Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 7/1 p. 16-17
  • Isang Jordan na Marahil Hindi Mo Alam

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Jordan na Marahil Hindi Mo Alam
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Jordan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hula-hula—Ang Sayaw ng Hawaii
    Gumising!—1995
  • Aralin Bilang 1—Isang Pagdalaw sa Lupang Pangako
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Halina Kayo at Maglakbay sa Dagat ng Galilea!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 7/1 p. 16-17

Mga Tanawin Buhat sa Lupang Pangako

Isang Jordan na Marahil Hindi Mo Alam

KAHIT na ang pagbanggit lamang sa Ilog Jordan ay makapagpapaalaala sa iyo ng kilala mong mga tanawin: mga Israelita sa ilalim ni Josue na tumatawid sa ilog na nahawi ang tubig malapit sa Jerico; si Naaman na makapitong ulit naligo sa tubig nito upang gumaling sa ketong; maraming Judio, at pagkatapos ay si Jesus, ang naparoon doon upang bautismuhan ni Juan.​—Josue 3:5-17; 2 Hari 5:10-14; Mateo 3:3-5, 13.

Maliwanag, lahat ng tanyag na mga pangyayaring ito ay doon naganap sa kahabaan at kilalang bahagi ng Jordan, ang bahaging nasa timog ng Dagat ng Galilea at patuloy hanggang sa Dagat na Patay. Ngunit maaaring nakaliligtaan ng masisigasig na mag-aarál ng Salita ng Diyos ang isa pang bahagi ng Jordan​—ang bahaging hilaga ng ilog at ang nakapalibot na lugar dito. Pansinin ang mapa.a Ang mababang dako sa gitna ay bahagi ng Great Rift Valley, ang geolohikong bitak na nasa kahabaan ng Syria hanggang Aprika.

Ang tatlong pangunahing bukal ng Ilog Jordan ay mga ilog na galing sa niyebeng natutunaw sa matayog na Bundok Hermon. Ang ilog sa kadulu-duluhang silangan (pahina 17, sa itaas) ay nanggagaling sa isang matarik na dalisdis ng yeso malapit sa paanan ng bundok. Narito ang Caesarea Filipos; maaalaala na si Jesus ay dumalaw roon ilang saglit bago siya nagbagong-anyo sa “isang mataas na bundok.” (Mateo 16:13–​17:2) Isa pang ilog ang nanggagaling sa burol na kung saan itinayo ang siyudad ng Dan, na doon ang mga Israelita ng hilagang kaharian ay nagtayo ng isang gintong baka. (Hukom 18:27-31; 1 Hari 12:25-30) Ang ikatlong ilog ay napapasama sa dalawang ito upang mabuo ang Ilog Jordan, na tumatalon nang mga tatlong daang metro sa humigit-kumulang labing-isang kilometro.

Pagkatapos ang libis ay pumapatag sa Hula Basin, kung kaya’t ang tubig ng Jordan ay lumalaganap, lumilikha ng isang malapad na latian. Noong sinaunang panahon karamihan ng tubig ay natitipon sa isang mababaw na katubigang kilala sa tawag na Loók ng Hula (o Huleh). Ngunit ang Loók ng Hula ay wala na roon sapagkat kamakailan ang itaas ng Jordan ay idineretso, naglagay ng mga kanal upang tuyuin ang latian, at ang labasan ng loók ay nilaliman. Samakatuwid, kung ikaw ay magmamasid sa isang mapa ng lugar na iyan at makikita mo, sa gawing hilaga ng Dagat ng Galilea, ang isang loók (Hula), malalaman mo na iyan ay mapa ng rehiyon na iyan noong sinaunang panahon, hindi yaong sa ngayon.

Datapuwat, kung ikaw ay dadalaw, masusumpungan mo ang isang naingatang likas na kapaligiran na magbibigay sa iyo ng ideya kung papaano ang hitsura ng lugar na iyan noong mga panahong tinutukoy sa Bibliya, nang ito ay tahanan ng pantanging uri ng mga halaman, tulad ng pumapagaspas na mga gubat ng papiro at tambo.​—Job 8:11.

Ang lugar na ito ay tahanan ng patuloy na nagbabagong sarisaring mga ibon. Sagana roon ang mga tagak, cigueña, pelikano, batu-bato, at iba pang mga ibon, ang isang dahilan ay sapagkat ang latian at loók ay nagsisilbing isang napakainam na dakong pahingahan sa daanang ruta sa pagitan ng Europa at Aprika. (Deuteronomio 14:18; Awit 102:6; Jeremias 8:7) Ang ibang mga kinapal na angkop sa lugar na iyan ay hindi gaanong makikita, ngunit ang kanilang presensiya ay dahilan upang iwasan ang pagtawid sa Hula Basin. Malamang na kasali rito ang leon, ang hippopotamus, ang lobo, at ang baboy-damo. (Job 40:15-24; Jeremias 49:19; 50:44; Habacuc 1:8) May panahon na umiiral ang malarya na dala ng lamok, marahil isa sa mga lagnat na binanggit sa Bibliya.

Mauunawaan kung bakit kapuwa ang isahang mga manlalakbay at ang malalaking pangkat ng mga manlalakbay ay namamaybay sa tabi ng latiang ito. Kung gayon ay saan sila makatatawid sa Ilog Jordan sa libis na nasa hilaga ng Dagat na Galilea?

Mas malapit sa Dagat ng Galilea ang isang nakausling batuhang basalto; ang tulad-prinsang katubigang ito ang dahilan kung bakit umatras ang tubig at lumikha ng Loók ng Hula. Makikita mo ang isang bahagi ng nakausling batuhang iyan sa pahina 16. Sa pagtalon ng Jordan sa gawing timog nito patungo sa Dagat ng Galilea (makikita sa malayo), ito’y gumagalaw nang napakabilis kung kaya’t ang resulta’y maputing tubig. Maliwanag, kaipala’y natuklasan ng sinaunang manlalakbay na mapanganib na bumaba sa malalim na banging iyan at tumawid sa mabilis ang agos na tubig ng Jordan.

Sa pagitan ng latian ng Hula Basin at ng bangin ay isang maikli, patag na kahabaan na kung saan umaagos nang tahimik ang tubig. Dito ang sinaunang mga manlalakbay ay ligtas na nakalulusong ng pagtawid sa ilog, at ito’y naging bahagi ng isang pangunahing ruta ng paglalakbay sa pagtawid sa Lupang Pangako. Ngayon ay may tulay sa lugar na ito, na isa pa ring ginagamit upang makatawid sa Jordan.

Ang Hula Basin ay isa ngayong lugar na taniman na may matabang lupa; mayroon pa rin ditong mga palaisdaan. Lahat na ito ay posible dahilan sa saganang tubig na umaagos sa bahaging ito ng Ilog Jordan.

[Talababa]

a Ihambing ang mas malaking mapa at larawan sa 1990 Calendar of Jehovah’s Witnesses.

[Mapa sa pahina 17]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Hula

Dagat ng Galilea

[Credit Line]

Based on a map copyrighted by Pictorial Archive (Near Eastern History) Est. and Survey of Israel

[Picture Credit Line sa pahina 16]

Pictorial Archive (Near Eastern Hisory) Est.

[Picture Credit Lines sa pahina 17]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

Animal photos: Safari-Zoo of Ramat-Gan, Tel Aviv

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share