Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/87 p. 3
  • Pag-akay ng Interes Tungo sa Organisasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-akay ng Interes Tungo sa Organisasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGGAMIT SA BAGONG BROCHURE
  • “Ito ang Daan”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Pag-akay sa mga Estudiyante sa Bibliya Tungo sa Organisasyon ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Gawing Mabisa ang Paggamit ng Bagong Brochure
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Akayin ang mga Estudyante sa Organisasyon na Nasa Likod ng Ating Pangalan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 5/87 p. 3

Pag-akay ng Interes Tungo sa Organisasyon

1 Nalalaman nating lahat kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa kongregasyon para sa ating espirituwal na paglaki at pagtatag sa pananampalataya. (Heb. 10:24, 25) Dapat na magkaroon tayo ng malalim na pagkabahala sa pagtatawid sa ating mga tinuturuan sa Bibliya hindi lamang ng maliwanag na kaunawaan sa mga doktrina kundi ng malalim na pagpapahalaga sa organisasyon na ginagamit ni Jehova. (Luk. 6:40) Ang ating bagong brochure na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig ay makatutulong sa inyo sa bagay na ito.

2 Dapat na mapahalagahan ng mga taong nakikipag-aral na ang balangkas at pamamaraan na ginagamit ng organisasyon ni Jehova ay nagmumula sa Bibliya. At upang sumulong, kailangan din nilang makita na sila’y natututo ng mga daan ni Jehova na nasisinag sa kaniyang organisasyon, at hindi lamang basta nagkakaroon ng kabatiran tungkol sa ibang relihiyon.

PAGGAMIT SA BAGONG BROCHURE

3 Sa pagpapasimula pa lamang ng kaayusan ng pag-aaral, dapat na paglaanan na kaagad ang tinuturuan ng isang kopya ng brochure na Paggawa ng Kalooban ng Diyos at patiunang pahiwatigan kung anong seksiyon ang rerepasuhin bilang bahagi ng lingguhang leksiyon. Kaya makapaghahanda siya para sa pag-aaral. Sa inyong paghahanda, isaalang-alang kung papaano ninyo maipakikita ang pagkakaiba ng organisasyon ni Jehova at ng dati o kasalukuyang relihiyon na kinaaaniban niya. Tingnan ang mga binanggit na susing teksto, at gamitin ang tanong sa repaso na lumilitaw sa katapusan ng karamihan sa 15 mga seksiyon ng brochure.

4 Bilang halimbawa, sa pagsaklaw sa seksiyong “Mga Kongregasyon para sa Ikatitibay sa Pag-iibigan at Pagkakaisa,” maaari ninyong tanungin ang tinuturuan kung papaanong ang mga pinuno ng kaniyang iglesiya ay hinihirang at minamalas. Pagkatapos ay maaari ninyong suriin sa Kasulatan kung papaano ito kakaiba sa nakikita at ginagawa sa organisasyon ni Jehova. Ang ganitong paraan ay maaari ding gamitin sa pagkubre ng seksiyon hinggil sa kung papaano tinutustusan ang gawain, pasimula sa pahina 28.

5 Ingatan din sa kaisipan na hindi ninyo kailangang kubrehan ang lahat ng materyal sa isang seksiyon sa isa lamang pag-aaral, kundi maaaring talakayin iyon sa ilang pag-aaral. Lima o sampu lamang minuto ang kailangang gugulin pagkatapos ng bawa’t pag-aaral, na ginagamit ang mga tanong sa repaso na angkop sa bahaging sinaklaw, na nagtatampok sa pangunahing mga punto.

6 Itawag-pansin ang mga ilustrasyong ginamit. Ang karamihan sa mga larawan ay nagpapakita sa pang-internasyonal na lawak ng organisasyon ni Jehova at ang pagkakaisa na umiiral sa bayan ng Diyos anuman ang lahi, sosyal na kalagayan, o nasyonalidad. Ang ganito lamang organisasyon ang makatutupad sa atas na ipangaral ang Kaharian sa buong daigdig.—Mat. 24:14.

7 Kailangang piliin ng mga tao ang alinman sa organisasyon ni Jehova o ni Satanas. Ang kanilang buhay ay nasasangkot. (Gawa 26:18) Matutulungan natin silang gumawa ng tumpak na pagpili sa pamamagitan ng lubusang paggamit ng maiinam na kasangkapan na ibinigay ni Jehova sa atin upang akayin ang interes tungo sa kaniyang organisasyon. Kailangan nating planuhin ang paggawa nito sa bawa’t pag-aaral ng Bibliya. Kung gayon ay magagawa nilang “itaguyod ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, kapayapaan, kasama niyaong mga tumatawag sa Panginoon mula sa isang pusong malinis.”—2Tim. 2:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share