Mabisang mga Pagtitipon Bago Maglingkod
1 Ang sigasig sa paglilingkod sa larangan ay sumulong sa nakaraang mga taon. Sa isang bahagi, ito ay dahilan sa mas mabuting edukasyon ng bayan ng Diyos hinggil sa mabisang paghaharap ng mabuting balita. Ang nakapagtuturong mga pagtitipon bago maglingkod ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa edukasyong ito.
2 Ang mga pagtitipong ito ay dapat na maghanda sa isipan at puso ng mga kapatid para sa gawain na dapat nilang isakatuparan. Pinahahalagahan nila ang mga pulong na nagtatampok sa mabubuti at praktikal na mga punto at mungkahi na tutulong sa kanila na maging mabisa sa gawaing pangangaral.
3 Ang isa na inatasan na mangasiwa sa pagtitipong ito ay dapat na mag-isip nang patiuna kung ano ang kaniyang gagawin upang ito ay maging kapanapanabik at nakapagtuturo. Ang pang-araw-araw na teksto ay maaaring talakayin, lalo na’t ito ay angkop sa gawain sa larangan. Ang mga punto mula sa Mga Pagtitipon Bago Maglingkod ay dapat na gamitin. May mga pagkakataon na maaari nating isaalang-alang ang mga punto mula sa Reasoning From the Scriptures. Ang pagtitipon bago maglingkod ay dapat na maging maikli na hindi lalampas sa 15 minuto.
4 Papaano kayo makatutulong upang maging kapakipakinabang ang pagtitipong ito? Sa pamamagitan ng pagrerepaso sa materyal nang patiuna at pag-iisip sa mga punto na makatutulong sa iba. Kung kayo ay nagtagumpay sa pagkakapit sa mga mungkahi na tinalakay, makapagbibigay kayo ng nakatutulong na komento.
5 Bago magtapos sa panalangin, dapat na organisahin ng nangangasiwa ang grupo sa paglilingkod, na tinitiyak na sila’y may sapat na teritoryo sa panahong sila’y nasa ministeryo.
6 Ang mahusay na plano para sa pagtitipon bago maglingkod ay malaking tulong upang tayo ay maorganisa at makapagharap ng pabalita nang higit na mabisa.