Pakikibahagi Nang Lubusan sa mga Gawain sa Marso at Abril
1 Pinayuhan ni apostol Pablo ang kongregasyon sa Corinto na laging “sumagana sa gawa ng Panginoon.” (1 Cor. 15:58) Taglay ang espiritu ng mga salita ni Pablo, tingnan natin kung papaano tayo makakabahagi sa maraming teokratikong gawain na isinaayos para sa Marso at Abril.
ANG PANTANGING PAHAYAG
2 Sa Marso 29, ang mga kongregasyon sa palibot ng lupa ay magtitipon upang pakinggan ang pantanging pahayag pangmadia na pinamagatang “Ano ang Inyong Kaugnayan sa Diyos?” Ito’y isang mahalagang tanong na di pinapansin ng maraming tao sa ngayon, subali’t ang kasagutan dito ay maaaring mangahulugan ng buhay at kamatayan para sa isang indibiduwal. Kaya gumawa ng pantanging pagsisikap upang maanyayahan ang lahat ng mga taong interesado na makapakinig sa napapanahong pahayag na ito.
ANG MEMORYAL
3 Pagkatapos lumubog ang araw sa Linggo, Abril 12, ang pinahirang mga Kristiyano sa palibot ng lupa at ang kanilang mga tapat na kasamahan, ang ibang tupa, ay gugunita sa kamatayan ng ating Panginoon Jesu-Kristo. Ang dumalo sa Memoryal nang nakaraang taon sa Pilipinas ay 274,565, at sa taong ito inaasahan natin na marami pa sa tapat-pusong mga tao ang sasama sa atin sa pinakamahalagang okasyong ito. Gamitin ninyo ang suplay ng inimprentang paanyaya at gumawa ng lubusang pagsisikap na ipagpatuloy ang pagtulong sa maraming mga baguhan na magsisidalo. Marahil ay maaaring mapasimulan ang pag-aaral sa ilan sa kanila.
100,000 MGA MAMAMAHAYAG SA ABRIL?
4 Noong Abril, 1986, ating inabot ang pinakamataas na bilang ng mamamahayag na 95,746. Yamang maraming mga bagong nabautismuhan ang naparagdag mula noon, walang alinlangan na maaabot natin ang ating pinakahihintay na tunguhing 100,000 mga mamamahayag. Gayumpaman, kakailanganin nito ang pagtutulungan ng lahat ng mga matatanda, payunir, at mga mamamahayag sa kongregasyon. Iminumungkahi namin na ang lahat ay gumawa ng pantanging pagsisikap na makabahagi sa paglilingkod sa unang dulong sanlinggo, Abril 4 at 5. Pagkatapos, sa Abril 12, iminumungkahi na tayong lahat ay mag-ulat ng paglilingkod sa larangan para sa nagdaang unang 12 araw ng Abril. Makatutulong ito sa mga matatanda na makita kung sino pa ang hindi nag-uulat at upang matulungan ang mga ito bago matapos ang buwan.
5 Karagdagan pa, ang karamihan sa inyo mga payunir at mga mamamahayag ay walang pagsalang nagdaraos ng maraming mga pag-aaral sa Bibliya. Kung sumusulong na mabuti ang inyong tinuturuan sa Bibliya, dumadalo nang palagian, at kuwalipikadong makibahagi sa ministeryo sa larangan, (tingnan ang aklat na Ating Ministeryo, mga pahina 97-99) ito’y isang mainam na pagkakataon na anyayahan siya na makibahagi kasama ninyo. Kung madarama ng mga matatanda na maaari nang mag-ulat ang taong ito, kaayon ng pahina 105 ng aklat na Ating Ministeryo, kung gayon siya ay maaaring ibilang na isang bagong mamamahayag sa Abril.
GAWAING PAYUNIR
6 Taon-taon, ang Marso, Abril at Mayo ay napatunayang napakainam na mga buwan upang makibahagi sa paglilingkurang auxiliary payunir. Noong Marso, 1986, halos 10,000 ang nagpayunir. Noong Abril ang bilang ay tumaas tungo sa 19,225, na pinakamataas na bilang kaysa alinmang buwan sa Pilipinas. Makikibahagi ba kayo sa taong ito, na nakikipagtulungan sa amin na magkaroon ng 20,000 auxiliary payunir sa kaunaunahang pagkakataon? Bawa’t linggo ang kongregasyon ay dapat na patalastasan kung ilan ang sinang-ayunan bilang mga auxiliary payunir. Ito ay magpapasigla sa iba pa na magpayunir. Walang pagsalang maraming mga matatanda at ministeryal na lingkod, lakip na ang ilan sa kanilang pamilya ang makikibahagi sa larangang ito ng paglilingkod, na nagbibigay ng mainam na halimbawa para sa iba.
7 Oo, tayong lahat nawa ay “sumagana sa gawa ng Panginoon” sa Marso at Abril, na nananalig kay Jehova para sa kaniyang pagpapala sa ating nagkakaisang pagsisikap.