Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 11/15 p. 7
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Sapat ang Mag-ari Ka ng Bibliya
  • Sugapa Na sa Katampalasanan
  • Si Jesus at ang Pulitika
  • Kung Paanong ang Bawal na Droga ay Nakaaapekto sa Iyong Buhay
    Gumising!—1999
  • Droga—Mayroon Bang Anumang Pag-asa?
    Gumising!—1988
  • Droga—Sumisidhi ang Problema
    Gumising!—1988
  • Mapagtatagumpayan ba ang Pakikipagbaka sa Droga?
    Gumising!—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 11/15 p. 7

Ang Kahulugan ng mga Balita

Hindi Sapat ang Mag-ari Ka ng Bibliya

Isang kamakailang pag-aaral ang nagpakita na sa mga taong may mga Bibliya, kalahati ang nagsabi na hindi nila nababasa ang mga iyon. Kasali na rito ang karamihan na nagpapakilala ng kanilang sarili bilang born-again o ipinanganak-muli na mga Kristiyano. Halos 30 porsiyento ng namamaraling mga Kristiyano na sinurbey ang hindi nakaaalam na si Jesus ay isinilang sa Bethlehem. Sang-ayon sa The Detroit News, “labing walong porsiyento ang sumagot ng Jerusalem, samantalang 8 porsiyento ang sumagot ng Nazareth.” Si George Barna, nangulo sa grupo ng mga nagsurbey, ay nagsabi: “Kung sila’y walang kaalaman tungkol sa mga panimulang bagay na gaya ng mga ito, papaano maaasahang sila’y may katalinuhang makikipagtalakayan ng nilalaman ng Kasulatan sa isang di-sumasampalataya o kaya’y mamumuhay sa paraan na kasuwato ng mga simulain ng Bibliya?”

Si apostol Pablo ay nakapansin ng nakakatulad na kalagayan sa gitna ng mga tao na may “sigasig sa Diyos; subalit hindi ayon sa tumpak na kaalaman.” Kaniya ring tinukoy ang iba na may “ipinataw-sa-sariling kaanyuan ng pagsamba at kunwa-kunwariang pagpapakumbaba” at inihula niya na “ang mga huling araw” ay makikitaan ng mga taong “may anyo ng maka-Diyos na debosyon ngunit itinatakwil ang kapangyarihan niyaon.” (Roma 10:2; Colosas 2:23; 2 Timoteo 3:1-5) Gayunman, ang mga tunay na Kristiyano ay may mataas na pagpapahalaga sa Salita ng Diyos. Kanilang kinikilala na ang pagmamay-ari ng isang Bibliya ay hindi sapat. Bagkus, sila’y buong-pusong sumusunod sa payo nito na “magnasa kayo na may pananabik sa gatas na walang daya na ukol sa salita.”​—1 Pedro 2:2.

Sugapa Na sa Katampalasanan

Isa sa mga bahagi ng “tanda” ng mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay na binanggit ni Jesu-Kristo ay “ang paglago ng katampalasanan.” (Mateo 24:3, 12) Ang pag-aabuso sa droga ay may dramatikong impluwensiya sa paglubha ng katampalasanan sa ngayon. Halimbawa, ang pahayagang Australyano na The Sydney Morning Herald ay nag-uulat na pito sa sampung krimen na naganap sa New South Wales ay may kaugnayan sa droga o mga bawal na gamot, at mga 85 porsiyento ng mga armadong pagnanakawan sa estado ay mga gumagamit ng heroin ang gumawa. At ang problema ng pag-aabuso sa droga ay lumalago.

Ang U.S.News and World Report ay nagsasabi na “walang lugar sa Europa ang ligtas sa salot.” Sa Union Sobyet, ang dami ng nag-aabuso sa droga ay tinatayang umaabot sa milyun-milyon. Sa baliw na pagtatangkang pigilin ang daluyong ng pag-aabuso sa droga, ang gobyernong Sobyet ay nagbukas ng mga pakikipagkasunduan sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas laban sa droga sa 25 bansa. Gayunman, ang pag-asang magtagumpay ang mga pamahalaan sa ganiyang tunguhin ay waring mahirap mangyari dahil sa mga pag-uulat na ang mga tinutubo sa pagbibili ng droga ang ginagamit upang isuhol sa mga pulis, mga tagausig, at maging sa mga hukom. Ang sabi ng isang bigong opisyal ng pamahalaan: “Walang gaanong nagawa ang pulisya sa daigdig sa pagpapahinto ng suplay [ng mga droga] na makarating sa mga kalye.” Kaniyang isinusog: “Ito’y nakalulungkot dahilan sa hindi kailanman nagharap ng anumang mga solusyon.”

Ang ganiyang mga pananalita ay nagpapagunita ng hula ni Jesus tungkol sa mga huling araw. Kaniyang inihula na sa panahong ito ‘ang mga tao’y manlulupaypay dahil sa takot, na hindi alam kung papaano lulusutan iyon.’​—Lucas 21:25, 26.

Si Jesus at ang Pulitika

Isang paulong balita sa The Star ng Johannesburg, isang pahayagan sa Timog Aprika, ang nagsasabi: “Ibinunyag ng Iglesiya Katolika ang Pastoral na Balak Para sa TA.” Ang balak ay “pairalin ang kaharian ng Diyos” sa Timog Aprika sa pamamagitan ng “isang disididong pagsisikap ng simbahan na alisin ang pagtatangi-tangi ng lahi.” Upang makamit ito, si Jude Pieterse, sekretaryo-heneral ng South African Catholic Bishops Conference, ay nagsabi na sinisikap ng simbahan na makuha ang suporta ng mga ibang simbahan at gayundin ng “lahat ng pitak ng lipunan sa Timog Aprika.” Gayunman, inaakala ng mga ibang Katoliko na ang plano ay isang “sabwatan ng mga Obispo upang ang mga Katoliko’y gawing mga pulitikal na aktibista,” ayon sa paliwanag ng obispo ng Johannesburg, si Reginald Orsmond. Bagaman inamin ni Pieterse na ang balak na iyon ay may kahalong pulitika, sinabi ni Orsmond na iyon ay “walang anumang bago” kundi “sintanda ni Jesus mismo.”

Ang totoo, kailanman ay hindi uutusan ni Jesu-Kristo na ang kaniyang mga alagad ay maging mga pulitikal na aktibista. Nang siya’y tanungin ni Poncio Pilato, si Jesus ay matatag na tumugon: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Juan 18:36) At, mahigit na tatlong milyon na mga Saksi ni Jehova ang nagtatamasa na ng pagkakaisa ng lahi sa loob ng kanilang lipunan sapagkat sila’y namumuhay na kaayon ng ibinigay ni Jesus na ‘bagong utos, na kayo’y mag-ibigan sa isa’t isa; gaya ng kung papaano inibig sila ni Jesus’​—hindi lamang sa Timog Aprika, kundi sa buong daigdig!​—Juan 13:34.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share