Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 3/1 p. 30-31
  • Isang Broshur na May Bagong Anyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Broshur na May Bagong Anyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Gumamit ng Iba’t ibang Brosyur sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Bagong Kasangkapan na Tutulong sa mga Tao na Matutuhan ang mga Kahilingan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 3/1 p. 30-31

Isang Broshur na May Bagong Anyo

ANG impormasyon sa naunang artikulo ay ipinahayag sa buong lupa noong 1986 sa “Banal na Kapayapaan” na mga Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Dito’y aming ipinahahayag ang sumaryo ng higit pang interesanteng komento ng tagapagpahayag:

“Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay.” Iyan ang titulo ng isang pulyeto na inilathala ng Watch Tower Society noong 1959. Ang ganitong uri ng pulyeto ay hiniling ng mga misyonero sa Hapón. Nadama na kailangan doon ang isang lathalain na maghaharap sa mensahe ng Kaharian sa malinaw, simpleng paraan para sa kapakinabangan ng mga tao na walang gaanong alam sa Bibliya mismo. Sa pamamanihala ng Watch Tower Society, mahigit na 30 misyonero ang nagtulung-tulong ng pagbuo ng pulyeto. Ang bago bang pulyetong ito ay sumapat sa pangangailangan samantalang ito’y naging pangunahing instrumento para sa pagsisimula ng mga bagong pag-aaral sa Hapón?

Ang mga resulta ang nagsasalita para sarili. Sa panahon na ilabas ang pulyetong “Narito!,” ang Hapón ay may pinakamataas na bilang na 1,390 mga mamamahayag ng Kaharian. Sa ngayon, ang pinakamaraming bilang ay 114,480 mamamahayag. Halos lahat nito ay tumanggap ng pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng pulyetong “Narito!” Noong nakalipas na 27 taon, mahigit na 8,750,000 kopya ng pulyetong ito ang naipamahagi sa wikang Haponés lamang. At sa nakaraang 20 taon, ang Hapón ay nag-ulat ng isang bagong pinakamaraming bilang na mga mamamahayag ng Kaharian buwan-buwan maliban sa dalawa. Bagama’t mayroon marahil mga ibang dahilan ang mabilis na pagsulong na ito, tiyak na ang paggamit ng pulyetong “Narito!” para magpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya ang isang malaking dahilan.

Ang pulyetong ito ay itinugma na ngayon sa kasalukuyang mga kalagayan, ayon sa pangangailangan sa ngayon, at inilabas sa “Banal na Kapayapaan” na mga kombensiyon bilang singlaki-ng-magasin na broshur na 32 pahina. Isang bagong seksiyon ang idinagdag na pinamagatang “Kasamaan​—Bakit Pinapayagan ng Diyos?” Isa pa, ang mga katapusang parapo ay binago upang magbigay sa estudyante ng masiglang pampalakas-loob upang makisama sa organisasyon ni Jehova. Ngayon ang publikasyon ay may malalaking, madaling-basahing letra at maraming mga larawang nagtuturo. Ang taglay nito na kaakit-akit at bagong apat-na-kulay na larawan sa pabalat ay medyo niliitan at narito sa kabilang pahina.

Ang bago bang broshur na ito na “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay!,” ay dito lamang sa Silangan gagamitin? Tiyak na ito’y magiging totoong epektibo rito. Gayunman, may paniwala na ang broshur na “Narito!” ay magiging kapaki-pakinabang din naman sa buong daigdig sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Halos 30 taon na ang lumipas sapol nang ilabas ang kauna-unahang pulyeto. Sa loob ng panahong iyan, ang kaalaman sa Bibliya ay umurong, kahit na sa mga lupaing nag-aangking Kristiyano. Imbis na marinig sa kanilang mga magulang ang tanyag na mga kuwento sa Bibliya, isang bagong salinlahi ang nagsilaki na ang mga mata at mga tainga ay kakabit na ng telebisyon, na sinasagap ang anumang idulot ng sanlibutan. Ito, lakip ang mga iba pang pang-abala na dulot ng isang baliw-sa-kalayawan na sanlibutan, ang umagaw sa mahalagang mga oras na sana’y nagamit sa pagpapasulong ng espirituwalidad. Ang modernong salinlahi, maging sa Sangkakristiyanuhan o saanman, ay kaunting-kaunti lamang ang alam tungkol sa Salita ng Diyos. Kailangan nila ang ‘gatas ng Salita,’ na malinaw na tinatalakay sa broshur na “Narito!”.​—Hebreo 5:12.

Sa buong daigdig, may mga tao na ang puso ay nakahilig sa matuwid at sila’y magagalak na malaman kung paano sila makakasali sa “malaking pulutong” na makakaligtas sa Armagedon. (Apocalipsis 7:9, 14) Sa ating pagbabahay-bahay, marahil ay makakasumpong tayo ng marami na humahanga sa magandang larawan sa pabalat ng broshur at sa kabigha-bighaning paglalarawan sa paraiso sa pambungad na mga parapo. Sa pagdalaw-muli, magagamit natin ang maraming teksto na binanggit bilang suporta sa mga parapong iyon upang ipakita na ang pag-asang ito’y hindi isang panaginip. Pagkatapos, sa pamamagitan ng isang regular na pag-aaral sa Bibliya, na doo’y ginagamit ang broshur na “Narito!,” matutulungan natin sila na magsimula sa daan ng buhay. Gaya ng binanggit ni Jesus sa pananalangin sa kaniyang Ama: “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang pagkuha nila ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at tungkol sa isa na iyong sinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Harinawang masigasig na gamitin natin ang broshur na “Narito!” sa pagpapasikat ng katotohanan sa Kaharian, at ang “malaking pulutong” ay nakikisama sa natitira pa ng mga pinahiran ng makaharing pagkasaserdote sa ‘pagpapasikat na kanilang liwanag sa harap ng mga tao.’ (Mateo 5:16) Harinawang ang maningning na pangalan ng Soberanong Panginoong Jehova ay lubusang ariing banal. Harinawang maipakilala sa lahat ng panahon na ang mga pangako ni Jehovang Diyos, Maylikha ng langit at lupa, ay laging “tapat at totoo.” Siya ang nagpapahayag buhat sa kaniyang trono sa langit ng: “Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.”​—Apocalipsis 21:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share