Isang Batang Pumupuri kay Jehova
MARAMING pagkakataon para sa pagpapatotoo ang bukás sa mga bata pagka sila’y may matinding pagnanasa na maglingkod kay Jehova. Ito’y nakita sa karanasan ng isang singko-anyos na batang lalaki sa kanlurang Kenya.—Eclesiastes 12:1.
Tinanong siya ng kaniyang ina: “Ano ba ang gusto mo paglaki mo?” Naobserbahan ng batang lalaki ang isang espesyal payunir sa kongregasyon at tumugon: “Ibig kong maging isang espesyal payunir katulad ni Brother F——.” Tumugon ang ina: “Pero hindi ito maaari; hindi ka pa nga maaaring maging isang regular payunir sapagkat wala kang pag-aaral sa Bibliya.” Ang bata ay nagtanong: “Kung gayo’y ano ang dapat kong gawin?” Iminungkahi ng nanay sa bata na turuan niya ang kaniyang mga kalaro sa kaniyang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
Kinuha ng singko-anyos na bata ang kaniyang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya at tinawag ang kaniyang mga kaibigan, upang makipag-aral sa kaniya ng Bibliya. Ano ang resulta?
Siya’y bumuo ng isang grupo ng sampung bata upang makipag-aral sa kaniya. Ginamit niya ang mga larawan, nagbangon ng maraming sumasaliksik na mga tanong, at nagrepaso sa katapusan ng pag-aaral. Pagka hindi nila natatandaan, muling pinapasadahan nila ang materyal. Ipinaliwanag ng nanay na talagang isang kagalakan na makitang lahat ng mga batang ito ay nakaupo sa lupa sa harap ng kaniyang bahay at sama-samang nagsisipag-aral! Naroon ang kaniyang singko-anyos na anak na nagbabangon ng mga tanong, at pagkatapos lahat ay nagtataas ng kamay upang sumagot.
Higit pang kagalakan ang naidulot sa ina, gayundin sa kongregasyon, na makitang walo sa mga batang ito ang dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon. Yaong dalawa ay napakaliliit pa. Lahat na ito ay nangyari dahilan sa isang singko-anyos ang nais pumuri kay Jehova at tumulong sa iba.