Tanong
● Papaano pangangasiwaan ang mga pagtitipon bago maglingkod?
Ang pagtitipon bago maglingkod ay isang kaayusang itinatag sa kongregasyon. Ito ay dapat na maayos at gawin nang may dignidad. Ang saloobin at ayos ng mga dumadalo ay dapat na katulad niyaong sa mga pulong ng kongregasyon. Ang pagtitipon ay dapat na magpasimula nang nasa oras kahit na nalalaman natin na darating pa ang iba. Ang isa na naatasang mangasiwa ay dapat na handang iharap ang bagay na praktikal na magagamit sa araw na iyon sa paglilingkod. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay naglalaan ng mga kapakipakinabang na mga mungkahi sa pagtitipong ito.
Hindi na kailangang talakayin pa ang pang-araw-araw na teksto sa bawa’t pagtitipon. Kung ang teksto sa araw na iyon ay nagbibigay ng pampatibay-loob sa paglilingkod sa larangan, ito ay maaaring isaalang-alang sa maikli. Dapat na ganapin ang pagtitipon nang maaga upang magugol ang buong itinakdang panahon sa larangan. Ito ay dapat na 10 hanggang 15 minuto lamang ang haba. Gayunman, ito ay maaaring mas maikli kung ito’y kasunod ng isang pulong ng kongregasyon. Dapat na isaalang-alang ang eskedyul ng mga payunir, yamang ang mahaba o tanghali nang pagtitipon bago maglingkod ay makakaapekto sa mga may mahigpit na eskedyul ng panahon.
Ang kaayusan ay dapat na gawin upang ang lahat ng naroroon ay magkaroon ng dakong gagawin. Sabihin pa, ang ilan ay maaaring mayroong kaayusan sa pagdalaw-muli o pagdaraos ng mga pag-aaral at hindi na kailangang bigyan pa ng atas na teritoryo.
Ang lahat ng naroroon ay dapat na magbigay ng pansin hanggang maisaayos ang mga grupo sa larangan at makapanalangin. Ang mga atas ng grupo at mga teritoryo ay dapat na gawin bago tapusin ang pagtitipon bago maglingkod sa pamamagitan ng panalangin, at hindi kapag nasa teritoryo na.