Kung Bakit Dapat Kang Dumalo
MAGKAKAROON ka ng apat na kapaki-pakinabang na mga araw ng espirituwal na turo sa “Banal na Pagtuturo” na Pandistritong Kombensiyon. Sa Estados Unidos lamang, mahigit na 150 ng mga pagtitipong ito ang ginanap maaga sa taóng ito. Sa pangkalahatan, ang programa ay magsisimula sa Huwebes sa ganap na 1:20 n.h. at matatapos sa Linggo sa ganap na 4:10 n.h. Itatampok sa mga ilang kombensiyon ang mga pag-uulat ng mga misyonero, na tinulungang magbalik sa kanilang sariling bansa para sa maligayang okasyong ito.
Ikaw man ay matanda o kabataan—isang asawang lalaki, asawang babae, ama, ina, tin-edyer, o bata—makaririnig ka ng pagtuturo na iniharap sa isang malinaw, kaakit-akit na paraang pakikinabangan mo. Halimbawa, marami sa ngayon ang nagtatanong, Ano ba ang layunin ng buhay? Sa Biyernes ng umaga, masisiyahan kang marinig na talakayin ang tanong na ito at magagalak sa iyong narinig upang tulungan ang iba na maunawaan ang paksa.
Sa Biyernes ng hapon ay itatampok sa programa ang mga bahaging “Gawing Walang-Hanggang Pagsasama ang Pag-aasawa,” “Magsumikap Ukol sa Kaligtasan ng Inyong Sambahayan,” at “Mga Magulang—Kailangan ng Inyong mga Anak ang Natatanging Pag-aasikaso.” Karaka-raka pagkatapos ng mga ito, ang natatanging pansin ay itututok sa mga suliranin na napapaharap sa kabataan at kung papaano nila pakikitunguhan ang mga iyon. Sila’y dapat ganyakin ng modernong drama na pinamagatang Mga Kabataang Di-Nakalilimot sa Kanilang Maylikha Ngayon.
Sa Sabado ang programa ay magtatampok sa hula ni Jesus tungkol sa mga huling araw at lalo na sa kaniyang mga salitang: “Karaka-raka pagkatapos ng kapighatian ng mga araw na iyon ay magdidilim ang araw.” (Mateo 24:29) Nanaisin mong marinig ang pagtalakay tungkol sa kung kailan magaganap ang kapighatiang iyon. Sa programa sa Sabado ay rerepasuhin din ang rekord ng mga Saksi ni Jehova sa modernong panahon at ipakikita kung ano ang kanilang nagawa na.
Sa Linggo ang isa pang drama, na pinamagatang Huwag Magpalinlang o Kumutya Man sa Diyos, ay magtututok ng hamon sa katapatan ng isang Kristiyano dahilan sa popular na mga video at musika sa ngayon. Ang pahayag pangmadla sa hapon ay magtatampok ng temang “Kapaki-pakinabang na Pagtuturo sa Ating Mapanganib na Panahon.” Magtatapos ang programa sa payo na “Patuloy na Manghawakang Mahigpit sa Banal na Pagtuturo.”
Tiyak, ikaw ay makikinabang sa pagdalo nang buong apat na araw! Buong lugod na inaanyayahan kang dumalo. Upang malaman ang lugar na pagdarausan na pinakamalapit sa iyong tahanan, makipag-alam sa lokal na Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito o tingnan ang labas ng Disyembre 8 ng Gumising!, na katatagpuan ng mga direksiyon ng lahat ng pagdarausan ng kombensiyon sa Pilipinas.