Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/85 p. 1-4
  • Tulungan ang Iba na Sumulong sa Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Iba na Sumulong sa Ministeryo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MAGING BUKAL NG PAMPATIBAY-LOOB
  • ANG PAGTULONG SA IBA AY NAGDUDULOT NG KAGALAKAN
  • Mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Panggrupong Pagpapatotoo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Naisasagawa ng mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan ang Layunin Nito
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Tangkilikin ang mga Kaayusan sa Gitnang Sanlinggong Paglilingkuran
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 9/85 p. 1-4

Tulungan ang Iba na Sumulong sa Ministeryo

1 Sa Lukas 22:32 pinayuhan ni Jesus si Pedro na ‘patibayin ang kaniyang mga kapatid.’ Gayon nga ang ginawa ni Pedro. Siya ay pinagmulan ng kalakasan ng kaniyang mga kapatid na Kristiyano sa pamamagitan ng kaniyang ministeryo. (1 Ped. 5:12) Kung papaanong pinahahalagahan natin ang tulong sa paglilingkod, gayundin ang iba. Sino sa inyong kongregasyon ang nangangailangan ng pampatibay-loob upang sumulong sa ministeryo? Papaano sila maaaring tulungan?—1 Tes. 5:11.

2 Ang isang paraan ay ang tulungan silang maging mabisa sa paggamit sa Paksang Mapag-uusapan. Halimbawa, imungkahi kung ano ang iba’t ibang pambungad na maaari nilang gamitin. Ipakita sa kanila kung papaano iuugnay nang mabisa ang mga kasulatan. Imungkahi na sila ay gumawa kasama ng iba’t ibang mga kapatid at matuto mula sa kanila. (Kaw. 20:18) Isaayos ang mga pag-eensayo kasama nila.—Kaw. 27:17.

MAGING BUKAL NG PAMPATIBAY-LOOB

3 Maging alisto hinggil sa nangangailangan ng tulong sa kongregasyon, kagaya ng mga walang ama, matatanda na, at yaong may asawang di kapananampalataya. Maaari ba kayong gumawa kasama nila sa paglilingkuran? (1 Ped. 1:13; Ecles. 4:9, 10) Ang isang mainam na pagkakataon para dito ay sa gawain sa magasin kung Sabado.

4 Mga payunir, kayo ay nasa isang napakabuting kalagayan upang makatulong. Ang inyong mga karanasan ay makapagpapatibay sa iba. (Gawa 15:3) Bakit hindi ninyo isama ang iba sa isang pag-aaral sa Bibliya o pagdalaw-muli? Kapag ginagawa ito, hayaang ipabatid sa mamamahayag kung anong punto ang nais ninyong saklawin upang siya ay makabahagi sa pag-uusap.

5 Ang mga matatanda ay may pribilehiyong magbigay ng mabuting halimbawa sa paghahayag ng Kaharian at sa pagtulong sa mga kapatid na mapasulong ang kanilang kakayahan sa paglilingkuran. Ang mga konduktor sa pag-aaral ng aklat at ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay maaaring repasuhin ang mga Publisher Record cards sa panapanahon upang malaman nila ang nagaganap hinggil sa paglilingkod sa larangan ng isa. Kaya sila ay nasa kalagayan na tumulong na masanay ang iba na maging mahusay sa iba’t ibang bahagi ng paglilingkuran. Matutulungan nila ang miyembro ng kawan na labanan ang pagkasira-ng-loob dahilan sa mahirap na teritoryo o mga suliranin sa buhay na maaaring humadlang sa kanilang paglilingkod kay Jehova. Ang mga pulong sa paglilingkod sa larangan na magiging maalwan para sa mga mamamahayag ay dapat na isaayos nang regular. Ang mga pantanging kaayusan sa paglilingkod ay dapat na gawin kung pista opisyal. Ang mga matatanda ay dapat na maging alisto sa pangangailangan ng kongregasyon sa bagay na ito.

ANG PAGTULONG SA IBA AY NAGDUDULOT NG KAGALAKAN

6 Malaking kasiyahan at kagalakan ang naidudulot ng pagtulong sa iba na makibahagi nang lubusan sa pangangaral ng Kaharian. (Neh. 8:10) Sa mga huling araw na ito, gamitin ang lahat ng pagkakataon na tulungan ang iba na maranasan kasama ninyo ang kagalakan ng paggawang magkakabalikat sa Kristiyanong pagkakaisa!—Zef. 3:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share