Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 8/1 p. 25
  • Pagbibihis ng Bagong Pagkatao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbibihis ng Bagong Pagkatao
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Salita ng Diyos Ay Buháy”
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
  • “Ang Salita ng Diyos ay Buháy at Mabisa ang Lakas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Magagawa Mong ‘Hubarin ang Lumang Personalidad’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 8/1 p. 25

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Pagbibihis ng Bagong Pagkatao

ANG Bibliya ay may utos: “Hubarin ang matandang pagkatao pati ang mga gawain nito, at magbihis kayo ng bagong pagkatao, na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay nagbabago ayon sa larawan ng Isa na lumalang nito.” (Colosas 3:9, 10) Marami sa mga Saksi ni Jehova ngayon ang dati’y bahagi ng sanlibutan ni Satanas ng pagdaraya. Nang sila’y magkaroon ng tumpak na kaalaman sa kung ano ang kahilingan ng Diyos sa mga Kristiyano, sila’y nagbago, nagbihis sila ng bagong pagkatao. Ang sumusunod na karanasan ay nagpapakita na maaaring gawin ang gayong mga pagbabago.

◻ Isang magnanakaw sa Espanya na may sakit na kleptomaniac ang nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Ang bahay niya ay punung-puno ng mga kalakal na ninakaw niya. Samantalang siya’y patuloy na sumusulong sa tumpak na kaalaman sa Bibliya sa mga simulain nito, siya’y ginambala ng kaniyang budhi at nagpasiya siya na ibalik ang mga bagay na kaniyang ninakaw.

Siya’y lumapit sa kaniyang dating amo at ipinagtapat niya na nagnakaw siya ng isang bagong washing machine buhat sa taong ito. Kaya naman ang taong ito na humanga sa mga dahilan na kung bakit binago niya ang kaniyang saloobin, ay pumayag na bayaran niya ang halaga ng washing machine, na iyo’y $292 (U.S.), at sinabing hindi na niya ipagbibigay-alam ito sa pulisya.

Pagkatapos ay dumalaw siya sa alkalde ng bayan at pinagtapat niya na siya’y nakasira ng dalawang bombilyang pagkamamahal sa lunsod na iyon, at sinabi niyang kaniyang babayaran ang mga iyon. Nang makita na ang taong ito ay nagbihis na ng “bagong pagkatao” dahilan sa pakikipag-aral sa Bibliya, siya’y pinatawad ng alkalde at hindi na siya pinagbayad.

Ang taong ito ay dumalaw din sa mga iba pang taong kaniyang pinagnakawan upang ibalik ang mga ninakaw niya, at lahat ay takang-taka sa malaking ipinagbago niya dahilan sa pagsunod sa mga simulain ng Bibliya.

Subalit marami sa mga may-ari ng mga ninakaw niya na nasa kaniya pa ring pag-iingat ang hindi niya kilala. Kaya’t pagkatapos na manalangin kay Jehova, nagpunta siya sa hedkuwarters ng pulisya at isinauli niya ang anim na stereo radio cassette players, na kaniyang ninakaw sa nakaparadang mga kotse. Ganiyan na lang ang pagtataka ng pulisya sapagkat hindi naman siya pinaghihinalaan na siya’y isang magnanakaw. Kaya kanilang pinapunta siya at siya’y sandaling ipiniit sa bilangguan.

Ngayon ay mayroon na siyang malinis na budhi sa harap ni Jehova. Kasuwato ng Efeso 4:28, “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa,” at nang maunawaan niya na ang mga magnanakaw ay hindi “magmamana ng kaharian ng Diyos,” siya’y huminto na ng pagnanakaw at nagbihis ng “bagong pagkatao.”​—1 Corinto 6:9, 10.

◻ Ang pagiging tapat sa kapuwa ng mga taong may pagkataong tulad-Kristo ay malimit na nahahalata ng mga tagalabas, gaya ng pinatunayan ng isang karanasan sa Italya. Isang kalagim-lagim na aksidente ng kotse ang nasaksihan ng isa sa mga Saksi ni Jehova. Lumapit siya sa isa sa mga kotse na kasangkot sa aksidente upang mag-alok ng tulong, at napansin niya ang isang taong nasaktang mabuti at nagdurugo, kaya kaniyang kinausap ang taong ito at binanggit sa kaniya ang pangalan ni Jehova. Itinaas ng taong iyon ang kaniyang ulo at itinanong kung ang babaing iyon ay isa sa mga Saksi ni Jehova, at ang babae naman ay sumagot ng oo. Sinabi ng lalaki: “Binibini, masama na ang pakiramdam ko. Mayroon akong isang supot sa kotse na kinalalagyan ng angaw-angaw [na lira] na salapi. Pakisuyong iuwi mo sa inyo. Nasisiguro kong iyon ay mapapalagay sa mabubuting kamay. Sapagkat kung hindi, lahat ng salaping ito ay nanakawin lamang. Pagka ako’y gumaling na puede mong isauli sa akin ang pera!” Kaya kinuha ng Saksi ang pera at isinauli iyon sa kaniya nang siya’y gumaling. Ang lalaking ito ay nagpasalamat na mabuti.

Pinagpapala ni Jehova ang mga taong nag-iiwan ng “dating pagkatao” at “nagbibihis ng bagong pagkatao.”​—Efeso 4:22-24.

“Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, kundi bagkus magpagal, na iginagawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang may maibigay siya sa nangangailangan.”​—Efeso 4:28

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share