Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/86 p. 1-7
  • “Ang Nakikinig ay Magsabi: ‘Halika!’”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Nakikinig ay Magsabi: ‘Halika!’”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • HAYAANG SABIHIN NG MGA BAGUHAN NA “HALIKA”
  • “Ang Nakikinig ay Magsabi: ‘Halika!’”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • “Ang Espiritu at ang Kasintahang Babae ay Patuloy na Nagsasabi: ‘Halika!’”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Patuloy na Sabihing, “Halika!” sa mga Nais Makinig
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Suskripsiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 11/86 p. 1-7

“Ang Nakikinig ay Magsabi: ‘Halika!’”

1 Sa panahon ng kaniyang makalupang ministeryo, ipinaabot ni Jesu-Kristo ang mainit na paanyaya sa mga tulad-tupang nauuhaw na lumapit sa kaniya ukol sa espirituwal na kapahingahan. (Juan 7:37) Sa ating kaarawan, ang Mabuting Pastol ay maibigin sa kaniyang patuloy na paggamit sa uring kasintahang babae na mag-anyaya sa “lubhang karamihan” ng ibang tupa na saganang uminom ng mga paglalaan ng Diyos para sa buhay na walang hanggan.—Apoc. 7:9, 17; 22:17.

2 Ang pinahirang nalabi na pinakikilos ng espiritu at Salita ng Diyos ay ‘patuloy na nagsasabi: “Halika!”’ Mahigit sa tatlong angaw ng ibang tupa ang tumugon sa paanyayang ito at nagkaroon ng pamatid-uhaw. Pribilehiyo din nila na sundin ang utos: “Ang nakikinig ay magsabi: ‘Halika’”

3 Kapag nagsasabing “Halika,” hindi natin inaakit ang iba sa ating sarili, na para bang tayo bilang indibiduwal ang pinagmumulan ng “tubig ng buhay.” Sa halip, inaakay natin ang mga tao kay Jehova at sa kaniyang teokratikong organisasyon. Kapag nagpakita ang sinuman ng taimtim na interes na higit pang matuto, huwag mag-atubiling magsabi sa isang iyon: Halika sa aming Kristiyanong pagpupulong. Doon masusumpungan ang tunay na kapahingahang espirituwal.—Awit 1331-3.

4 Ang iba pang paraan ng pagsasabing “Halika,” ay sa pamamagitan ng pagtatampok ng New World Translation of the Holy Scriptures kasama ang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ministeryo sa bahay-bahay sa Nobyembre. Bagaman madalas nating nasusumpungan ang mga tao na salansang, mabagal ang pagtugon, o basta walang interes sa Diyos at sa Bibliya, huwag nating pahihintulutang magpahina ito ng ating loob sa pagsasabing “Halika.” Ang ating masigla at masigasig na paghaharap ay maaaring makatulong sa ilan sa mga ito na makita ang epekto ng Salita ng Diyos doon sa mga nagsasa-puso nito. (Heb. 4:12) Ipabatid sa kanila na tayo ay nalulugod na makipag-aral sa kanila ng nakagiginhawang Salita ng Diyos upang sila rin ay “kumuha ng walang bayad na tubig ng buhay.”

HAYAANG SABIHIN NG MGA BAGUHAN NA “HALIKA”

5 Ang mga estudiyante ng Bibliya na naunawaan ang mabuting balita ay mapasisigla rin na ibahagi ang kanilang nalaman sa mga kaibigan, kamag-anak, mga kasama sa negosyo at sa iba pa. (Ihambing ang Juan 1:46, 47; 4:28-30.) Hindi lahat ay handang tumanggap ng katotohanan, subali’t maaaring mayroong ilan na magpapahalaga sa mabuting balita at tutugon sa mainit na paanyayang “Halika.”

6 Ang isang nagpapahalagang estudiyante ng Bibliya ay napakilos upang magsalita ng tungkol sa katotohanan sa kaniyang mga kakilala. Siya ay nagtungo sa mga pabrika sa lugar nila at nakipag-usap sa mga manggagawa doon sa panahon ng pananghalian. Sa payak na paraan ay sinabi niya: “Marahil ay alam ninyong lahat kung anong uri ng tao ako noon; marami akong ginawang masama tulad rin ng iba, subali’t ako ay nagbago. Ang pag-aaral ng Bibliya ay nakatulong sa akin na magbago. Ito ay makatutulong din sa inyo sapagka’t ito ay tumatalakay sa lahat ng suliranin na maaaring mapaharap sa isang tao.” Marami siyang nasumpungang handang makinig.

7 Kung kalooban ni Jehova, milyun-milyon pa ang iinom ng “tubig ng buhay” at mapabilang sa mga tulad-tupa na makikinig sa Hari na nagsasabi: ‘Halika at makibahagi sa mga pagpapala sa makalupang paraiso sa ilalim ng Kaharian ng Diyos.’—Mat. 25:34.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share