Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 12/15 p. 20-21
  • Ang Ipinangakong Sanggol

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ipinangakong Sanggol
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ipinangakong Sanggol
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Batang Ipinangako
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 12/15 p. 20-21

Buhay at Ministeryo ni Jesus

Ang Ipinangakong Sanggol

IMBES na bumalik sa Nasareth, si Jose at si Maria ay lumagi sa Bethlehem. At nang si Jesus ay walong araw na ang gulang kanilang ipinatuli siya, gaya ng iniutos ng Kautusan ng Diyos kay Moises. Kaugalian din noon na ang isang sanggol na lalaki ay bigyan ng kaniyang pangalan sa ikawalong araw. Kayat kanilang pinanganlan ng Jesus ang kanilang anak, gaya ng tagubilin ng anghel Gabriel.

Mahigit na isang buwan ang nakalipas, at si Jesus ay 40 araw na ang edad. Saan siya ngayon dinadala ng kaniyang mga magulang? Sa templo sa Jerusalem, na ilang milya lamang ang layo sa kanilang tinutuluyan. Sang-ayon sa Kautusan ng Diyos kay Moises, 40 araw pagkatapos maipanganak ang isang sanggol na lalaki, ang ina ay kailangang maghandog sa templo ng isang handog ukol sa paglilinis.

Ganito ang ginagawa ni Maria. Subalit ang dala niya’y dalawang maliliit na ibon bilang kaniyang handog. Makikita rito ang isa pang bagay tungkol sa kalagayan sa buhay nina Jose at Maria. Iniutos ng Kautusan ni Moises na isang batang tupang lalaki, na lalong magastos kaysa mga ibon, ang dapat na ihandog. Subalit kung ito’y hindi kayang bilhin ng ina, sapat na rin ang dalawang bato-bato o kalapati.

Sa templo isang matandang lalaki ang kumalong kay Jesus. Ang kaniyang pangalan ay Simeon. Isiniwalat sa kaniya ng Diyos na siya’y hindi mamamatay bago niya makita ang ipinangakong Kristo ni Jehova, o Mesias. Nang si Simeon ay pumaroon sa templo sa araw na ito, siya’y inakay ng banal na espiritu sa sanggol na dala nina Jose at Maria.

Samantalang kalong ni Simeon si Jesus ay nagpasalamat siya sa Diyos, na ang sabi: ‘Tinupad mo ang iyong pangako, sapagkat nakita ko ng aking sariling mga mata ang magdadala ng kaligtasan na iyong inihanda.’ Sina Jose at Maria ay totoong namangha nang kanilang marinig ito. Pagkatapos ay binasbasan sila ni Simeon at sinabi kay Maria na ang kaniyang anak “ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel” at ang kaluluwa niya [ni Maria] ay tutusukin ng kalumbayan, tulad ng isang matalas na tabak.

Naroroon din nang okasyong ito ang 84-anyos na propetisang si Ana. Ang totoo, siya’y hindi kailanman pumapalya ng pagpunta sa templo. Sa mismong mga sandaling iyon siya ay lumapit at nagpasalamat sa Diyos at nagsalita siya tungkol kay Jesus sa lahat ng nakikinig.

Anong saya nga ng mga pangyayaring ito sa templo na nagpagalak kay Jose at kay Maria! Tunay, pinagtibay lamang nito sa kanila na ang sanggol ay ang Ipinangako ng Diyos. Lucas 2:21-38; Levitico 12:1-8.

◆ Kailan kaugalian noon na ang sanggol na lalaking Israelita ay bigyan ng kaniyang pangalan?

◆ Ano ang kahilingan sa isang inang Israelita pagka ang kaniyang anak na lalaki ay 40 araw na ang edad, at paano ang pagtupad sa kahilingang ito ay nagbunyag ng kalagayan sa buhay ni Maria?

◆ Sino ang nakakilala kay Jesus nang okasyong ito, at paano?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share