Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 8/1 p. 3-4
  • Saan Ka Lumalapit Para Humingi ng Payo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Saan Ka Lumalapit Para Humingi ng Payo?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Saradong mga Pag-iisip​—Bakit?
  • Paano Tayo Magbibigay ng Payo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Bakit Kailangan Nating Humingi ng Payo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Humanap ng Mabuting Payo
    Gumising!—2007
  • Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 8/1 p. 3-4

Saan Ka Lumalapit Para Humingi ng Payo?

IKAW ba’y nakahipo na ng huwad na salapi? Baka hindi, ngunit papaano ka maaapektuhan kung mayroong magsabi sa iyo na may huwad na salaping nasa sirkulasyon? Ikaw ba’y magagalit? Siyempre hindi! Malamang pa nga na ikaw ay magpasalamat na ikaw ay inabisuhan at mag-iingat ka na ang iyong pinagpagurang tunay na salapi ay huwag mapalitan ng huwad.

Karamihan sa atin ay tumatanggap ng payo o babala manakanaka. Totoo, may mga babala na lalong higit na napakikinabangan kaysa sa iba. Subalit kahit na hindi natin nakikita ang personal na kahalagahan ng ilang paalaala o payo, iyon ba ay dahilan na tayo’y magalit pagka tayo’y pinapayuhan?

Ang katotohanan ay, bawat isa’y nangangailangan ng tulong at payo manakanaka. Walang sinuman na may lahat ng kasagutan. Dahil sa pangkabuhayan at makapulitikang kawalang-kasiguruhang nakapalibot sa atin, bawat isa ay nangangailangan ng matatag na pag-asa para sa hinaharap. Sa isang daigdig na kung saan halos kalahati ng mga pag-aasawa’y natatapos sa paghihiwalay, kung saan palasak ang pagdadalang-tao ng mga tinedyer, at kung saan malaganap ang mga sakit na napapasalin sa pamamagitan ng seksuwal na pagtatalik, totoong kailangan ang seryosong, praktikal na patnubay. Ang mga magulang ay nangangailangan ng tulong sa pag-alam sa pinakamagaling na paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak sa magulong sistemang ito ng mga bagay. Ang mga tinedyer naman ay nangangailangan ng tulong upang mailagay sa ayos ang kanilang suliranin sa emosyon at mga kagipitang waring hindi nila kayang mapagtagumpayan. Bawat isa’y nangangailangan ng tulong sa pagsunod sa praktikal na mga minamahalagang asal sa isang daigdig na kung saan ang pagdaraya, imoralidad, karahasan ay higit at higit na sinasang-ayunan.

Saan matatagpuan ang gayong tulong? Hanggang sa ngayon ang pinakamagaling na mapagkukunan ng payo sa pamumuhay ay ang Bibliya, ang kinasihang Salita ng Diyos. Ang sinaunang salmista ay sumulat: “Ang iyong salita ay ilawan sa aking paa, at tanglaw sa aking daan.” (Awit 119:105) Ang mga bumabasa at sumusunod sa Salita ng Diyos ay nakaiiwas sa karamihan ng mga silo na umiiral sa ngayon. Iyan ay isang dahilan kung bakit daan-daang milyong oras sa taun-taon ang ginugugol ng mga Saksi ni Jehova sa pagdalaw sa kanilang kapuwa at pagpapaliwanag sa kanila ng Bibliya. Subalit, maraming mga tao ang hindi nakikinig, at ang iba’y nagagalit pa nga. Bakit ganito?

Saradong mga Pag-iisip​—Bakit?

Bueno, maraming mga tao ang labis na mararamdamin kung tungkol sa pagtanggap ng payo, lalo na kung tungkol sa paksa ng relihiyon. Maging ang mga miyembro man ng anumang relihiyon ay hindi laging nagnanais na makinig sa payo na ibinibigay ng kanilang predikador. Isang klerigong Britaniko ang naghinanakit: “Bawat isa’y mayroong kaniyang sariling ideya at ang mga ito ay itinuturing na kasinghusay din ng sa predikador.” Samakatuwid, hindi nakapagtatakang ang mga tao’y ayaw na makinig sa isang di nila kilala kung ito’y lumalapit sa kanila sa kanilang tahanan.

Isa pa, bagaman tayo ay nabubuhay sa panahon ng mga taong mapag-alinlangan, marami ang mayroon pang matibay, at emosyonal na kaugnayan sa kanilang relihiyon. Gaya ng binanggit ng isang ensayklopedia, “ang relihiyon ay umaantig sa pinakamatitinding damdamin ng napakaraming mga tao.” Ang gayong mga tao ay baka hindi nakadarama ng pangangailangan na makipag-usap tungkol sa Bibliya sa sinumang may ibang relihiyon, kahit na kung ang tatalakayin ay may kinalaman sa paghahanap ng kalutasan ng kanilang suliranin.

Parang ang iba’y ayaw makipag-usap tungkol sa Bibliya dahil sa nasasaksihan nilang palasak na pagpapaimbabaw at katiwalian sa relihiyon. Kanilang ipinagdaramdam na ang ibang pinunong relihiyoso ay nagkikibit-balikat sa imoralidad, o sila’y nasusuklam sa walang kahiya-hiyang kasakiman ng maraming ebanghelista sa telebisyon. Marahil sila’y umaayaw pagka ang isang klerigo’y gumagamit ng kaniyang autoridad upang suportahan ang isang panig laban sa isa namang panig sa isang labanan sa pulitika. Sa kanila, waring higit pang suliranin ang ipinapasok ng relihiyon kaysa nilulutas nito.

Ang mga suliranin na inirereklamo ng gayong mga tao ay tunay. Kung relihiyon ang pag-uusapan, napakaraming “huwad na salapi” na nasa sirkulasyon. Subalit tunay, ang pagtangging tumanggap ng mahalagang tulong buhat sa Bibliya ukol sa ganitong kadahilanan ay walang katuwiran tulad ng pagtangging tumanggap ng tunay na salapi dahilan sa mga huwad na salaping nasa sirkulasyon!

At gaya ng binanggit na, lahat tayo ay nangangailangan ng payo sa sanlibutang ito ng masalimuot na mga bagay at mapanganib na mga kalagayan. Mayroon bang paraan upang matalinong magabayan tungkol sa pagtanggap ng payo? Hindi na ba kailangan o mali ba ang makipag-usap tungkol sa Bibliya sa kaninuman na may naiibang relihiyon? Posible ba na magkaroon ng bukás na kaisipan upang tumanggap ng mabuting payo gayunma’y huwag malinlang ng huwad na payo? Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share