Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 5/1 p. 3-4
  • Ang Krimen sa Isang Magulong Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Krimen sa Isang Magulong Daigdig
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Krimen Ba ay Isang Tunay na Panganib sa Iyo?
    Gumising!—1986
  • Pananaig sa Krimen sa Isang Magulong Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Nagsisikap na Lutasin ang Krimen
    Gumising!—1996
  • Bigong Pakikibaka Laban sa Krimen
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 5/1 p. 3-4

Ang Krimen sa Isang Magulong Daigdig

ANG krimen ay hindi isang makabagong pangyayari. Ang unang pagpaslang ng tao ay naganap libu-libong taon na ang nakaraan nang patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel. Ang panggagahasa at sodomiya ay binanggit sa sinaunang Kasulatang Hebreo. (Genesis 4:8; 19:4, 5; 34:1-4) Ang mga tao ay buong dahas na inaatake noong unang siglo ng ating Pangkalahatang Panahon, gaya ng ipinakikita sa talinghaga ng mabuting Samaritano. (Lucas 10:29-37) Subalit may isang pagkakaiba ngayon.

Ang damdamin ng mga tao sa maraming pangunahing lunsod sa daigdig, maging sa New York, London, Calcutta, o Bogotá, ay na lalong malaganap at lalong mapanganib ang krimen. Isang ulat mula sa India Today na may taglay na paulong balitang “Ang Kulto ng Anarkiya” ay nagsasabi: “Ang isang nakababahalang pag-unlad na nagbabantang sumira nang buong dahas sa maselang na moral at sosyal na pagkakaisa na nagbubuklod sa bansa ay ang mataas na turing sa karahasan, naghahamong kawalan ng disiplina, at katampalasanan sa isang kulto.” Sa pakikipagbaka nila laban sa krimen, maging ang pulisya man kung minsan ay natutuksong magmalabis sa pagpapatupad ng batas at sa ganang sarili ay gumagamit ng mararahas na mga pamamaraan. Ang naunang ulat mula sa India ay nagsasabi: “Ang kamatayan ng mga taong nasa pangangalaga ng pulisya ay patuloy na nababalita.” At ito ay totoo rin sa ibang mga bansa.

Waring lumulubha ang panganib na ang isa’y maging biktima ng krimen. Isang ulat mula sa Estados Unidos ang nagsasabi na “isa sa bawat apat na sambahayang Amerikano ang apektado ng isang krimen ng karahasan o pagnanakaw noong 1988.” Isa pa, ang mga tao ay gumagawa ng mararahas na krimen sa ngayon sa mas murang edad. Ang magasing Visión ng Latin-Amerika ay nagsasabi na “siyam sa bawat sampung sicarios [binabayarang mamamatay-tao] ay mga menor de edad. [Sila ay] ‘mga bata’ sa genetikong diwa at nasa ilalim ng proteksiyon ng batas.” Muli, ang paggawa ng mararahas na krimen ng mga menor de edad ay laganap sa buong daigdig.

Ang Bibliya ay humula na mga 2,000 taon na ang nakaraan: “Datapuwat alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, . . . hindi tapat, walang katutubong pag-ibig, . . . walang pagpipigil sa sarili, mababangis, walang pagmamahal sa kabutihan, mga taksil, matitigas ang ulo, mga palalo . . . Ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasamâ nang sasamâ, na mangagdaraya at sila rin ay mangadaraya.”​—2 Timoteo 3:1-4, 13.

Magmula noong 1914, maraming patotoo na nabubuhay tayo sa gayong mapanganib na panahon. Ang daigdig, matapos dumanas ng dalawang digmaang pandaigdig at iba pang malalaking labanan, ay sa lahat ng paraan nagiging mahirap supilin, napakagulo. Ang krimen ay napakalaganap. Sa maraming dako ng lunsod, ang mga kriminal ay nananaig, na binabago ang mga istilo ng pamumuhay ng mga nakararaming masunurin sa batas. Gaya ng sinabi ng isang prominenteng senador sa E.U.: “Maraming bagay ang ikinababahala natin sa ngayon, mga bagay na ngayon lamang natin kinatatakutan. Paminsan-minsan ay takot na takot tayo na maging mga bilanggo, samantalang yaong mga dapat na makulong ay nakalalaya.”

Bilang resulta, ang mga tao sa ngayon ay gumagawa ng mga pag-iingat na hindi naman kailangan noong mga 20 o 30 taon ang nakaraan. Ang mga pintuan ay may doble o tripleng mga kandado at pinatitibay sa pamamagitan ng bakal. Ang mga tao sa maraming dako ay nagdadala ng sapat na salapi upang paluguran ang isang marahas na magnanakaw at sa gayon ay umasang makaiwas na masaktan kung walang anumang maibibigay sa mga mandarambong. Maraming mga kalye ang walang katau-tao pagkalubog ng araw, madalas na ang naroroon ay mga walang muwang, mga pangahas, at yaong mga napipilitang dumoon dahil sa hindi maiiwasang mga pangyayari​—mga tiyak na target ng mga maninila na gumagala sa kagubatan ng lunsod.

Ano ang dapat nating gawin upang tayo’y huwag maging mga biktima ng krimen sa ganitong napakagulo at maligalig na daigdig? Papaano tayo makapananaig?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share