Makapagpapayunir ba Kayo sa Oktubre at Nobyembre?
1 Nakapagpapatibay makita na marami ang nagsaayos ng kanilang gawain upang magkaroon ng bahagi sa paglilingkuran bilang auxiliary at regular payunir. Maaari ba kayong magkaroon ng bahagi sa gawaing ito sa Oktubre at Nobyembre?
2 Ang mang-aawit ay nagsabi na ‘ang bayan ni Jehova ay kusang naghahandog ng kanilang sarili’ habang tinitipon Niya sila para sa gawaing pangangaral ng Kaharian. (Awit 110:3; Mar. 13:10) Ang Awit 68:11 ay naglalarawan sa mga babaeng nagpapahayag ng mabuting balita gaya ng “isang malaking hukbo.” at napatunayang gayon nga ang bayan ni Jehova sa ngayon. Dumarami ang nakikibahagi sa gawaing auxiliary payunir. Hindi kailanman nagkaroon ng ganitong karaming naglilingkuran sa gawaing regular payunir.
3 Si Satanas at ang kaniyang sistema ay nagsisikap na lubusan tayong abalahin upang mawalan tayo ng panahon sa mga kapakanan ng Kaharian. (1 Cor. 15:58) Si Jesus ay nagpayo, ‘Kung payak nga ang iyong mata, ang buong katawan mo ay mapupuspos ng liwanag.’ (Mat. 6:22) Maaari bang isaayos mo ang iyong gawain upang ang iyong pangmalas, ang iyong tunguhin, at ang iyong buhay ay maging payak? Habang binibigyan mo nang higit na pansin ang mga kapakanan ng Kaharian, niluluwalhati mo ang Diyos at nakikinabang ang iyong kapuwa tao.
4 Maaari ba kayong makibahagi sa gawaing auxiliary payunir sa Oktubre at Nobyembre, sa panahong kadalasan ay nagsisikap tayong gumawa nang higit pa sa paglilingkod? May panahon ba kayo? Maaari bang isaayos ninyo ang inyong gawain upang kayo ay magkaroon ng panahon? Kung hindi ninyo magagawa ito sa loob ng dalawang buwan, marahil ay makapagpapayunlr kayo sa isa lamang buwan, kaypala’y sa Nobyembre. May pananalangin ninyong isaalang-alang ang inyong personal na mga kalagayan at tingnan kung makakabahagi kayo.
5 Mayroon pa bang iba sa kongregasyon na maaaring sumama sa inyo sa paglilingkod? Kung gayon, anyayahan silang gawin ang gayon. Kung kayo ay isang magulang, maaari bang maglingkod na kasama ninyo ang inyong anak na lalaki o babae? Maaari ba ang inyong asawang lalaki o babae? Ang inyong kapatid na babae o lalaki?—Tingnan ang om pp. 113-14?
6 Bukod pa sa tunguhing gumugol ng higit na panahon sa paglilingkod, bakit hindi rin gawing tunguhin ang makipag-usap sa kaninuman sa bawa’t tahanan? Gagawin ba ninyong tunguhin na dumalaw-muli sa lahat ng mga taong interesadong natatagpuan ninyo? Maaari ba kayong makapagsimula ng isang ruta ng magasin? Makapagsisimula ba kayo ng isang pag-aaral sa Bibliya? Marahil ay may matutulungan kayo sa inyong kongregasyon na magkaroon ng higit na bahagi sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa kaniya na sumama sa inyo sa inyong gawain bilang auxiliary payunir.
7 Ikapit ang payo ni Pablo kay Timoteo: ‘Ihayag sa lahat ang iyong pagsulong.’ “Lubusang ganapin ang iyong ministeryo.” Manalangin na pagpalain ni Jehova ang inyong pagsisikap at niyaong mga kabilang sa kaniyang bayan na gumagawa ng ganito sa lahat ng dako. Ang atin nawang nagkakaisang gawain ay maging ukol sa kaniyang karangalan.—1 Tim. 4:15; 2 Tim. 4:5.